--------------------------------------------------
SCENE 23
Nakapikit si Juls na nakahiga sa higaan. Sa labas ng higaan na iyon ay tila ba merong maraming nag-uusap, naghuhutahan at nagtatawanan na mga kabataan. Di nagtagal at napagalaw ng mga ingay na ito si Juls mula sa pagkakatulog.
Tumingin si Juls sa kanyang kaliwa at nakitang nakaupong patalikod sa kanya si Mac.
Juls: Uy... *umupo mula sa pagkakahiga* Anong meron? Bakit parang... may tao sa labas?Mac: Magquit na kaya ako sa group.
Juls: Ha? Bakit? Ano ba nangyare?
Mac: Ayaw ko na kasi. Saka yung mga kasama ko, mga hindi ko naman yun talaga kaclose, mga kaclose yun ni Georgia.
Hindi agad nagsalita si Juls, inilapag muna nya ang kanyang paa sa sahig.
Juls: Hindi ka ba nag-eenjoy kapag nagrarally kayo?
Mac: Hindi naman sa hindi ko sya ineenjoy, pero basta, gusto ko naman gumawa ng iba.
Juls: Ikaw... Ikaw lang makakapagdecide nyan. Yung mga kasama mo ba yung nasa labas?
Mac: Oo. Yung mga kasama ni Georgia. Ugali na nila yan tuwing pagkatapos ng rally, nagbobonding sila dito.
Tumayo si Juls at kumuha ng damit mula sa kanyang bag. Pagkatapos niya magbihis ay nagpunta sya pintuan at mabagal itong binuksan.
Lumaki ang mata ni Juls ng nakita nyang may nakatayo sa labas ng kanilang tulugan. Si Allen at Georgia.
Juls: Georgia.
Napatingin si Mac sa kanila mula sa higaan.
Juls: May pag-uusapan ba kayo? Iwan ko muna kayo dito.
Mac: Huwag! Kung may sasabihin kayo sa akin, dapat andito si Juls.
Juls: Pero diba, may pag-uusapan kayong...
Tumayo si Mac mula mula sa higaan at humarap sa kanilang tatlo sa may pintuan. Hinimas niya pababa ang kanyang damit.
Mac: Pagusapan natin ang lahat dito. Una... Juls. Sabihin mo sa kanila yung sinabi ko sayo kanina.
Juls: Ha? Yung alin?
Mac: Yung tungkol sa magququit na ako sa Grupong Makabayan.
Sabay na napasigaw si Allen at Gia: HA?
Mac: Tsk.
Bumaling ng tingin at nagkamot ng ulo si Mac. Pagkaraan ay humarap ulit siya sa kanila.Mac: Pangalawa. Siguro, para tapos na yung issue natin Georgia...
Bumaling ulit ng tingin si Mac, tumingin sya sa ibaba.
Mac: Official. Break na tayo.
Gia: Ha? Bakit?
Humarap ulit si Mac kay Gia.
Mac: Anong ha? Anong bakit? Para tapos na.
Gia: Kailangan ba mauwi tayo sa ganyan?
Mac: *napatawa sya ng hangin* Ano ba ineexpect mo? Ito kasi yung problema. Gusto mong ayusin ang lahat, kahit na imposible. Wala kang kasalanan kung iiwan mo man ako para mag-aral sa ibang bansa. Pero hindi ko alam, ano ba kasi gusto mo mangyari?
Gia: Ayaw ko kasing makitang nagkakaganyan ang buhay mo Mac dahil lang na iniwan kita. Hindi ko alam kung paano ko sisikmurain yung pag-alis ko tuwing naiisip ko na may iniwan akong sinisira ang kanyang buhay dahil lang sa akin...
Mac: Hindi mo ba naiintindihan? Ganto ako lagi. Extra! Over! Medyo paranoid! Pero wag ka mag-alala. Siguro mga isang buwan lang o dalawa, baka nakapag-move on na ako sayo.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...