Script 1 - 1

44 15 19
                                    

--------------------------------------------------

SCENE 01

Nasa labas ng school. Maraming estudyante ang naglalakad pakaliwa at pakanan. Karamihan sa mga dumadaan ay barkada. Sa gitna ng dagat ng mga tao na ito, may isang babae na nakatayo sa gitna. Siya ay naka ponytail, white tshirt, denim blue pants at thin-black rectangular glass.

Paminsan minsan ay lumilingon ang kanyang ulo pakaliwa at pakanan. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa kanyang orasan.

Babae: Galing naman ng kausap ko *pabulong*, 10:30 usapan namin. 10:15 na eh wala pa.

Nagbuntong hininga yung babae. Sa kainipan ay napapa-padyak ng malumanay ang kanyang kanang paa.

Babae: Kung hindi ko lang talaga ano eh...

Mula sa malayo, tila ba may sumigaw na kung sino mang lalaki.

Lalaki: Irene!

Napatingin itong ating babae sa pinagmulan ng boses na iyon. Napalaki ang kanyang mata at napalagay ang kanyang kamay na tumiklop sa kanyang dibdib.

Naglakad ang lalaki papunta kay Irene. Tinapik niya ang likod ni Irene.

Lalaki: Long time no see!

Napangiti ng konti si Irene.

Irene: Long time no see rin Juls.

Juls: May kasama ka ba ngayon?

Irene: Wala naman. Ikaw lang.

Juls: Edi halika't tara na.

Nagsimula silang maglakad.

Juls: Excited ka na ba makita kung nakapasok ka o hindi?

Irene: Mas appropriate ata yung word na 'kinakabahan'.

Juls: Ano ka ba, wag ka kabahan, ang talino mo kaya. Ako yung dapat kabahan! Hahahaha.

Irene: Eh hindi mo na maaalis yon. Saka hindi na ko kasing husay gaya ng dati.

Juls: Ehhhhh. Wag mo isipin yan. Tiwala lang tayo bes.

At naglakad sila papunta sa dapat nila puntahan: sa covered gym ng Gran Central University. Nauuna sa paglalakad si Juls kung saan ay derecho sa harap ang kanyang tingin. Nasa likod niya si Irene na nakatingin lamang sa paa at tuhod ng kanyang sinusundan na si Juls.



--------------------------------------------------

SCENE 02

Habang naglalakad sila papunta sa 'board of passers', parami din ng parami ang mga estudyante sa paligid. Paingay ng paingay.

Juls: Nako. Parang mapapasubo tayo dito.

Sa harap nila, Isang mahabang board na puno ng mga papel kung saan ay maaaninag mo sa malayo ang itim na guhit ng mga pangalan. Itong board na ito ay napapalikiran ng barahe ng estudyante na nagkakagulo, nagkakaingay, matatayog at hindi matitinag.

Irene: Diba business ad kinuha mong course?

Juls: Di ko nga sure kung ano kinuha kong course.

Irene: Baliw.

May tinuro si Irene sa may gawing gitna ng board.

Irene: Doon ata nakalagay lahat ng Business related course.

Juls: Yung sayo ba nakita mo na? Electrical ba o Electronic course?

Irene: Electronic Enggineering. Hahanapin ko pa. Pero hanapin mo na yung iyo. Magkita na lang tayo doon sa vending machine na iyon.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon