Kabanata 12

8 3 0
                                    

Kabanata 12

"I know this is so out of the blue but I just want you to know that... I want to court you, Mizzy." saad pa ni Archer nang ilang segundo ang lumipas ay hindi ko nagawang makasagot.

I was dumbfounded. I was surprised. I mean, I didn't see this one coming, let alone today. Kanina lang ay nabigla ako dahil muntikan na akong masagasaan tapos ngayon ay nabibigla ako dahil sa mga sinasabi niyang ito.

"Archer..." I started, searching for the right words to say.

He's been a good company to me, I admit that. A good friend. Hindi ko rin maitatanggi na masaya akong nakakasama siya dahil kapag wala ang kaibigan kong si Cherry ay nariyan siya para samahan ako. Pero nabibigla pa rin ako sa nangyayari.

"If it isn't obvious to you... I like you, Mizzy." dugtong pa niya.

Napailing naman ako sa hindi malamang dahilan. I don't want to turn him down but something is stopping me and I don't know what it is. Maybe, I was really surprised? Or maybe, because I felt like something's off. Baka naman naguguluhan lang ako sa nararamdaman dahil sa dami ng nangyari ngayong araw?

"Archer... I'm not ready—"

"It's okay. I already expected that but... I hope you will let me prove myself to you?" sambit pa niya.

Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya. He likes me? I'm trying to sink that in. Kailan pa? Noong una ba naming pagkikita? Kaya ba mapilit rin siya na mapalapit sa akin dahil gusto niya ako? Hindi ko alam!

If I would base on his actions, well, he's pretty gentleman and often sweet. Did he do all that because he's been liking me?

"Let me prove to you that I deserve a chance." pagsusumamo pa niya.

Umamba na akong sasagot sa kaniya nang nahagip ng mata ko ang pagdaan ng sasakyan ni Dad kaya naman bigla akong naaligaga. Tinulak ko si Archer para umalis na siya at nang makauwi na ako ngunit mukhang hindi siya aalis hangga't walang nakukuhang sagot mula sa akin.

"Let me, please." aniya pa.

"Archer, please, go!"

"I want to show you that I'm worthy to court you."

"Sige na. Oo, basta umalis ka na." wika ko at pinagtulakan siya.

Nakalampas na naman ang sasakyan ni Dad pero kahit papaano ay natataranta pa rin ako. Hindi ko na nilingon si Archer at nagmamadaling umuwi. Nakasarado ang bintana ng sasakyan ni Dad nang dumaan kanina kaya hindi ako sigurado kung nakita niya kami ni Archer. Gayunpaman ay nagrehearse na ako ng mga isasagot kung sakaling gisahin ako.

Alam kong hindi naman magagalit ang aking ama tungkol sa bagay na ito. Ang kaso ay baka bigla niyang ayain na bumisita si Archer sa bahay at doon usigin. I remember him telling me na sisiyasatin niya ang kung sinong manliligaw sa akin. Hindi pa ako handa! Ni hindi pa nga nagsi-sink in sa'kin lahat ng sinabi Archer.

Napabuga ako ng malalim na hininga bago pumasok sa bahay. Naabutan ko si Dad na nagtatanggal ng necktie sa sala kaya naman lumapit ako sa kaniya para bumati.

"How's school?" tanong niya.

"It's fine, Dad. Two weeks from now ay final exams na namin."

I expected him to rain me some questions but nothing came aside from about my school. Laking ginhawa ko naman dahil mukhang hindi niya naman kami napansin ni Archer kanina.

Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap kay Dad ay nagpasya na akong umakyat at siya naman ay para magluto ng hapunan. Pagkapasok ko ng kwarto ko ay napatampal nalang ako sa noo nang may marealize. Naalala kong pumayag ako kay Archer sa sinabi niyang papatunayan niya ang sarili niya.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon