Chapter Ten

641 105 9
                                    

Hindi ko akalain na makakaabot pa ako ng ten chapters!Salamat sa nagbabasa nito!I will try to update as soon as I can.

================================

GIN

KAGABI ay kasama kong nag-bake sila Nanay at Kuya Simon.Pinakilala ko na'rin siya kila Tatay,Vin at Vincent.Noong una ay naiilang sya at hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya.Kagabi ay nagbake kami ng 20 na cake at 200 cupcakes.Gumawa rin kami ng pastillas at cookies.Hindi na kami natulog maliban na lang kay Kuya Simon na halatang pagod.Paano ba naman ay hindi na raw nakapag-cultivate mula ng maging slave siya.Napag-alaman din namin na labing tatlong taon siyang mas matanda saakin.Ibig sabihin ay twenty three na siya.

"Nay,mamayang alas diyes ay magbubukas na tayo.Mas mabuti kung magsisimula na tayong magluto ngayon."sabi ko pagkarating sa kusina ng bahay namin.

Tumango si Vin."Opo Nay.Magluto na po kayo ni Gin habang ako ay maglilinis ng restaurant.Gigisingin ko na din si Kuya Simon upang tumulong."

Akmang aakyat na siya sa kwartong binigay ko kay Kuya Simon nang hawakan ko ang kamay niya.Inilingan ko siya."Vin,pagod si Kuya Simon at maraming pasa.Siguradong masakit ang katawan noong tao.Mas mabuti kung magpapahing na muna siya.Tayo na munang bahala sa resto."

Dahan dahan siyang tumango at bumalik sa upuan niya.Pagkatapos naming kumain ay mabilis kaming nagsi-ligo at pumunta sa resto.Kami ni Nanay ay pumunta sa kusina upang simulan na ang pagluluto habang si Vin naman ay nagsimula ng magwalis at magpunas ng nga mesa.

"Nay eto ang menu natin ngayon.Ilalagay natin ito doon sa itaas ng counter upang pagpilian nila.Araw-araw nating papalitan ang menu natin--" naputol ako sa pagsasalita ng magsalita din si Nanay.

"Ano nga pala ang menu anak?"takang tanong Nanay.

"Listahan iyon ng mga iluluto at ihahain natin Nay."sagot ko kay Nanay.

Napatango-tango siya at sinenyasan akong ituloy ang sinasabi ko."Ganoon nga po Nay,araw-araw na papalitan ang menu.Isasabit iyon sa taas ng counter upang may mapagpilian sila.Ang mananatili lang sa menu ay ang mga pang-himagas."

"Sige maganda iyan anak.Kung ganoon ay ano ba ang lulutuin natin?"

"Beefsteak,menudo,caldereta,bulalo, fried chicken,sunny side up egg at adobo Nay.Iluluto natin ang mga iyan ngayon tapos papainitan mamaya.Tapos magluluto rin tayo ng kanin nay.Tandaan niyo po na isang cup lang ng kanin ang ilalagay.Ang drinks naman natin ay naka-stock na sa DIY ref natin."

Nagsimula na kaming magluto ni Nanay.Mabilis lang namin natapos ang mga ito at tadah!Okay na!

"Nay!Gawa tayo ng pang-himagas!"masiglang sabi ko kay Nanay.

Sinabi ko sakanya na gagawa kami ng ice cream at agar-agar.Hehe masarap iyon diba?Dalawang oras ang nakalipas at natapos na naming gawin ang mga ito.Hanggang sa may naisip uli akong gawin.

"Nanay!"

"Bakit,Gin?"

"Gawa tayo fries hehe."

"Wala ka bang kapaguran nak?"

****

THIRD PERSON

ALAS diyed ng umaga ay nagbukas ang restaurant nila Gin.Mapapansin ang isang lalaki na nag-aanyaya sa mga dumadaan upang pumasok sa restaurant.

"Mga magaganda at gwapong mamamayan ng Cleo City.Nais niyo ba ng masarap at bagong lasa ng pagkain?Halina't pumasok sa Dela Merced Restaurant.Dito matitikman niyo ang malasa at nakakahalinang pagkain.Binibini?Ginoo?Ginang?Halina't pumasok kayo sa aming kainan. "

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon