Script 2 - 4

4 3 0
                                    

--------------------------------------------------

SCENE 10

Naglalakad si Irene paakyat ng kanilang dorm. Sa kanyang paglalakad ay nakakaamoy sya ng sabon sa paligid. Naririnig din nya ang mahalumanay na pag-tunog ng washing machine sa mga kwarto. Umakyat siya ng hagdan at naglakad papunta sa kaniyang kwarto.

Mabagal na bumubukas ang pinto ng dorm room papasok. Mabagal na sumilip si Irene sa loob, tumingin siya sa kaliwa, at humarap pakanan. Malaunan ay inihakbang nya ng mahina papasok ang kanyang isang paa, at ang isa pa. Mabagal syang naglakad papunta sa sala habang dumudungaw sa mga saliksik ng paligid.

Irene: Walang tao?

Biglang may bumukas na pinto sa likod ni Irene, agad siyang napatalikod at napaharap dito.

Nakita nyang may hawak na maleta si Louise. Nagkatitigan silang dalawa sandali.

Irene: Louise. Louise? Bakit hawak mo yung maleta mo?

Louise: Uy! Uhm... wala na kasi akong masuot na damit. Naisipan kong maglaba.

Irene: Ngayon ka sasabay maglaba?

Louise: Oo. Bakit?

Irene: Nasan yung best friend mong si Hannah?

Louise: Umalis sya. Bakit?

Irene: Wala wala. May dadaanan lang ako saglit.

Louise: Ay oo nga pala, yung tungkol sa--

Biglang nagsalita sa Irene ng mas malakas kay Louise kaya't napatahimik na lang siya.

Irene: AYUN! Yung tungkol nga pala sa P500, hindi ko talaga kaya...

Louise: Bakit?

Irene: Wala pa akong extra na pera ngayon, kaya hindi ko talaga kakayanin magbigay...

Hindi nagsalita si Louise. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa.

Biglang bumukas ang pintuan sa likod ni Louise. Nakita ni Irene na mabilis na naglalakad si Rose habang nakatingin sa kanyang cellphone at may hawak na chocolate shake sa kanyang kaliwa.

Nung tatalikod si Louise para harapin si Louise ay nabangga nya si Rose at ang kanyang chocolate shake.

Tumaob ang chocolate shake papunta sa mga damit ni Louise. Natapunan ng kaunti si Rose.

Natapunan ang buong bag ni Louise. Natapunan din ang puting sando na suot ni Louise.

Sumigaw sila lahat sa nangyari.

Rose: Ay juskupo.

Irene: Rose!?

Louise: Halaaaa.

Rose: Bakit ka kasi may hawak na maleta?!

Irene: Bakit kasi di ka nakatingin sa dinadaanan mo?

Humarap si Rose kay Irene.

Rose: Edi sorry na! Malay ko bang may haharang na babaeng may malaking maleta sa daanang tao.

Louise: Sorry.

Irene: Bakit ka nagsosorry Louise? Wala kang ginawang mali.

Rose: Shems. Magpapalit pa tuloy ako.

Tumalikod si Rose at bumalik sa kanyang kwarto. Malakas nyang isinarado ang pinto.

Naglakad si Irene papunta kay Louise.

Louise: Wala na akong extra na damit.

Irene: Wala na rin akong extra.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon