--------------------------------------------------
SCENE 17
May ano mang tumutunog na bakal. Dumilat si Juls at nakita nyang nanggagaling ang ingay na iyon sa isang analog alarm clock sa kanyang kanan. Inilapag ni Juls ang kanyang kamay sa ibabaw nito upang pindutin ito pababa. Huminto ang ingay.
Tumingin sya sa kanyang harapan at bumungad sa kanya ang mga canvas na kaha-kahapon lang ay pinagkekwentuhan nilang dalawa ni Mac.
Mahilig magpinta ang ex ni Mac kung kaya't sinubukan din magpinta ni Mac dati. Puro makakapal na brush ang ginamit nya sa pagpipinta kung kaya't hindi mo agad mabibigyan detalye o ibig sabihin ang mga pinta na ginawa nya.
Tumingin si Juls sa kanyang kaliwa at nakitang naghihilik parin si Mac, sya'y nakabaling patalikod mula kay Juls.
Ilang sandali ang lumipas ng may narinig syang kung sino mang kumakatok sa pintuan.Bumangon si Juls, lumabas ng kwarto at kumuha ng damit sa kanyang bag na nakalagay parin sa sala ng kanilang dorm. Isang puting tshirt at brown shorts na umaabot hanggang tuhod.
Pagkatapos nya mag-ayos ng sarili ay nagpunta sya pintuan ng kanilang dorm. Mula dito ay huminto na ang pagkatok ng kung sino mang naghihintay sa labas.
Binuksan ni Juls ang pintuan.
May dalawang kabataan. Isang babae at isang lalaki. Si Allen yung isa. Yung isa naman ay hindi makilala ni Juls.
Ang nasabing babae ay may kulot na buhok na bumubuhaghag pabilog at pataas, may suot syang asul na tshirt. Napatingin na lamang si Juls sa dami ng palamuting mga bato at kung ano ano man sa kanyang braso.
Babae: A... Hin... Hindi na ba dito nakatira si Mac?
Nanlaki din ang mata ni Allen habang nasa likod sya yung babae.
Juls: Hindi hindi. Kaibigan ako ni Mac. Future dorm mate nya ako. Ano po kailangan nila?
Babae: Wala ba ngayon sa bahay si Mac?
Sumisilip sa loob ng bahay ang nasabing babae.
Juls: *tumitingin sa likod* Natutulog pa kasi sya. May gusto ba kayong sabihin sa kanya?
Babae: Hindi hindi. Wala naman...
Kung saan saan tumitingin yung babae, ngunit malaunan ay ibinalik nito ang kanyang mga mata kay Juls.
Babae: Meron pala. Paki sabi na lang kay Mac na tuloy yung rally namin mamayang 1 PM.
Juls: Ahhhh sige sige. Gusto nyo ba pumasok?
Babae: Hindi hindi. Wag na. Ok na kami. *tumitingin siya kay Allen* Alis na kami.
Allen: Diba may--
Hinampas niya sa balikat si Allen.
Babae: Diba aalis na tayo?
Allen: Akala ko ba--
Hinampas ulit ng babae sa balikat si Allen.
Babae: Tara alis na tayo.
Humarap ulit sya kay Juls at iniangat ang kamay bilang paalam.
Babae: Good bye po! Sorry sa abala.
At naglakad sila palayo habang hila hila nung babae sa braso si Allen. May pinagbubulungan sila ngunit hindi na ito narinig ni Juls. Pinanood silang dalawa ni Juls hangga't lumiko ito pababa ng nasabing floor.
Mac: Ano daw kailangan nila?
Napitlag sa kinakatayuan nya si Juls at mabilis syang humarap kay Mac na nakatayo na pala malapit sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...