Sabado ngayon kaya late na ako nagising. Dumiretso ako sa CR at nag hilamos at toothbrush habang iniisip parin yung sinabi ni leigh kagabi sa chat.
Hindi na ako nakapag reply dahil natabunan na ng tanong ang isip ko at kaba hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag iisip.
Pagkatapos ko gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako para mag breakfast since 9am pa lang naman. Pero pagkababa ko ay nakita ko yung tatlong kupal sa living area namin at mga busy sa paglalaro ng ps4.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila na nakasalubong ang kilay
"Goodmorning jeu!" si wayne at seb
"hmm morning, ano nga ginagawa nyo dito? Ang aga ah. Tsaka weekend ngayon" sabi ko pa
"Wala lang, boring kasi sa mga bahay namin kaya dito nalang muna kami" si seb at tinarayan ko lang sila tsaka ako pumasok sa dining at nakita kong hinahanda ng mga maids ang pagkain ko
"Where's mom ate?" tanong ko sa maid namin
"Ah mom jeuwel may meeting daw po sila sa taguig, halos kaka alis lang po nila bago kayo bumaba." sabi ni ate
"Eh itong mga to? Anong oras pumunta dito?" tanong ko sa mga kupal na nasa living area
"Ah halos kakarating lang rin po, naabutan din po nila ang mommy nyo bago umalis" sabi niya atsaka ko tinanguan. Malamang kakain tong mga to kaya lumabas ako sa dining area para puntahan sila
"Tara kain" sabi ko at mula kanina pagbaba ko ay hindi ko pinasadahan ng tingin o kahit sulyap si leigh, pero ramdam ko na sakin sya nakatingin palagi at parang ngumingisi pa.
"Yown! Akala ko hindi mo na kami yayayain eh" si wayne
"Bakit papayag ka ba?" tanong ko
"Hindi rin hahahaha"
Dumiretso na kami lahat sa dining atsaka nagsipag upo. Nasa harap ko ngayon si leigh at seb. Katabi ko naman tong si wayne, sinadya ko kasing hindi tabihan si leigh dahil naiilang parin ako sa sinabi nya.
"Oh let's pray na" si wayne at pinangunahan nya ang pag dadasal.
Habang kumakain kami ay nag kukwentuhan ang mga kasama ko pero ako ay tahimik lang, nararanadaman ko minsan na pinapasadahan ako ng tingin ni leigh pero inaalis nya rin agad iyon.
Natapos na kaming kumain at tumayo na ako para ligpitin ang mga pinagkainan namin dahil ang mga maids ay may iba nang ginagawa.
"Let me help you" prisinta ni leigh
"Ah hindi na leigh, dun na kayo sa living area ako na dito" sabi ko
"Madami tong bibitbitin mo, ako na sa iba kesa magpabalik balik ka pa" sabi nya at nauna pa saakin dalhin sa dirty kitchen ang mga pinagkainan namin.
"Thanks, sige na punta kana dun. Susunod ako" sabi ko atska dumiretso sa mismong sink para ilapag ang mga hugasin
"Ahh jeu?" si leigh kaya nagulat ako kasi akala ko naglakad na sya paalis
"Hmm?" tugon ko habang naghuhugas ng kamay ko
"Yung kagabi..." sabi nya atsaka huminto " i really mean it" sabi nya atsaka ko naramdaman ang paglakad nya palayo sa dirty kitchen.
Napahinto ako sa paghinga at para akong namutla sa sinabi nya, napalingon ako sa kinatatayuan nya kanina pero wala na talaga sya doon.
WTF?! Leigh??
Grrr!!
Hindi maalis ang panginginig ng kamay ko pero dumiretso na ako sa living area at naabutan ko silang tatlo na naglalaro na. Tinignan ko si leigh at tumingin din sya saakin atsaka ngumiti