Kabanata 7

17 7 0
                                    

Kabanata 7

"Let's take another picture, Mizzy!" masiglang anyaya ni Cherry.
Jo
Napilitan akong humarap sa camera'ng hawak niya at pilit na ngumiti. Matapos ng ilang shots ay nakangisi niyang pinag-aralan ang litrato namin.

Iginala ko naman ang paningin sa paligid. Maraming tao ngayon dito sa food court ng mall. Karamihan ay tulad rin namin na estudyante.

I was happy that Cherry was able to accompany me today. Ang plano ko kasi ay dito sa mall maghintay hanggang mag-alas-tres bago bumalik sa university para sumabay kay Edcel patungo sa kanila.

I refused to wait for him in the library. If I had a choice, I would also declined this idea. Ang kaso ay ako lang sa aming grupo ang hindi nakakaalam ng bahay nila. Hindi naman ako pwedeng makisama sa iba kong kagrupo dahil may sari-sarili silang mga plano.

Mabuti at nakita ko si Cherry pagkauwian. Nang sabihin kong pupunta ako rito sa mall, at dahil wala naman siyang mahalagang gagawin, ay sinamahan niya na ako. Ang balak ko sana ay si Archer ang yayain but he didn't show up today. Maybe he's busy?

"Kanino ka mas hawig? Sa mama mo?" tanong ni Cherry habang pinag-aaralan pa rin ang litrato. She even zoomed in every picture.

Well, some of my parent's friends and colleagues always point out that I look so much like my father. Iyon din naman ang tingin ko tuwing nakikita ang sarili. Ang namana ko lamang sa aking ina ay ang makinis na balat pati na rin ang hugis ng labi at mata, the rest of my features came from my father.

Iyon ang isinagot ko sa tanong ni Cherry. She was suddenly got curious about my life that she asked questions consecutively.

"Wala ka bang kapatid?" aniya at umiling naman ako.

"Anong trabaho ng mga magulang mo?" isa pang tanong niya na akala mo ay ininterbyu ako.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "My father manages a company, while my mother... well, she's... gone."

She looked at me in disbelief. Nanatili sa pagkakanganga ang bibig niya nang ilang segundo bago niya ito tinutop.

"Oh, forgive me for asking." agap niya.

"It's fine."

Being a rich kid that she is, pagka-ubos ng aming kinakain ay nagpresinta ulit siya na bumili ng panibago. I was about to hand her some money but she glared at me. Minsan talaga ay hindi na ako napapagastos kapag siya ang kasabay ko magrecess.

I asked her about her life as well. Napagtanto ko kasi na bilang sa daliri ang alam ko tungkol sa kaniya.

I found out that she came from a broken family. And I wasn't surprise that they owned a lot of properties here in Manila and in some provinces. Kahit 'di niya naman iyon sabihin, sa tindig pa lang niya ay sumisigaw na ang karangyaan.

Isang oras kami sa food court at ang isa pang oras ay inilaan namin sa pagwi-window shopping. Wala naman akong balak na mamili ng kung ano dahil wala naman akong kailangan sa ngayon. Nakabuntot lang ako kay Cherry sa bawat boutique na pinapasukan niya.

Ang planong pagtingin-tingin lang ay nauwi sa kaniyang pamimili. She's now holding a three paper bags from different famous brands as we get inside the another botique.

"Do you like that dress? I'll buy that for you." napalingon ako kay Cherry nang tanungin niya ako.

Maagap akong umiling dahil wala naman akong balak bilhin ang dress na iyon, though I like it. "Huwag na."

"Miss? I'll buy this one na rin, po." anunsyo ni Cherry sa nakaantabay na saleslady.

I really tried to stop her but she was so adamant at everything. Nagpasalamat nalang ako sa huli dahil nang sinabi ko na babayaran ko siya ay hindi rin siya pumayag.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon