Grabe guys!It's so overwhelming to see that this story is gaining readers everyday!Nakakatuwa talaga.Kaya dahil sa tuwa ko ay ako ang naghugas ng pinggan namin haha.Anyway,thanks sa mga nagbabasa nito.Lovelots muah!
================================
THIRD PERSON
MABILIS na lumipas ang dalawang araw.Ngayon ay nakakalahati na ang hotel na pinagawa ni Gin.Ang mga tao naman sa Cleo City ay napapatigil at nalulula sa taas ng bagong gawang gusali.Ang lahat ay namamangha dahil kung nagkataon ay ito na ang pinakamalaking gusali sa buong Cleo City.Marami nanamang dadayo upang tignan ang nakakamanghang istraktura.
Samantalang sa isang banda naman ay nag-uusap ang angkan ng mgaDela Merced sa loob ng mansyon ng pamilya nila Gin.Limampu silang lahat na naroroon.Bente roon ay matatanda at ang iba ay bata-bata pa.Ang pinakabatang nakupkop nila Gin ay isang buwang sanggol.
Isang buwan na ang nakalilipas ay nakita ni Vin at Simon ang isang buntis na babae na hinahabol ng kumpol na lalaki.Dahil nga sadyang matulungin ang mga Dela Merced ay tinulungan nila ito.Nang matapos tulungan ay dinala nila ito sa mansyon.Ngunit ilang oras lang ang nakalipas ng marinig nila ang sigaw nito at nalaman na lamang nila na manganganak na ito.Sa kasamaang palad ay namatay ang babae sa panganganak.Dahil na din siguro sa pagod dahil hinabol pa ito ng mga bandido.
Nagsimula ng magsalita si Leroy sa harap."Narito tayo ngayon upang pag-usapan kung ano-ano ang gagawin nating trabaho sa oras na pumasok sina Gin,Vin at Simon sa paaralan.Gin anak,halika rito."
Sa lahat ng negosyo nila,ang tatlo ang namamahala rito.Si Simon sa restaurant,si Vin sa coffee shop at si Gin sa Real Estate.Ang mag-asawa naman ay palipat-lipat ng trabaho,minsan nasa resto sila minsan naman ay nasa coffee shop.Wala naman silang alam sa pagguhit at pagsukat kaya't hindi na nila pinakealaman ang real estate.Samantalang si Vincent naman ay tanging pagcu-cultivate at paglalaro ang ginagawa.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.Alam kong bata pa ako para pakinggan ninyo pero sa oras na hindi niyo sundin ang pinagagawa ko,ora mismo akong uuwi at parurusahan ko kayo...."seryosong pahayag ni Gin.
Natahimik ang kaninang maingay na paligid.
"...ngayon ito ang plano.Ang matatanda na alchemist,maging ang mga bata ay mapupunta sa ikadalawampu't isang palapat ng hotel na ipinatayo ko.Naroon ang lahat ng gagamitin ninyo.Kapag hindi kayo gumagawa ng mga pill at potion ay tumulong kayo sa restaurant at sa coffee shop.Ang mga batang interesadong magtrabaho sa real estate ay bibigyan ko ng libro paukol sa dapat na gawin."tumigil muna ito saglit upang huminga ng malalim.
"Sunod ay bibigyan ko kayo ng recipe book.Kung saan naroroon ang mga kakailanganing sangkap at ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto.Nais ko ding magpadala kayo ng mga tao sa kalapit na mga mahihirap na bayan upang kumuha ng mga mananahi.Sa oras na makakuha kayo ay ideretso nyo sila sa ika dalawampu't dalawang palapag ng hotel.Ang mga nais namang magtrabaho sa botique o pagawaan ng damit na ipinagawa ko.Kailangan marunong kayong magsukat ng sukat ng katawan ng isang tao pagkatapos ay bibigyan ko kayo ng mga disenyo ng damit na gagawin ninyo.Kailangan bawat disenyo ay may benteng katulad pero magkakaiba ng kulay."
"At isa pa nga pala.Dapat ay tulungan niyo kung sino ang nangangailangan.Yan ang isa sa mga alituntunin na dapat niyong sundin."
Pagkatapos nito ay tinapos na ni Leroy ang pagpupulong.Unti-unting nabawasan ang silid-pulungan sa mansyon ng mga Dela Merced.Ang tanging natira lamang ay ang pamilya nila Gin.
GIN
NANG mawala ang mga tao sa silid pulungan ay agad akong umupo sa kalapit kong upuan.
"Tay,sa oras na umalis ako.Gusto kong isanay niyo ang mga kabataan sa pakikipaglaban.Ang istilo natin ang magiging trademark natin sa bawat laban.Makikilala tayo bilang isa sa mga pinakamalakas na angkan.Bago ako umalis ay tuturuan ko pa kayo ng ibang istilo Tay na ituturo mo sa mga bata."

BINABASA MO ANG
The Ascension
PrzygodoweSi Gin ay isang batang mahina ang resistensya ngunit masasabi namang marami itong kaibigan.Sa kasaamaang palad ay namatay ito kasama ang kanyang mga gulang sa daan patungo sa syudad upang siya ay ipasok sa eskwelahan ng mga cultivator. Samantalang s...