Script 1 - 5

19 10 0
                                    

--------------------------------------------------

SCENE 14

Sa dorm room ni Mac. 9:14PM.

Mac: First time ko kumain ng mainit na ulam ngayong buwan.

Mula sa pagkakaupo sa set ay tumalikod sya at humarap kay Juls na naghuhugas ngayon ng mga plato at gamit.

Mac: Sabi ko na eh, tama yung hula ko nung una tayong nagkita. Good things will come between us...

Juls: Kailan ba yung sinasabi mong una tayong nagkita.

Mac: Di ko nga rin sure actually.

Juls: Sabi mo nagkita na tayo dati, pano mo nasabi yon?

Mac: Di ko sure. Basta, alam ko kapag nakita ko na yung tao. Napakafamiliar ng mukha nya kahit na sandali lang kami nagusap dati.

Juls: Baka nakita mo lang kami dun sa kainan na nagkagulo.

Mac: Hindi. Bago pa yung mismong araw na yun.

Juls: Saan ka ba nakatira dati? Napadpad ka ba ng probinsya ng 'luma' dati?

Mac: Sa 'luma'? Hindi... ata.

Juls: Hmmm. Hindi ko alam kung nagkita tayo noon sa lagay na yan.

Nagsimulang maglakad si Juls mula sa kusina papunta sa sala. Naupo si Juls isang tao ang pagitan mula kay Mac.

Juls: Bakit napakakonti ng tao dito sa dorm? Halos, parang walang ibang nakatira.

Mac: Kakabukas lang kasi.

Juls: Kahit na. Diba dapat ngayon may iilang tao nang nagiinquire sa lugar na ito?

Mac: Eh bakit? Kayo ba, bakit hindi nyo natagpuan tong lugar na to nung naghahanap kayo ng dorm?

Juls: Kasi wala sa maps. Wala rin sa dyaryo.

Mac: Anong wala? Tingnan mo nga! Ako pa naglagay ng lugar na to sa maps eh.

Juls: Weh?

Nilabas ni Juls yung kanyang cellphone. Nakatingin dito si Mac.

Mac: Abaaaa, mayaman.

Juls: Anong mayaman? Eto kaya pinakamurang cellphone dun sa binilan namin ng tatay ko dati.

Mac: Iyan? Pinakamura? Psshhhh. Kahit siguro ibenta ko atay ko, kulang parin para pambili ng cellphone na yan.

Juls: Grabe naman sa atay.

Mga ilang sandali lang ay nagbukas na ang maps sa cellphone ni Juls. Nakita nya na sa mismong lugar nya ay may icon ng isang listing ng apartment.

Juls: Weh? Seryoso? Meron nga?

Mac: Sabi ko sayo eh. For some reason, walang makatunton ng lugar na to.

Juls: Oo nga eh. Naduling lang kaya ako kanina nung naghahanap kami ng mga bahay?

Mac: Alam mo kung bakit hindi nyo makita tong apartment na to? May kwento ako.

Tumingin si Juls kay Mac.

Juls: Bakit? Ano ba meron sa apartment na to?

Mac: hahaha. *inarko ni Mac ang kanyang harap kay Juls* May sumpa yung dorm na to.Lumaki ang mata ni Juls

Juls: Weh? Seryoso?

Mac: Oo! Dati kasi, may killer na nakatira sa isa sa mga room ng dorm na to. At sa buong paghahasik nya ng lagim, hindi sya mahuli huli ng mga pulis.

Juls: Talaga? Bakit?

Mac: Weh? Di mo parin alam? Kasi nga dito sya nakatira. Tuwing may gagawin syang krimen o papatayin, ang gagawin lang nya ay umuwi. Pagkatapos nun, wala na. Parang wala na ulit sya sa lungsod na to, o sa bansang ito, o sa mundo. Parang whooosh, magic.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon