Script 1 - 2

22 7 6
                                    

--------------------------------------------------

SCENE 04

Tumatakbo si Irene at Juls. Tumingin si Irene sa kanyang relo. 1:15 PM.

Huminto si Irene.

Irene: Sandali lang. Ok na yan

Humihingal si Irene at Juls. Huminto sila sa shade ng isang building.

Juls: Grabe *hingal* Grabe yung gulo kanina

Hinihingal parin si Irene.

Juls: Hindi rin ako nakasilip. Nung dumating yung mga guard at pulis kanina, wala na. Ikaw na lang agad ko hinanap.

Nung sinabi iyon ni Juls, biglang napangiti si Irene.

Juls: Bakit?

Tumayo ng direcho si Irene at may kinuha sa kanyang parehong bulsa. Paglabas ng dalawa nyang kamay ay pareho itong may hawak na lukot na papel. Iniiabot niya yung isang papel kay Juls. Hindi muna ito hinawakan ni Juls.

Irene: Eto, tingnan mo.

Makikita mo sa laki ng mata ni Juls ang gulat

Juls: Pa...- paano mo nakuha to?

Irene: Basta. Bili. Tingnan mo na.

Mabagal na kinuha ni Juls mula sa kamay ni Irene yung papel. Pagbuklat niya ay nakita niya yung title nito. 'Reserved Passers'.

Juls: S... Smith, Julius... Julius... Irene. Nakapasa pala ako! Nakapasa pala ako Irene!

Pagharap niya kay Irene ay nakakunot parin ang labi at kilay nito.

Juls: Bakit Irene?

Nagbuntong hininga si Irene.

Irene: Leche yan. Hindi nga pala talaga ako nakapasa.

Nakita ni Juls ang hawak na papel ni Irene. 'Electronic Enggineering Passers'

Nilagay ni Juls yung kamay niya sa likod ni Irene. At mabagal itong hinimas.

Juls: Ok lang yan. Kahit naman na ano mangyari, makakapag-aral ka parin sa school na ito.

Irene: Hindi ko lang talaga matanggap.

Juls: Alin?

Irene: Wala na kasing nasunod sa plano ko.

Juls: Bakit? Ano ba plano mo?

Humarap si Irene kay Juls. Napatitig na lamang si Irene sa mga mata ni Juls, ngunit hindi nito masabi ang mensahe na gusto nyang maparating.

Katahimikan.

Irene: Wala.

Nilagay ni Irene ang kanyang mga kamay sa mata.

Irene: *mahinang boses* Hindi ko alam kung maiiyak ba ako, mahihiya sa pinaggagagawa ko kanina o matutuwa dahil nakapasa ako.

Juls: Huy.

Nanatiling nakalagay ang palad ni Irene sa kanyang mukha habang nakatayo.

Juls: *napatingin sa lupa* Pero kahit na ganon... *tumingin si Juls kay Irene* Proud parin ako sayo.

...

Mabagal na naglakad si Juls kay Irene. Nung itataas na niya yung kanyang kamay, biglang nagsalita si Irene.

Irene: Wag. Mo Ako. Yayakapin. Kailangan ko lang ng kasama.

Napangiti si Juls.

Juls: Okay. *umatras siya ng hakbang*. Tayo ay... tatayo lang dito hanggat feeling mo ok ka na.Mga ilang segundo din ang lumipas bago sumagot si Irene.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon