Kabanata 3

28 9 0
                                    

Kabanata 3

"Thank you." I said with indifference as I handed the umbrella to Edcel.

Tatlong araw siyang hindi pumasok at siguro ay iyon ang naging kaparusahan nang nagawa niya. Nang kinuha niya ang payong ay agad na rin akong tumalikod dahil wala naman akong balak pahabain ang pag-uusap.

I still hate him but what he did touched my heart. Hinayaan niyang mabasa siya at pinahiram niya sa akin ang panangga niya sa ulan. Kaya naman bilang ganti, I tried not to throw glares at him everytime na makikita ko siya.

But it doesn't suffice my loatheness.

Napatalon ako sa gulat nang sumulpot ang mukha ni Archer pagkalabas ko ng pintuan aa classroom namin. Dahil doon ay nahataw ko sa kaniya ang hawak kong mga papel.

"Nakakagulat ka!" I exclaimed.

"Pa'no yung gulat?" pang-aasar niya pa kaya inikutan ko naman siya ng mata.

The look on the face of my classmates that saw us didn't go unnoticed. Hindi ko alam kung para saan iyon. Maybe they are wondering why a college guy was here in the senior high school floor?

Kumpara noong nakaraan ay naka-uniporme na ngayon si Archer. The uniform of HRM did suit him. Bumagay sa kaniya iyon at mas lalo siyang nagmukhang kaaya-aya tignan.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked him.

Humilig siya sa dingding ng room namin at ako naman ay bahagyang tumabi para hindi makaharang sa daanan.

"Nagugutom ako." he answered and pouted his lips.

Hindi ko alam kung bakit sa dami ng mag-aaral dito ay ako ang pinipilit ni Archer. Bakit hindi yung kalevel niya? O hindi kaya ay kaklase niya?

Isang linggo na rin nang pumasok siya sa university na ito kaya malamang ay pamilyar na siya sa pasikot-sikot. What I don't understand is he keeps hanging around me.

"Ano naman sa'kin kung nagugutom ka?" pagsusungit ko pa.

Lumabas si Edcel sa room at agad dumako ang mata sa akin. Lumipat din iyon kay Archer at bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Bago ko pa man siya tanungin kung bakit gano'n siya makatingin ay naglakad na siya palayo.

"Anong problema no'n?" nagtatakang tanong ni Archer na mukhang napansin din ang tingin sa kaniya ni Edcel.

"Malay ko."

"Parang may galit, amputek!" singhal niya pa.

Naglakad na ako paalis at naramdaman ko namang sumunod si Archer. Dahil magkakaroon kami ng pagsusulit bukas ay gusto kong maagang umuwi ngayon para kahit papaano ay makapag-review. Pambawi man lang sa mga lutang kong sagot nitong nakaraan.

Humabol si Archer sa pagmamadali ko. He held my shoulder nang maabutan niya ako.

"Samahan mo ako kumain." aya niya.

Umiling naman ako. "May gagawin pa ako."

"Saglit lang. Wala pa akong almusal dahil tatlong oras yung first subject ko tapos sinundan pa ng panibagong tatlong oras. Kaya gutom na gutom ako." paliwanag pa niya kahit hindi naman ako nagtatanong.

"Hindi ka ba makakakain nang wala ako?" tanong ko, unti-unting umaahon ang inis.

He's so annoying! Kaya hindi ko talaga maisip kung sakaling maging kaibigan ko siya. Si Cherry ay ayos pa dahil nagkakasundo kami at parehas hindi madaldal. Archer, on the other hand, is the opposite of me.

Hindi ko alam kung anong motibo niya sa pangungulit sa akin. Ano pa man iyon, wala akong pakialam.

"Why are you so harsh on me?" madrama niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon