Kabanata 5

25 9 0
                                    

Kabanata 5

Gusto kong umapila sa suhestiyon ni Zyrene, ang lider sa grupo namin, pero naisip ko na baka iyon nalang ang magawa kong tulong. It's just that, the idea of being with Edcel makes me want to disagree!

"Anong oras ka ba pwede?" tanong ni Edcel habang nakabilog kami ng upo nang binigyan kami ng oras ng guro para i-klaro ang plano.

"Kahit anong oras." bagot kong sagot.

"Alas-tres pa kasi ako pwede dahil may gagawin pa ako. Ayos lang ba?" aniya pa kaya hindi ko mapigilang mapahinga nang malalim ngunit palihim.

As if naman may pakealam ako sa mga nangyayari sa buhay niya!

"Sige." simple kong sagot at hindi na nais pang pahabain ang usapan.

He can buy all the materials alone, right? Bakit hindi nalang siya mag-isa? O hindi kaya ay ako nalang at hindi siya kasama? Magpapasama nalang ako kay Cherry o kaya ay kay Archer. Those are much better ideas but I don't have any guts to voice it out.

Hindi ko alam kung ito ba ang unang beses na nakagrupo ko si Edcel but one thing's for sure, I don't like it!

"Kita nalang tayo sa tapat ng gate." dugtong niya pa.

Parang ayoko na atang sumapit ang kinabukasan dahil Thursday iyon. Ibig sabihin lang ay mapipilitan akong samahan si Edcel mamili.

But then, I don't have any power to stop or even slow down the time. Nang mag-Huwebes na ay problemado na agad ako pagpasok pa lang sa university. Dumiretso ako sa mini garden at laking pasalamat ko na guminhawa ang pakiramdam ko sa mga luntiang halaman.

"Hey," umupo sa tabi ko si Archer at hinugot mula sa tenga ko ang earphones.

"Ang aga mo lagi pumasok, ah?" puna ko dahil pang-ilang araw na ito na nakakasama ko siya rito sa garden.

As far as I was concerned, hindi naman laging alas-siete ng umaga ang unang klase niya. Minsan ay tanghali at minsan ay mas maaga lang ang sa'kin nang kaonti.

"Ang aga mo rin lagi, e."

Binalik niya ang isang earphone sa tenga ko at ang isa naman ay sinalpak niya sa kaniya.

"You're a fan of The 1975?" gulantang niyang tanong at napatingin pa sa akin matapos marinig ang tumutugtog na musika.

"Oo. Ikaw rin ba?" tanong ko.

"No. Ah, someone... I know."

Pinalipas namin ang oras sa pagkukwentuhan. Alas-siete y media ang unang klase niya ngayon kaya nagpaalam na akong mauuna na. Siya naman ay mananatili roon habang naghihintay.

"Mamaya, ha?" paalala niya bago ako makalayo.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Birthday."

Doon lang pumasok sa isip ko na may plano pala akong sumama kay Archer sa araw na ito. Paano ang pamimili namin ni Edcel ng materyales? Sabihin ko kayang hindi rin ako pwede?

Is a birthday party a valid excuse? Iyon ang pinroblema ko sa kabuuan ng klase.

Alas-tres pa naman ang usapan namin ni Edcel. Kung ala-una ang labas namin, may dalawang oras pa ako para sumama kay Archer, right?

Napatango ako sa sarili at iyon ang naging plano.

Nang mag-uwian na ay pinaalalahanan pa ako ni Edcel tungkol mamaya at inikutan ko lang siya ng mata.

Nagtaka naman ako nang sabihin ni Archer na kailangan naming sumakay patungo sa bahay ng kaibigan niya. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng uniporme dahil sandali lang naman ako maglalagi roon.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon