Kabanata 10

10 4 0
                                    

Kabanata 10

"I really loved your mother, Mizzy." mahinahong sambit ng aking ama. "If the decision is in my hand, I'd love her until we meet in the second life."

Minamasdan ko lamang siya habang nililinis niya ang puntod ng aking ina. Pinasadahan niya rin ng haplos ang litrato na nakatayo sa puntod nito at ngumiti. Ako naman ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman. I know exactly where this talk is going but I don't know how to react and what to say.

My father looks at me then smiled. "If I tell you... I love someone right now, will you get mad at me?"

Napaiwas ako ng tingin at pinaka-titigan ang lapida na nasa aming harapan. Apat na taon na rin ang nakakalipas simula nang iwan kami ni Mom. Napabuntong-hininga muna ako bago tumugon sa sinasabi ni Dad.

"As long as you're happy, Dad, I won't get mad." sinsero kong sagot.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinag-aralan ang kabuuan ng mukha ko.

"Your happiness matters the most to me, Mizzy. Kung hindi mo gusto... maiintindihan ko."

Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa narinig. He's willing to sacrifice his happiness for mine? I would be selfish if I'll tell him na ayoko siyang mag-asawa ulit, kahit pa iyon ang namamayani sa kaloob-looban ko sa ngayon.

"Dad, I love you. And I can't imagine seeing you sad just because you gave me what I wanted." panimula ko. "Ang totoo... hindi pa po ako handa na magpakilala ka ng babae, but I will understand. Para sayo, Dad... tatanggapin ko."

Bakas ang nag-uumapaw na saya sa kaniyang mga ngiti dahil sa narinig. Kahit sinabi niyang handa niyang isakripisyo ang kasiyahan niya para sa akin, alam kong umaasa pa rin siyang maiintindihan at matatanggap ko ang lahat.

"I want you to meet her." nakangiti niyang sambit.

"I think I'm not—"

"Of course, when you're ready, Mizzy." he answered and heartily laughed. "You will love her, too." paniniguro pa niya.

"Baka agawin ko siya sayo, kung ganoon?" pagbibiro ko at sabay naman kaming napahalakhak.

He pulled me into a hug and kissed me at my head. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang ang mata ay nakatitig sa nakangiting larawan ng aking ina.

Si Dad ang tanging nakasama ko sa ilang taon simula nang nawala ang aking ina. Who am I to meddle with his feelings? Alam kong mahalaga sa kaniya ang opinyon ko pero kahit naman gaano ko kaayaw, kung masaya siya, sa huli ay maiintindihan ko.

Maybe, I'm just afraid that his girl wouldn't be as good as my wife. Hindi maitatanggi ang posibilidad na baka ayawan ako ng babae dahil anak ako sa unang asawa. But I wouldn't find out kung hindi ko rin naman susubukan.

Sana lang ay maging magkasundo kami ng bagong minamahal ng aking ama.

"If you'll have a boyfriend, make sure that that guy will prioritize your happiness." bulong niya.

Napahiwalay ako sa pagkakayakap niya at tiningala siya. "Wala pa po 'yan sa isip ko."

"Gusto kong magka-apo, Mizzy. Huwag mong sabihing may balak kang magkumbento?"

"Dad, I think I'm too young for that."

Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. "That's right. But make sure na kapag may nagpaparamdam na sayo ay sabihin mo sa akin nang makilatis ko."

Ilang oras din ang nilagi namin sa harap ng puntod ni Mommy. We're just talking about our life and also reminiscing the memories of my beloved mother. Alas-dies y media nang magpasya kami na umuwi ni Dad ngunit agad ko rin siyang pinigilan.

The Man I LoathedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon