Naka sakay na kami ng eroplano at magkakatabi kami nila leigh,wayne at seb habang si kuya LJ naman ay nasa unahan pa,sya kasi talaga nauna mag book ng flight humabol lang talaga kami
"Wow,first time ko makasakay ng eroplano mga pre!!" si wayne habang iniikot ang mata sa loob ng eroplano mula kanina na nasa labas palang kami hanggang ngayon na nasa ere na kami at tinatapik si leigh na katabi nya at iritang irita na sakanya
"Yah!this is your first time so behave!" sabi sakanya ni leigh
"Jeuwel?palit tayo upuan jan ako sa tabi ng bintana" baling saakin ni wayne
"Ayoko nga!" angal ko kasi hindi ako sanay na hindi window seat ang upuan ko everytime na aalis kami kasama ang pamilya. Kami ni kuya symon ang laging nagtatalo sa window seat
"Dali na jeu,mag p-picture ako pang story lang sa messenger" sabi nya
"Ako nalang picture-an mo" sabi ko at nag peace sign pa,Pinicture-an nya naman ako at ilalagay nya daw sa messenger story nya iyon.
Habang abala sya sa ginagawa ay nilingon ko si seb na nakapikit at may nakasalpak na Earphone sa tenga nito,si leigh din ay may headphone kaya kinuha ko ang headphone sa bag ko at sinuot din iyon at nakinig ng LANY music.
Buong byahe namin na 1hour and 30mins ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana pinapanood ko ang mga ilaw sa baba at mga bituin at buwan sa itaas. Apaka ganda ng buwan.
"Welcome to cebu!" sabi ni kuya LJ,pagkababa namin ng eroplano
"Nasan si kuya symon?" tanong ko kay kuya LJ
"Ahh nanjan na yun sa labas sya magsusundo satin eh,tara na?" sabi nya atsaka kinuha namin ang kanya kanyang maleta at naglakad palabas
Malayo palang ay nakita ko na si kuya naka sandal sya sa innova nyang kulay pula, may sasakyan pala tong lalaking to dito?
"Kuya symon!!!" sabi ko at tumakbo sakanya papalapit
"Jeuwel!" sabi nya at sinalubong nya ako ng yakap "Kamusta?sorry hindi nagpaalam sayo si kuya ha?biglaan kasi eh"
"Ok lang sanay naman ako, tsaka andun naman yung tatlong kupal." sabi ko
"Namiss kita agad baby girl!" sabi nya saakin
"Manahimik ka nga sa kaka baby girl mo dyan" nag taray na sabi ko, tumawa naman sya at hinalikan ako sa noo tsaka ginulo ang buhok ko
"Nasan ang gamit mo?" tanong nya at lumingon ako kila wayne na palapit na din at si leigh may hatak hatak ng maleta ko
Lumapit si kuya para kunin ang maleta ko at sya na magbitbit nito
"H'wag ka ngang tatakbo kapag alam mong may dala ka tsk" sabi ni leigh saakin. sungit
Nakipag fist bump sila kay kuya atsaka niyaya na kami sumakay ng sasakyan parang ganon ulit ang set up si kuya ang driver nasa harap si kuya LJ katabi ni kuya,Kami ni leigh nasa pangalawang upuan at si wayne at seb nasa likod at ang mga bagahe namin ay katabi nila.
"Kumain na ba kayo? Mag 12 na." tanong saamin ni kuya habang nag da-drive
"Before umalis ng bahay" sagot ko
"Baka kung ano ano nanaman pinag kakain mo jeuwel khazandra ha!!" sabi ni kuya
"Ano ngayon Symon Clark?" sabi ko sakanya, kaya biglang preno nya sa sasakyan para lang lingunin ako.
"Ano kamo?" medyo pikon na tanong nya
"Wala, mag drive ka nalang dyan at nagugutom na ako kako" eka ko