CHAPTER 9

2 0 0
                                    

"Leigh! Dito ko lagay sa cabinet mo gamit ko ha? Occupied na ng gamit nila wayne at seb yung isang cabinet eh " sabi ko kay leigh, tumango naman sya atsaka nag ayos na din ng gamit.

Apat kami sa iisang room pero tig iisa kami ng bed, wala na daw kasi nakuha si kuya na rooms punuan daw kasi ngayon at karamihan pa daw sa nag check in eh mga guest nila sa event tomorrow. Wala naman na saming apat kung mag stay kami sa iisang room, usually namin ginagawa yun kapag nag oovernight sa bahay namin.

"Jeu, may dala kang toothpaste? Nakalimutan ko magdala ng sakin" sabi ni wayne na nasa cr pa at naliligo.

"Oh!" Abot ko kay seb para iabot nya kay wayne "Bilisan nyo gaiz, nagugutom na ako huhuhu" sabi ko pa kasi inuna namin mag ayos ng gamit bago kumain para mamaya eh papahinga nalang kami.

"Pinag manadali mo kami eh ikaw nga wala pa sa kalahati ng ginagawa mo" sabi ni leigh

"Pshh!" singhal ko " gutom na nga po kasi ako duh "

" tara na nga kumain na muna " si kuya na kakapasok lang sa room namin

"Sakto gutom na ako" si kuya LJ

"Wala kang order dito!" sigaw sakanya ni kuya

"Symon naman" si kuya LJ na napapakamot pa ng ulo

"Bisita ka?pinabayaan mo nga si jeuwel na ipitin ng mga babae don sa elevator" sabi sakanya ni kuya

"Malay ko ba akala ko kasi nasa kabilang gilid mo sya ehh sorry na hahahaahahah tsaka ginago nga ni jeu yung mga yon eh hahahaah" si kuya LJ

"Ewan ko sayo!" at inihanda na ni kuya ang mga inorder namin kanina para maka kain na kami.

Pagkaupo namin sa lamesa ay nagdasal muna kami as usual andito si wayne kaya hindi pwede mawala any pagdadasal bago kumain.

"Pagkatapos nyo kumain tapusin nyo na agad yang pag liligpit nyo para makapag pahinga na kayo" sabi ni kuya

"Doon ako sa dulong kama" sabi ko kaagad para hindi na ako agawan ng apat na kupal

"Dun ako sa kama na tabi ni jeuwel" si leigh "Dahil ayokong katabi kayong dalawa apaka ingay at apaka gulo nyo" dagdag nya pa na tinutukoy sila seb at wayne.

"Halos magkakatabi lang rin naman kayo " sabi ni kuya

"Iba ang ingay ng mga yan sa kwarto kuya sy, kung alam mo lang." si leigh na ikinatawa ni kuya ng mahina

Tinignan ko yung dalawa at ayan nanaman sila na parang hindi magkakilala kung kumain, walang pansinan at tuloy tuloy ang kain. Akala mo ginugutom eh

-
-

"Nabusog ako, grabe!" sabi ni wayne

"Paanong hindi ka mabubusog eh apaka dami mong inorder" sabi naman ni leigh

"Gutom na gutom kasi ako kanina, parang napaka haba ng byahe natin"

"Ah jeu, malapit na pala 18th birthday mo, what's your plan?" tanong sakin ni kuya habang kumakain kami dessert na binili nila sa convenient store kanina na ice cream

"Wala pa akong idea to be honest hahaha" sagot ko

"You planning to have a party ba?" he asked again

"Siguro, pwede naman. Kung ano mapag usapan or plan din nila mom ok ako dun"

"Ok, sabihin ko sakanila umuwi kapag mag pplan na for your debut"

" Next next month na ang debut mo jeu, kaya pa ba habulin para sa preparations?" baling sakin ni leigh

"Diko alam eh, siguro kaya naman simple lang din naman gusto ko kung sakali" sabi ko atsaka sabay sabay na kami natapos sa dessert na ice cream.

Nagsipag tayuan na kami para makapag ligpit at tumambay muna kami sa veranda na harap ng dagat, ang sarap kasi pag masdan ng dagat kahit gabi ang payapa nyang tignan wala kang makikitang iba kundi ang repleksyon ng buwan sa tubig habang gumagalaw ito.

Nakatayo ako sa veranda at tumabi saakin si leigh. Nakita ko nalang si wayne at seb na naghaharutan sa sala, sila kuya symon at lj naman ay may kausap sa labas ng hotel room namin.

"You want me to help you?para sa debut mo?" leigh asked kaya napatingin ako sakanya

"Huh?what help? Marunong ka mag plan for debut?" tanong ko sakanya habang tumatawa

"Tsk, no! I mean i have my contacts sa mga event organizers and all baka gusto mo, at makatulong din mapabilis ang preparation sa debut mo" sabi nya pa

"Ahh hahaha akala ko ikaw mag organize eh hahaha change career yarn? From Engineer to Event Organizer?" biro ko pa sakanya kaya tinarayan nya ako

"Tsk" singhal nya

"Hahahaha wag ka ma pressure sa debut ko kasi hindi naman ikaw ang mag susuot ng gown no! Hahahaha tsaka na natin pag usapan yan pag balik manila and kapag nakausap ko na rin sila mom. Sa ngayon andito tayo para mag enjoy" sabi ko pa sakanya

Lumalalim na masyado ang gabi kaya tinawag na namin yung dalawang nagaagawan sa remote ng tv.

"Pahinga na kayo, bukas sabay sabay tayo breakfast and lunch." sabi ni kuya symon

"What time the event ba?" tanong ni leigh

"After lunch pupunta na tayo dun, need ko kasi mauna dun" sagot nya "So gaiz, goodnight na. Sleepwell sainyo" sabi nya sabay halik sa noo ko atsaka lumabas sa pinto.

Nagkanya kanya naman kaming higa sa kama, ako ang nasa pinaka sulok na katabi na halos ang pader, sa tabing kama ko naman ay si leigh at sa katapat na kama namin ay si wayne at seb. Ok na rin yung ganitong set up kasi pag yung dalawa pa ang nakatabi ko ay malamang 5am na gising pa ako sa ingay nila maghilik dalawa, nagpa paligsahan sila palakasan humilik. Si leigh kasi pagka higa ay tulog agad at bihira din humilik kapag pagod lang sya atsaka mahinhin humilik hahahaha konti nalang maiisip kong bading to eh, sobrang pino nya kumilos at maselan din.

Pagkahiga ko ay nag cellphone muna ako para pampa antok lalo, nag tingin tingin muna ako ng stories at nadaanan ko stories ni wayne na picture ko sa tabi ng bintana ng eroplano may caption na " epal sya " tibay at tinag pa talaga ako tsk, ang sunod naman na dumaan ay kay seb na video na papasok kami sa eroplano at may caption na "kayo nanaman kasama ko? pwedeng iba naman?joke" Kapal talaga ng mukha nito. Pinaka last na nadaanan ng story ko ay kay leigh na picture lang ng pagkain namin kanina at clinick ko ulit yung story nya kasi dalawa yun at lumabas yung picture na ako ata habang nakatalikod sa camera at nakaharap sa dagat at buwan may caption sya na "Luna🌙 @jejeuu" naka tag din ako doon. Alam nya kasi na paborito ko ang buwan, kada bago ako matulog ay tinitignan ko ang buwan sa veranda ng kwarto ko doon sa bahay.

I don't know pero kapag tinitignan ko ang buwan...im at peace.

HER FINAL ECLIPSEWhere stories live. Discover now