Simula

39 10 0
                                    

Simula

"Hindi ka pa ba tapos, pre?"

Napabaling ako kay Benedict nang magsalita siya. Mukhang tapos na siya kumain at handa nang bumalik sa classroom.

Umiling ako sa tanong niya. "Dito muna ako."

Binigyan niya ako nang nagtatakang tingin. It was as if he's trying to read what's running on my mind. But he ended up taking a deep breath and shook his head.

"Wala kang pag-asa diyan, pre. Maniwala ka." pangaral pa niya at niligpit ang mga papel niya sa lamesa.

Nais niyang sa classroom magreview dahil 'di hamak na mas tahimik doon kumpara rito sa canteen. Nang mawala na si Benedict sa paningin ay tinuon kong muli ang mga mata sa pinagmamasdan ko.

Mizzy.

She was staring blankly at the table. Kanina ko pa napapansin na tila wala siya sa sarili. At gusto ko mang lapitan siya ay alam kong hindi iyon magandang ideya.

I contented myself watching her from afar. Nang magtaas siya ng tingin ay agad kong kinuha ang kubyertos na ginamit ko at umaktong may ginagawa. Kung may makakakita sa akin ay baka isiping nababaliw ako dahil kinukutsara ko ang plato kahit naubos ko na ang laman nito.

Palihim akong sumulyap ng tingin at mukhang hindi naman niya ako napansin. Dahil kung nakita niya ako, malamang salubong na ang mga kilay niya.

Ilang minuto pa siyang nakatunganga sa kinasasadlakan niya at ilang minuto rin akong nakamasid sa kaniya. Nang tumunog ang bell ay saka lamang siya tumayo kaya't umahon na rin ako sa pagkaka-upo.

Niligpit ko ang notebook kong nakalabas. Tapos na naman akong magreview at bukas ay papasadahan ko nalang ng basa para hindi maalis sa utak ko. Quiz lang naman ang mayroon bukas pero kailangan kong makakuha nang mataas na marka.

"Ed!" naantala ang plano kong pagsunod kay Mizzy nang may tumawag sa akin.

Nakangiti itong lumapit sa akin at agad na pumulupot ang kamay sa braso ko. Hindi ko iyon pinansin at kunwaring may hinanap sa aking bulsa para matanggal ang kaniyang pagkakahawak.

"Anong atin, Leila?" tanong ko.

"You texted me that you wouldn't make it today. Why? May date ka ba? Sino? You don't have a girlfriend, diba?" sunod-sunod nitong tanong kaya hindi ko malaman ang sasagutin.

Napakamot ako sa batok at nilingon ang hagdan. Hindi ko na matamaw si Mizzy kaya malamang ay paakyat na iyon.

"I just have something to do, Leila. But tommorow, we'll continue it."

Bago pa man siya makapag-paulan ng tanong ay nagpaalam na ako at hindi na siya nilingon. Dalawang baitang ang hinahakbang ko sa hagdanan para makarating agad sa aming room ngunit natigil ako sa third floor nang may nahagip ang mata ko.

Pakiramdam ko ay may radar ako sa katawan dahil kahit malayo ay nahahagip ng pakiramdam ko si Mizzy. Kaya naman tumigil din ako sa palapag na iyon at pinanood siyang makipag-usap sa isang lalaki.

Napakuyom ang kamao ko ngunit agad ko ring pinigilan dahil humahapdi ang sugat ko sa kamay. I breathed heavily before I decided to turn my back against them. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat.

"She's mad at you. Bakit ba lapit ka pa rin nang lapit, pre?" iyon angbungad sa akin ni Benedict pagkaupo ko sa tabi niya.

Hindi ako sumagot dahil unti-unting naglakbay ang isip ko sa mga nangyari ilang buwan ang nakalipas. As much as I wanted to tell her that it wasn't my fault, or atleast not my entire fault, but I know her ears are closed for my explanation.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon