Kabanata 6

22 9 0
                                    

Kabanata 6

Naabutan namin ang kaibigan ni Edcel sa isang lamesa kasama ang dalawa pang babae. Napatingin sila sa amin nang sabay kaming dumating.

Balak ko sana ngitian ang dalawang babae ngunit nang makitang hindi palakaibigan ang mga tingin nila ay hindi ko nalang ginawa. Sa tantiya ko ay mas bata sa amin sila.

Ang isa ay mestiza at ang light make-up sa mukha ay lalong dinedepina ang kagandahang babae. Samantalang ang isa naman ay morena ngunit bumagay sa kaniya ang kulay.

"Hindi ka pwedeng umupo rito." napatigil ako sa balak na pag-upo sa tabi ni Edcel nang magsalita ang kaibigan niya.

Nahihiya akong tumayo at pilit na ngumiti. Naramdaman ko rin ang pamumula ng mukha. I don't know if he's being rude but I was so offended the way he talked to me.

Sinaway siya ni Edcel at tumingin sa akin.

"Magtu-tutor kami kasi sa dalawang 'to. And you might distract us." pagpapaliwanag pa nito pero ni isa sa mga salita niya ay hindi napawi ang pagkakapahiya ko.

Ngumiti lang ulit ako at tumango sa kaniya kahit na sa isip ko ay minumura ko na siya dahil sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. He seems mad at me.

"Sige. Maghihintay nalang ako sa ibang table." pag-abiso ko kay Edcel at agad humanap ng bakanteng lamesa.

Ramdam ko pa sa likod ko ang mga tingin nila kaya hindi na ako nagbalak na lumingon. Napahiya ako sa pagsaway ni Benedict kaya naiilang akong kumilos.

He could have said it in a nice way, couldn't he? That was offensive.

Nang maka-upo ay nilabas ko ang notebook kung saan kami may assignment. Iyon nalang sana ang pagkaka-abalahan ko habang naghihintay. Ang kaso ay hindi ko rin nagawa dahil naglayag agad ang isip ko.

I glanced over my shoulder to take a glance at them. Nagsisimula na ang dalawa na turuan yung mga babae. Seryosong-seryoso ang mga mukha ng dalawang lalaki at yung mga babae naman, sa halip na sa libro tumingin ay nakatitig sa mukha ng nagtuturo.

I didn't know that they are doing this. Alam kong mga matatalino sila pero hindi pumasok sa isip ko na pwede nila iyong pagkakitaan.

Sumulyap si Edcel sa gawi ko kaya naputol ang pagtitig ko sa kanila at agad binalik sa dapat kong gawin. Ngayon ko lang napagtanto na mathematics pala itong sinusubukan kong sagutan. My least favorite.

My mind was suddenly clouded with a thoughts of Edcel. Hindi ko maisip kung masyado ba akong galit sa kaniya dahilan para hindi mapansin ang mga pagbabago niya.

Compared to how he was before, ang layo ng pagkakaiba.

Dati-rati ay hindi naman siya ganiyan kung kumilos. I mean, he was lively and full of trips. Isa sa dahilan kung bakit nainis ako sa kaniya noon ay dahil masyado siyang papansin at mapanukso. Wala siyang araw na pinapalampas para pakuluin ang dugo ko.

My annoyed face was his daily dose of laughter back then.

I can still remember the first time he made fun of me. Madalas ay nakaupo siya sa likuran ko at pagka-uwian ay magugulat nalang ako na nakatali ang mga bag ko sa upuan. And he did more than that each passing day.

Noon pa man ay kaibigan niya na si Benedict but their attitude was way different from each other. Si Benedict ay seryoso sa buhay habang si Edcel ay purong kalokohan. Matalino siya, oo, pero likas sa kaniya ang mang-asar lalong-lalo na sa akin. Noon.

Ngayon ay halos pareho na sila ni Benedict na serious type.

I wonder when did he change? When did he set aside the playful side of him. Nasa'n na yung Edcel na walang ginawa kun'di painitin ang ulo ko? Not that I want that kind of him back.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon