Kabanata 1

32 10 0
                                    

Kabanata 1


"Mizzy, sabay na tayo!" humabol sa akin ang isang kaklase ko ngunit ngumiti lang ako sa kaniya at umiling.

"No. Mamaya pa ako papasok."

I didn't wait for his reaction and I made my way to the mini garden. It was located on the left side of the university, may ilang mga benches doon at umupo ako sa isa.

Maaga ako nakarating ngayon kaya naman may labinlimang minuto pa bago magsimula ang first subject namin. I took my phone out and put my earphones bago ko nilibot ang paningin sa paligid.

There are different plants around, may iilan ding puno dahilan para maging presko ang hangin sa gawing ito. Madalas ako rito noon pa man. Noong nandito pa ang kaibigan kong si Olivia ay ito ang usual spot namin dahil parehas kaming mahilig sa tahimik at preskong lugar.

I can't help myself but miss her so much. Usually, early this morning ay nagsasawa na ang pandinig ko sa walang katapusang kwento ni Olivia, pero iba na ngayon. She's not here.

Kaya naman mistula akong loner sa tuwing pumapasok ako. Walang kasabay sa pagpasok, sa breaktime, at pati rin sa uwian. Kahit si Alexis, bigla-bigla nalang akong iniwan sa ere.

Alexis had been courting me for weeks. He was tenacious to make me fall in love and I was sure that in time, I'd get there. Hindi naman siya mahirap gustuhin, lalo na ang mahalin dahil masarap siya kasama. And borderline, he's handsome and cool.

Kaya hindi ko maintindihan ang mga nangyari kahapon. I couldn't come up with a sensible reason and up until now, I was perplexed.

"Hindi mo 'ko sinabayan magrecess ngayon?" iyon ang paunang tanong ko kay Alexis kahapon nang mamataan ko siya sa kanilang palapag.

He only gave a fake smile and that moment, I knew that something's wrong. Ang pagkakakilala ko sa kaniya ay ang pagiging maligalig, masiyahin at palangiti kaya ang disposisyon niyang iyon ay kakaiba ang dating sa akin.

I noticed the bruises on his face but as I was about to touch them, he quickly took a step back. Halting me from coming near him

"Uh, Mizzy..." he stuttered.

Hindi ko siya sinagot at pinanatili ang kunot sa noo. Naguguluhan pa rin sa inaasal niya.

"Titigil na ako sa panliligaw..." sinabi niya iyon habang ang mga mata ay nakababa.

I was dumbfounded for a second. Nang rumehistro at naintidihan ang sinabi niya ay doon lamang ako nakapag-react.

"Why?" nalilito kong tanong.

Hindi pa man siya nakakasagot ay may tumawag na sa kaniya na siguro ay kaklase niya. Without saying goodbye, he turned his back against me and walk away.

Buong araw ay hindi na rin siya nagparamdam kaya alam kong seryoso siya sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga sa mga naiisip. Ni hindi ko na naiintidihan ang lyrics ng kanta sa tenga ko.

It's not like I've completely fallen for him. Gusto ko si Alexis, oo. At alam ko sa sarili ko na kapag pinagpatuloy niya ang panliligaw ay mahuhulog din ako sa kaniya. Kaya palaisipan sa akin kung bakit siya nagpasyang tumigil.

It's sad that people can easily leave you when you have already used to their presence. Kung kailan nasanay ka na na nandiyan sila ay saka sila maglalahong parang bula.

I almost jumped on my seat when someone tapped my shoulder. Agad akong napatayo sa gulat dahil hindi pa ako nakakabalik sa wisyo.

"Sorry for disturbing you..." wika nang lalaki at sinangga rin ang mga braso niya sa pag-aakalang bigla akong aatake sa kaniya.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon