Kabanata 14

7 0 0
                                    

Kabanata 14

Bago pa man mag-alas dose ay nagyaya na sila Syra na umuwi kaya naman tumayo na rin ako kasabay nila. Tatlong bote rin ang naubos namin habang ang nga lalaki ay hindi pa rin mga nagsasawa. Ika pa nila ay magpapaiwan sila dahil uubusan ang ilang boteng natitira at ang plano naman ng iba ay dito na magpalipas ng gabi kanila Edcel.

Edcel was tailing after us when we exited their backyard. Bago tuluyang umalis ay tumungo muna kami sa kusina para pormal na makapag-paalam sa magulang niya at makapagpasalamat.

"Ako ang maghahatid sa inyo." saad ni Edcel patungkol aa aming dalawa ni Zyrene. Si Syra kasi ay sasakay lang ng tricycle mula rito para makauiw.

"Kaya mo ba?" tanong ko. "Mukhang tinamaan ka na rin, e."

"Umidlip naman ako kanina."

Noong una ay laking ginhawa ko dahil napilit ko si Zyrene na siya ang umupo sa likod ni Edcel ngunit nang makarating kami sa highway at bumaba siya, wala na akong ibang choice. Gayunpaman, minaigi ko na hindi lumapat ang katawan namin sa isa't isa.

Malamig na ang simoy ng hangin at kahit papaano ay nahihilo ako sa ininom namin. Habang nagmamaneho si Edcel ay ako naman nakakapit sa likod ng motor. Sinilayan ko pa siya sa side mirror pero mukhang kanina niya pa hinihintay na sumulyap ako roon dahilan para magtama ang aming mga mata. Agad naman akong nag-iwas at minangha nalang ang sarili sa tahimik na syudad sa dis-oras ng gabi.

I wanted him to elucidate his answer about the picture in his room a while ago but at the same time, I don't want to know.

Ano ang ibig niyang sabihin sa inspirasyon? Ako? Inspirasyon niya? At kailan pa pala ako nagkaroon ng litrato sa kaniya? Kahit gaano ko kanais na masagot ang mga tanong na iyon ay hindi ako nagbalak na isatinig ang maski isa.

Tahimik naming narating ang village namin. At dahil hindi naman basta-basta nakakapasok ang anumang sasakyan ay sa gate na ako binaba ni Edcel. Agad kong inabot sa kaniya ang helmet pagkahubad ko nito.

Umamba na akong maglalakad paalis matapos magpasalamat nang mapatigil ako dahil sa pagtawag niya.

"Mizzy..." aniya kaya't napalingon naman ako.

Bahagya pa ring namumula ang mukha niya at hindi iyon naitatago ng munting mga ilaw na nagmumula aa mga poste. Hinintay ko siyang magsalita pero lumipas ang ilang segundo ay nanatili siyang tahimik. He scratched his nape then touched his lower lip as if he doesn't know what to do, dahil sa kilos niyang iyon ay napagawi ang mata ko sa labi niya.

I don't know if he did it on purpose or it's his mannerism when he licked his lips, gayunpaman ay nag-iwas na ako bago pa man siya mag-isip ng kung ano. Nasulyapan ko pa ang kamao niya na bahagyang namumula.

Ibig sabihin, siya talaga ang may kagagawan ng pasa ni Archer sa mukha? I wonder why.

"Ano 'yon?" tanong ko nang wala pa rin siyang imik.

"Ah... p-pwede bang..." tila hindi niya makumpleto ang sasabihin. Bumuntong-hininga siya at marahang pumikit. "Wala. Goodnight."

Kumunot ang noo ko dahil halatang may gusto siyang sabihin. I can't tell if it's something important but since he decided not to say it, siguro ay hindi gano'n kahalaga. Hindi ko na siya pinilit at nagpaalam na ulit dahil gusto ko nang humilata sa higaan ko.

Habang mahinhing binabagtas ang patungo sa bahay namin ay naglalayag ang isip ko. Iniisip ko kung bakit tila parang bula na naglaho ang pagkayamot ko sa presensya ni Edcel. It wasn't like this before. Nawala ba o nahihimbing lang? Because last time I checked, my loathe towards him is overflowing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon