Kabanata 8

21 5 0
                                    

Kabanata 8

Dahil sa hindi pagsagot ni Edcel sa tanong ng mga kagrupo namin ay mas lalo lamang sila nagpatuloy sa pang-aasar. Hindi mawala ang panunukso sa mga tingin nila tuwing babalingan ko. Kaya sa mga nagdaang araw ay parang ayoko nang sumama sa kanila pero alam ko namang hindi ko pwedeng gawin 'yon.

Iyon ang naging takbo ng araw ko. Tuwing uwian ay nagpapasama ako kay Archer o 'di kaya ay kay Cherry sa paghihintay, kung sino man ang available sa kanilang dalawa.

At dahil alam ko na ang kanila Edcel ay tumanggi na ako nang sinabi niyang sumabay ulit ako sa kaniya. Tumutungo ako sa kanila nang pasado alas-tres para masigurado na nandoon na ang ibang kagrupo ko para kahit papaano ay maging kumportable ako.

"No offense, ha? Pero ang bitchy talaga ng dating mo." komento ni Syra habang pinagpapatuloy namin ang ginagawang proyekto.

Hindi na ako nagulat sa pamumuna niya dahil hindi naman siya ang unang nagsabi sa akin ng ganoon.

"Sabi nga nila," tugon ko.

It's our third day working out on this project. And groupings like this really helps me to interact with each other. Laking pasalamat ko nalang at hindi sila ganoon kaseryoso.

Kahit papaano ay hindi na ako nabuburyo dahil paunti-unti ay nagagawa kong makipag-usap sa kanila.

"Saka, bakit ba kasi wala ka man lang pinapansin sa room natin?" dugtong pa niya.

"Hindi talaga kasi ako sanay makipag-usap kung kani-kanino. Baka kasi isipin nila masyado akong feeling close. Mga gano'ng bagay..."

"Well, I understand. Pero halos dalawang taon na tayo magkakasama, hindi ka pa rin ba komportable sa mga kaklase natin?"

Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. Siguro nga ay ganoon.

Lumingon kami nang marinig ang maingay na boses ni Leonel. Kasama niya si Edcel at ngayon ay may mga hawak na silang pagkain. Mas maaga kaming nagsimula ngayon dahil iyon ang napagkasunduan.

"Anong gusto mo?" tanong sa'kin ni Edcel at nilahad ang dalawang uri ng pagkain na hawak niya.

Dahil sa paglapit niya at pagtatanong ay narinig ko ang iba naming kagrupo na nagsi-peke ng ubo. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng kahihiyan.

"Hindi na. Busog pa 'ko." sagot ko at hindi man lang siya nilingon.

Bago kasi pumunta rito ay nilibre ako ni Archer sa isang fast food. Pareho sila ni Cherry na halos hindi ako pagastusin kapag kasama nila ako.

"Kumain ka na, Mizzy. Napaisip pa naman si Edcel kung anong magugustuhan mong pagkain. Halos bilhin niya nga ang lahat ng paninda para may pagpipilian ka, e." kantyaw ni Leonel dahilan para maghiyawan ang dalawang babae.

Sinabihan ko silang tumigil sa pang-aasar. Alam ko namang hindi totoo ang sinabi ni Leonel at tanging pang-aasar lamang iyon sa akin.

"Busog pa nga ako." pag-ulit ko.

Gayonpaman ay nilapag pa rin ni Edcel ang pagkain sa harapan ko. Hindi ko na iyon pinansin at baka nga naman maisipan kong kainin mamaya.

Medyo komplikado ang napili naming gawin kaya naman sa tantiya ko ay aabutin pa kami nito hanggang bukas at sa Friday naman ipapasa. My only help is cutting the papers and gluing what need to be glued. The rest—the measurements, angle and the like ay sila na ang gumagawa.

It helps that they kept joking around every now and then dahil hindi ako nabuburyo sa paulit-ulit na ginagawa. The only thing I hate is whenever the topic became me or Edcel.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon