Kabanata 13

6 2 0
                                    

Kabanata 13

Siguro ay isa na rin sa dahilan kung bakit hindi ko magawang payagan si Archer na manligaw ay dahil may iba akong pakiramdam. But everytime I'm with him, he seems harmless. Hind ko rin naman maikakaila na mabait siya at hindi niya pa ako pinapakitaan ng masama simula nang magkakilala kami.

Or is it all just for show?

Ayaw ko sanang pagdudahan si Archer dahil lang sa mga pasa na iyon. Kaya naman ang plano ko ay kausapin siya at ipaalam sa kaniya ang desisyon ko na mas mabuting magkaibigan muna kami. Kung hindi siya nagmamadali ay papayag siya sa gusto ko, right?

Isa pang bagay na pumupukaw sa kuryosidad ko ay ang ex niya na sinasabi ni Sofia. Kung napapansin niya na hindi pa nakakamove-on si Archer, bakit ako nito balak ligawan? Or should I ask Archer about it?

"Mizzy!" napabalik ako sa reyalidad nang may humawak sa dalawang pisngi ko at nakitang si Syra iyon. Nasa tabi niya si Zyrene na natatawa sa pagiging lutang ko.

"B-bakit?" tanong ko.

"Naimbitahan ka na ba ni Edcel sa birthday niya? Halos lahat ng kaklase natin ay imbitado."

"Uh, oo. Inimbita niya nga ako." sagot ko at dumiretso ng upo.

"So, pupunta ka?"

Gusto ko sana siyang sawayin dahil pakiramdam ko ay may ipinapahiwatig siya. At idagdag pa ang umaasang ekspresyon ni Zyrene na para bang plano talaga nilang mapasama ako.

Ang totoo ay wala naman talaga akong balak. I'm not even considering it since hindi naman siguro mapapansin kung wala ako, 'di ba? It's not like the celebration will depend on my decision. Gayunpaman, sinabi ko sa kanila na susubukan ko para lang matigil sila sa pamimilit.

Matapos niyon ay agad silang dumalo kay Edcel para yata sabihin ang naging sagot ko kaya napailing nalang ako. Sila ba ang tulay ni Edcel para sa mga ito?

Nang magrecess ay hindi na ako nagulat na tumambad sa akin si Archer pagkalabas. Nandoon pa rin ang mga pasa sa mukha niya at kapansin-pansin iyon.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya pumunta ako rito para sana tanungin ka." bungad niya. "Tara. Hatid na kita sa canteen."

Maglalakad na sana kami nang bigla siyang tumigil at sumeryoso ang mukha. Nakatitig siya sa kung saan kaya't sinundan ko naman ang mga mata niya. I found Edcel who was staring blankly at Archer.

Wait a minute... si Edcel ba ang dahilan ng mga pasa ni Archer? But why would they fight? Pinag-aralan ko ang mukha ni Edcel bago ito tumalikod at wala naman akong nakitang pasa o galos man lang sa mukha niya.

"Siya ba ang may gawa niyan?" naninimbang kong tanong kay Archer.

Bumalik sa akin ang tingin niya at mukhang nagulat pa siya sa naging tanong ko. Sa halip na sumagot ay inaya niya akong maglakad na pero hindi ako natibag sa kinatatayuan ko. I want to know what really happened .

Nang lingunin niya ako ay tinaasan ko lang siya ng kilay to imply that I'm not giving up this conversation.

"Oo," tugon niya at huminga nang malalim.

Even though I was expecting he'll say that, nagulat pa rin ako dahilan para humalukipkip ako at kunutan siya ng noo. "Bakit naman niya gagawin 'yon?"

"I d-dont know.." sagot niya at napalunok pa.

Pilyo si Edcel noon pero kailanman ay hindi siya nasabak sa anumang away. It's not that I'm siding him over Archer, pero hindi ko lang maisip ang maaring maging dahilan para magka-initan silang dalawa.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon