Kabanata 11

9 4 0
                                    

Kabanata 11

"Saan mo ba ako dadalhin?" naiiritang tanong ko habang lulan kami ng pampasaherong sasakyan.

Hindi naman siya sumagot at bagkus ay may sumilip pa na ngisi sa kaniyang mukha. I lost count of how many times I rolled my eyes from the moment he forcefully pulled me. Gusto ko nalang sana umuwi kaysa ang makasama si Edcel, ang kaso ay hinila niya ako at binitawan lamang nang makasakay na kami.

I wanted to shout at him but not in this crowded place. What was his right to just drag me like that?

"Uuwi na ako." sambit ko ora-mismo pagkababa namin.

Agad namang dumikit sa braso ko ang kaniyang kamay. Naninindak akong tumingin doon dahilan para tanggalin niya rin bigla.

"Sino ba'ng may sabi na gusto ko sumama sayo, ha?" pagtataray ko pa.

Being rude that he is, tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad. Marahas akong bumuntong-hininga at walang nagawa kun'di ang bumuntot sa kaniya. Kahit papaano naman ay kuryoso ako sa lugar na ito, sadyang hindi ko lang matanggap na siya ang kasama ko.

"Regalo mo na sa'kin 'to." I heard Edcel murmured without looking at me.

Napaikot naman ang mata ko dahil doon. Wala naman akong balak na dumalo sa kaarawan niya. Pumayag lamang ako kanina dahil nagmamadali at nahihiyang tumanggi.

Nilibot ko nalang ang paningin sa paligid. Marami-rami ang tao at nagkalat rin sa mga gilid ang mga nagtitinda ng street foods. Doon ko lang napagtanto na isa pala itong parke.

Naglipana rin ang mga benches at kiosk, may mga nakatindig ring puno na bilang lang sa daliri. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. It looks like a lover's park.

"May gusto kang kainin?" tumigil saglit sa paglalakad si Edcel para lingunin ako at tanungin.

Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko pa naman nakikita ang lahat ng paninda. He asked me to sit in one of the kiosk and I absent-mindedly obliged. Nanatili akong nagmamasid sa palagid lalo pa nang mapansin ang entablado sa gitna ng parkeng ito.

Nagpaalam saglit si Edcel at hindi ko naman siya pinansin.

Karamihan sa mga nakaupo ay purong mga magkarelasyon. They're making a sweet scene as if they were in a movie that I can't help but winced. Why would Edcel bring in this kind of place?

Balak ko na sanang tumayo at magpaalam na kay Edcel ngunit agad rin siyang dumating hawak ang pagkain. Noong una ay hindi ko ramdam ang gutom pero nang makita ko ang mga siomai na binili niya ay hindi ko mapigilang matakam. Napangiti si Edcel nang makita ang reaksyon ko.

Umupo nalang ulit ako. Siguro ay pagtapos nalang kumain 'tsaka ako magyayang umuwi?

Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay nang lumipas ang ilang minuto ay hindi niya pa rin nilalagay sa tapat ko ang pagkain. Nanatili ang dalawang order ng siomai sa kaniyang harapan.

"Gusto mo ba?" rinig ko ang bahid ng panunuya roon.

"No," napalabi ako at sinamaan siya ng tingin.

He had guts to drag me here and be like this, huh? Amg buong akala ko pa naman ay para sa akin ang isang binili niya. Napaikot ang mata ko sa konklusyong ang kuripot niyang tao. Ang balak ko sana ay hintayin nalang siya matapos dahil nagsisimula na ring uminit ang ulo ko dahil sa ginagawa niya ngunit nagsalita siya.

"Gusto mo?"  tanong niya ulit ngunit hindi ko na siya pinansin.

Pagkakuwan ay nilapit niya rin naman sa harap ko ang isa. Mukhang plano niya lang talaga ang mang-asar kanina. Muli namang kumunot ang noo ko dahil nanatili siyang nakatingin sa akin matapos iabot ang pagkain.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon