--------------------------------------------------
SCENE 01
Sa isang kalye na may iilang tao. Maliwanag ang araw. Sa isang gilid nito ay may makikita tayong naglalakad na babaeng may hila hilang maleta. May suot syang Blue polo na tinatakpan ang white tshirt sa loob, jeans, black rubber shoes.
Babae: Dala ko po ma.
Telepono: Eh ano tong naiwan sa bahay natin?
Babae: Dalawa po yung nabili nyo kasi.
Telepono: Oo nga! Para sayo yun pareho!
Babae: Sobra naman po ata yun?
Telepono: Anong sobra? Paano kung walang sabon dyan sa dorm nyo at walang tindahan sa paligid?
Babae: Hindi po ma. Marami pong tindahan sa paligid.
Telepono: Bakit? Nasaan ka na ba? Andyan ka na ba sa dorm nyo?
Tumingin ang Babae sa malayo at nakita niya ang may pagka-pinkish na gusali.
Babae: Tanaw ko na po mula dito.
Mula doon ay binilisan ng babae ang paglalakad mula sa kanyang lugar. Patuloy paring nangungulit ang kanyang kausap sa telepono, patuloy din naman syang pinapakalma nito.
Di malaunan ay nakarating din sya sa gusali na iyon. Huminto sya sa harap nito at tumingin mula baba hanggang pinaka itaas.
Nagbuntong hininga ang babae.
Naglakad sya papasok ng nasabing gusali. Dumiretso siya sa may hagdanan at inakyat ito.
Pagka-akyat ay lumiko sya sa kanyang kanan at naglakad patungo sa isang pintuan, "2-G".
Nakatayo ang nasabing babae sa harap ng pintuan. Mabagal niyang itinaas ang kaliwa nyang nakasaradong palad...
Nung kakatukin na ng babae ang pintuan ay bigla itong bumakas. Napahakbang sya patalikod.
Isang babae ang nagbukas ng pintuan.
Nagsalita ang babae na nagbukas ng pintuan: Louise?
Louise: Irene?!
Mabilis na humakbang si Louise papunta kay Irene saka niya ito niyakap ng mahigpit.
Louise: Namiss kita Irene! Magkadorm mate na tayo ngayon!
--------------------------------------------------
SCENE 02
Nakaupo sila Irene at Louise sa may sala ng kanilang kwarto. Diretso ang mga tuhod ni Louise, nakalagay ang pareho niyang kamay sa itaas nito. Si Irene naman ay nakasandal sa kanyang upuan, maririnig mo ang mabilis na tunog ng mga pindot mula sa kanyang cellphone.
"Julius: Nakarating na si Louise? Pakilala mo agad kami ha"
"Irene: Titingnan ko, kamusta na ba dyan?"
"Julius: Ayun, hindi parin lumalabas sa kwarto si Mac. Tatlong araw na nga nung huli akong nakipagkwentuhan sa kanya"
"Irene: Wala ka bang dapat ayusin ngayon?"
"Julius: Hindi ko alam. Wala naman. Bakit?"
"Irene: Wala lang."
Hindi na nanpansin ni Irene pero tumingin sa kanya si Louise. Pagkaraan ng ilang sandali na walang pagbabago, umunat si Louise patungo sa cellphone ni Irene. Mabilis na inilagay ni Irene palapit sa kanya yung cellphone, umusad sya palayo, at kumunot ang mga mata kay Louise.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...