Kabanata 9

12 6 0
                                    

Kabanata 9

May kadiliman na nang mapagpasyahan namin na magsi-uwi. As much as we wanted to stay there until seven, we can't. It was past five nang makabalik kami sa aming lugar at nagpaalam na sa isa't isa.

"Sabay na tayo, Edcel! Iisa lang naman tayo ng way." pagyaya dito ni Leonel.

"Mauna ka na."

"Ha? Bakit? Anong oras na—" hindi na nito natapos ang sasabihin at biglang tumango. Napatingin naman ako kay Edcel para malaman kung anong isinenyas niya pero wala akong nasumpungan.

Kumaway ako kanila Zyrene at Syra habang naglalakad sila paalis. Si Edcel naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ko kaya't binalingan ko siya.

"May kopya ako no'ng picture kanina, hindi ka ba magpapapasa?" maya-maya ay tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Huwag na."

Ilang beses siyang tumikhim nang wala man lang sa amin ang gumagalaw sa kinasasadlakan. Pumeke rin ako ng ubo para sana tanungin kung bakit hindi pa siya sumabay kanila Leonel pero naunahan niya akong magsalita.

"Hatid na kita sa inyo," aniya.

"Ayos na ako rito. Umuwi ka na,"

Tumango siya at maliit na ngumiti. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan at tila hindi pa siya sang-ayon sa sinabi ko ngunit pagkakuwan ay tumango siya ulit at tumalikod na sa akin. Hindi ko na siya tinanaw hanggang makaalis at nagsimula na ring maglakad.

Ilang minuto lang naman ang lalakarin ko hanggang marating ang aming village. Medyo madilim man ay panatag naman ako na walang masamang tao ang susulpot bigla lalo pa't madadaanan ko naman ang aming university.

I can't deny that I had fun today. Ang totoo ay ayoko talaga ng maiingay kaya nga noon ay inis na inis ako kay Archer, pero ang ingay na dulot naman ng mga kagrupo ay hindi maitatangging nakapagbibigay ngiti sa akin kaya't ayos lang.

I am more than glad that I was grouped with people who are easy to be with.

Because of that, I realized how happy it was to have a social life. Being close to many people is also nice. It's not that nobody can't be happy all alone. The truth is, I do. Before.

Whenever I found a funny videos or I witnessed hilarious happenings, they make me smile. Kaya nating sumaya nang mag-isa. But there's really something about the happiness you get when you're sharing it with someone.

Balak ko na sanang lagpasan ang gate ng aming vilage para makauwi na ngunit naagaw ang pansin ko sa bultong nakita. Naantala ako sa paghakbang at naningkit ang mga mata.

Sa tapat ng village namin ay may pamilyar na taong nakatayo. Hindi niya ako napansin dahil busy ito sa pagpindot sa kaniyang cellphone. Out of curiousity, I came closer to figure out if I was right.

Nang makalapit ako ay doon ko nasigurong siya nga iyon.

"What are you doing here?" halos mapatalon siya sa kinatatayuan at namimilog ang mata nang tumingin sa akin.

"M-mizzy, ikaw pala." aniya.

"Madilim na, ah. Anong ginagawa mo rito? 'Tsaka, nasaan ang sasakyan niyo?" tanong ko pa kay Cherry na ngayon ay palingon-lingon na sa paligid at tila hindi mapakali.

"I'm just waiting for someone..."

"Bakit mag-isa ka lang? Samahan na kita." buong-pusong alok ko.

Siguro naman ay hindi siya magtatagal sa paghihintay. At hindi naman ako papagalitan ni Dad kapag sinabi ko ang totoong dahilan. I can't just leave her here alone.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon