PROLOGUE

26 6 0
                                    

"Mahal na mahal kita baby" sabi ko

"Mahal na mahal din kita" sabi nya saakin at hinalikan ko ang noo nya

"Baby ipangako mo saakin na magpapagaling ka ha?"

"Hmm" sagot nya atsaka ngumiti

"Magapagaling ka please? mahal na mahal kita, sorry sa mga nagawa ko baby ha?" sabi ko sakanya

"Hindi ka pa humihingi ng sorry napatawad na kita mahal ko" sabi nya

"Sorry talaga baby, magpagaling ka ha?" sabi ko pa

"Shh,hindi naman ako nagalit sayo. Galit ako sa ginawa mo oo,pero sayo hindi" siya

"Dahil padin sakin kung bakit nanjan ka ngayon"

"Wag mo na sisihin sarili mo please?"

"Hindi ko lang maiwasan sorry"

"Shh" at niyakap ko sya

"Hijo?kailangan na nya mag pahinga bawal sya mapagod masyado yung puso nya" si tito ang daddy ng mahal kong babae

"Yes po tito" sabi ko sakanya atsaka humarap sa babaeng mahal ko "Baby?magpahinga ka na mamaya pag gising mo nandito pa din ako babantayan lang kita" sabi ko at hinalikan sya sa noo

"Mahal na mahal kita" sabi ko pa

"Mahal din kita" sabi nya atsaka ko sya hinalikan sa noo at doon na sya pumwesto para matulog

Sa haba ng oras ay nagising na ako na may mga nag aayos ng gamit sa hospital room na iyon,Iyon ay si tito ang daddy ng mahal ko

"Tito bakit po may mga maleta?" tanong ko

"Ah nak, nakausap kasi namin ang doctor niya at nirecommend nya na mas maganda ang gamutan sa amerika at doon makakahanap kami agad ng donor niya." dire diretsong sabi ni tito

"Ah tito kelan po balik nyo?sama po ako gusto ko po siya samahan" ako

"Ah nak magtatagal lang naman kami mga 1month doon siguro,dito ka nalang wag mo iwan ang trabaho mo ayaw niya ng may iniiwan na mahalagang bagay yung tao para sakanya diba?" tukoy niya sa anak nyang mahimbing pa din na natutulog

"Tito ako nalang po maghatid sainyo pwede?" tanong ko pa

"Oo naman sige,mamayang 2am kailangan nasa airport na kami, yun nalang kasi ang pinaka malapit na oras na nakuhang flight ng tita mo" sabi ni tito at tininginan ko ang oras 8pm na

"Ah sige po tito uuwi ako saglit,diyan lang naman po ang condo ko maliligo lang po ako tapos po babalik ako agad dito" sabi ko atsaka kuha ng bag ko at coat

"Sige nak"

"Pag hinanap nya po ako pakisabi babalik ako agad tito"

"Oo sige" at lumabas na ako ng kwartong iyon at nagmadali na ako sumakay ng kotse ko at paandarin iyon papuntang condo ko

Pagdating ko sa condo ay dumiretso ako sa closet at pumili ng susuotin at pumunta na sa C.R atsaka naligo,at dahan dahn ko inalala ko ang mga nakaraan namin ng babaeng mahal ko,After ko maligo ay kumain lang ako ng meron sa ref at naghanda na ulit para sa pag alis ko saktong 10pm ay makakadating na ako doon sa hospital

Pagdating ko sa parking ng hospital ay nakasalubong ko ang mga kaibigan

"Uy!tol musta na?kamusta na din sya?" tanong nila na alam kong yung babaeng mahal ko ang tinutukoy nila

HER FINAL ECLIPSEWhere stories live. Discover now