--------------------------------------------------
SCENE 13
And mula dito. Bumabalik tayo sa nakaraang sitwasyon. Sa dorm ni Mac at Juls. Magkaharap sila Mac at Louise saka sila Irene at Juls.
Mac: Hi Guys! Meet my new girlfriend!
Louise: Ha? *may kahinaan*
Mabilis na tumingin si Louise kay Mac.
Juls: Mac?!
Irene: Louise?!
Mac: Irene?! Magkakilala talaga kayo ni Louise?!
Louise: Irene? Kakilala mo talaga si Mac?! Saka ano ginagawa niyo ni Julius!?
Irene: Huy Louise! *inilagay niya ang kanyang daliri sa labi, nakakunot ang noo* shhhhh!
Naglakad si Louise papunta kay Irene. May binubulong ito kay Irene.
Louise: *pabulong* Gaano na kayo katagal ni Julius?
Irene: *pabulog* Ha? Ano sinasabi mo? Kakadating palang dito ni Juls nung isang linggo?
Louise: Ha? Ganun palang kayo katagal, andami nang nangyari sa inyo?
Irene: HA? Anong sinasabi mo?
Louise: Sabi kasi ni Mac eh--
Tumingin si Irene ng masama kay Mac na kausap ngayon si Juls.
Juls: Mac?! Anong ginagawa mo?
Mac: Wala. Nakakita ako ng magandang binibini sa park. Kaya dinala ko sya sa dorm.
Juls: Alam mo ba na magkakilala sila ni Irene?
Mac: Uh... Yah. Ang dami nga naming pinagkwentuhan habang naglalakad kami papunta dito.
Biglang sumingit si Irene kay Juls at Mac. Nasa likod ni Irene si Louise.
Irene: HOY MAC! *nakaduro* ANONG PINAGSASASABI MO DITO KAY LOUISE?
Mac: Walaaaa. Small stuffs.
Juls: Bakit Irene? May sinabi bang mali si Mac sa kaibigan mo?
Irene: MERON! TINGIN KO MERON! *tinuro ulit si Mac* IKAW! LECHE KANg HAYOP KA!
Mac: Wala nga akong kinwentong kakaiba. Promise.
Humarap si Irene sa kanyang likod at tiningnan ang reaksyon ni Louise. Umiiling ito. Pagkaraan ay bumalik sya kay Mac.
Irene: *nakaturo ulit, nanliliit ang mga mata at nakakunot ang noo* Malalalaman natin. Tara Louise. Kunin mo na yung damit mo. Mag-uusap tayo.
Louise: I-Irene? Bakit?
Irene: TARA!
Tumalikod si Irene at naglakad palayo. Sinusundan naman siya ni Louise. May kinuha silang maleta sa may labahan. Naglakad sila palabas, ngunit huminto sa tabi ni Juls.
Irene: Juls. Alis na kami.
Louise: Oo nga pala. Yung cellphone ko.
Irene: Ha? Saan?
May binunot si Mac mula sa kanyang bulsa.
Louise: Iyon.
Itinuro ni Louise ang cellphone na hawak ni Mac. Tumingin dito si Irene. Agad niya itong kinuha.
Irene: Bakit nasayo to?
Mac: Ewan. Akala ko sayo yan Irene eh, dadalin ko sana sa inyo.
Ilang sandaling tumitig si Irene kay Mac ng masama. Iniabot nya ang cellphone kay Louise.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...