--------------------------------------------------
SCENE 16
Sa dorm nila Juls at Mac. Umaga.
Nakatayo si Juls sa may kusina, naglalakad paikot ikot sa mesa at refrigerator, naglalabas ng mga gulay at karne. Si Mac naman ay nakaluhod sa sahig kaharap ang ilang mga illustration board, poster paint at paint brushes.
Tumayo si Juls sa gilid ng kusina at inilingap ang kanyang mata sa paligid.
Juls: Bakit parang nawawala kutsilyo natin?
Mac: Yung kutsilyo ba? Itinago ko sa tabi nung gasul sa ilalim?
Tumingin si Juls kay Mac, nakakunot ang mga noo. Pagkaraan ay lumuhod si Juls at binuksan ang kabinet kung saan nakalagay ang gasul, katabi ang mga kutsilyo.
Juls: Bakit naman nilagay mo dito yung mga kutsilyo?
Mac: Delikado ehhh. Baka mamaya may killer na magpunta sa bahay natin tapos saksakin pa tayo gamit ang kutsilyo natin.
Inilabas ni Juls ang mga kutsilyo at ibinalik sa ibabaw ng banggera.
Si Mac naman ay nagsimulang magsulat, "Turn Left, then Right. Cheap, Perfect Dorm Ahead!"
Juls: Hindi talaga pupunta ngayon si Irene? *mahinang bulong niya sa sarili*
Mac: Pupunta sya ngayon?
Tumingin si Juls kay Mac.
Juls: Iyun nga akala ko, kaso parang full-iwas nanaman sya ngayon.
Tumagilid si Mac paharap kay Juls.
Mac: Bakit ba kasi siya iiwas? Ano ba problema nung babae na yun?
Juls: Ayaw nga nya kasing napag-uusapan yung love life niya.
Mac: Ehhh biruan lang naman kasi yung nangyari kahapon.
Juls: Ewan.
Napahinto sa galaw si Juls sa pag-galaw at napapikit.
Juls: Jeesh, naaalala ko yung lahat ng pagpapahiya niya sa akin nung huli tong nangyari.
Mac: ... Bakit? Ano ba ginawa niya sa yo?
Naupo si Juls sa upuan katabi ng mesa.
Juls: Uhm... *buntong hininga* Ayaw ko na sana pag-usapan.
Mac: Ano nga?
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...