--------------------------------------------------
SCENE 07
Nakahiga si Irene sa sala, nakatiklop ang kanyang mga tuhod at braso, halos ay kalahti lang ng mahabang upuang iyon ang inoookupa nya.. Patay ang Tv sa harap niya. Patay din ang ilaw sa buong dorm room nila. May maririnig kang huni ng electric fan.
Mula sa labas ay may narinig si Irene na yapak at ingay ng ilang nagtatawanang mga babae.
Mula dito ay naupo si Irene sa kanyang kinahihigan. Ilang sandali lang ay tumayo sya at naglakad papunta sa may switch ng ilaw.
Palakas ng palakas ang mga salita at tawa mula sa labas. Huminto ang ingay na iyon sa may pintuan ng kwarto ni Irene.
Sabaw na bumukas ang ilaw at pintuan ng kwarto.
Louise: ANG SAYA SAYA GUYS!
Sigaw ni Louise habang parehong nakapatong ang braso niya sa balikat nina Rose at Hannah. Lahat sila'y nakangiting tumatawa ng mahina. Lahat din sila namumula.
Irene: HANNAH! ANO GINAWA NIYO KAY LOUISE?!
Hannah: Wa-wala. Si... simpleng tambay lang sa bar nila Rose.
Rose: Oo *tinuro niya si Irene*... dapat sumama ka samin ngayon eh. NapakaWILD pala ni ROSE kapag nalalasing.
Naglakad si Irene ng mabilis palapit sa kanila.
Irene: Bakit? ANO GINAWA NIYA-- TSK! Ang baho!
Huminto si Irene sa paglalakad at tinakpan ang kanyang ilong.
Louise: I-IRENE! Sayaw tayo!
Inialis ni Louise ang kanyang braso kay Rose at sinubukang hawakan si Irene. Umiyas si Irene sa pag-abot ni Louise.
Irene: Bili. Maghugas na kayo, ang babaho niyo! Pagtitimpla ko kayo mga kape.
Naglakad ang tatlong lasing na babae papunta sa banyo. Dumiretso naman si Irene sa kusina para magtimpla ng mga kape.
Habang hinahalo ni Irene ang pangatlong tasa niya ng kape ay biglang may sumuka ng malakas sa banya.
Irene: GUYS?!
Tumalikod si Irene at agad na tumakbo paharap ng C.R. Nakita niyang nagsusuka si Louise sa banyo. Hinihimas naman ni Hannah ang likod ni Irene. Nakatayo naman sa gilid si Rose, nakapikit na hinihimas ang kanyang ulo.
Irene: Ok ka lang ba Louise?!
Patuloy na nagsuka si Louise.
Lumakad si Rose palapit sa banyo at yumukod.
Rose: Wait lang... ako rin.
Nagsuka silang dalawa ni Louise.
Irene: Gaano ba karami nainom niyo?
Rose: .... ako... mejo nadami. Etong si Louise. Kalahating bote ata.
Irene: ANO?! Nababaliw na ba kayo? Hindi umiinom si Louise!
Rose: Eh... Nagpapapilipit naman ehh. Ayun. Haha.
At nagsuka ulit si Rose.
Huminto na ang pagsusuka ni Louise, umalis siya mula sa banyo at umaatras patalikod hanggang makasandal sya sa pader ng banyo.
Hannah: Ok ka na?
Nagsuka si Rose ng isa pang bwelo. May tumulong guhit ng luha mula sa mukha ni Louise.
Louise: Ano ginawa kooo?
Hannah: Louise? Umiiyak ka ba?
Nanlaki ang mga mata ni Irene ngunit hindi sya gumalaw sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
ComédieImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...