CHAPTER 15

1 0 0
                                    

"Mall tayo mamayaaaaaa!!" sigaw ni wayne habang naglalakad kami pabalik sa room namin.

"Ano naman gagawin natin dun?" si seb

"Laro tayo sayo timezone hahaha"

"Oo nga nakakamiss na maglaro don no?ano jeu?leigh? G?"

"G ako dyan, mag car nalang tayo" si leigh

"Jeu?" tawag nilang tatlo sakin kasi hindi ko sila kinikibo

"Ano ahh ano may gagawin ako oo may gagawin ako pala" palusot ko, ayoko lang talaga sumama huhuhu bagabag malala parin ang actions ni leigh

"Ano gagawin mo? Gusto mo tulungan ka nalang namin" si seb

"Ano kaya ko na to hehe" sabi ko

"Sasama yan si jeu, hindi pwedeng hindi kasama yan. Wag tayo tutuloy pag hindi sya kasama" si wayne

"Hala, sige na tumuloy na kayo haha boys out kayo ganon" sabi ko pa

"Hindi na, gusto namin kasama ka" si wayne na parang nag tatampo pa

"Ano k-kasi eh"

"Ok lang jeu, naiintindihan namin" nagtatampo kunyari na ani ni wayne

" huwag mo na ako artehan dyan wayne, oo na sasama na ako" sabi ko, siguro tama naman to no? para hindi rin nila mahalata na may iniiwasan ako sakanila hehehe tutal gusto ko na din talaga mag mall

"Yown! dun na ba tayo diretso?" Sabi ni seb

"Ayaw nyo magpalit ng damit?" si leigh

"Sabi ko nga haha"

"So paano? Sunduin mo nalang kami leigh?" seb

"Oo, una ko ng daanan si jeu tas kayo along the way naman papunta sa mall mga bahay nyo eh" si leigh, hindi na ako dumipensa kasi baka kung ano na isipin nila at kanina pa ako tanggi ng tanggi sakanila.

Nagsimula agad ang afternoon class namin kaya mabilis lang rin ang oras at nag uwian na rin kami.

"Ahh leigh, hindi kami sasabay sayo ni seb kasi may dadaanan lang kami dyan sa kanto" si wayne

"Okay" si leigh "Let's go?" aya saakin ni leigh kaya napatingin ako sakanya, anong nilelet's go nito??

"Excuse me" si leigh kasi nag ring ang cellphone nya "Yeah, sure. Of course i will. Mag mall kami mamaya. Ok bye you too" at binaba ang linya. Hindi ko namalayan na nakatingin ako skanya "Si kuya symon, ipinakisuyo nya na ihatid ka haha kahit di naman nya sabihin eh gagawin ko talaga" sabi nya kaya tinarayan ko sya.

Dumiretso na kami sa pinag parkan ng kotse nya atsaka sumakay na para makauwi na kami agad.

"Ahh jeu, ano gusto mong gift sa birthday mo?" basag nya sa katahimikan namin

"Kahit ano lang, o kahit nga wala na eh basta buo parin tayong magkakaibigan ok na ako dun" sabi ko sakanya. Napuno nanaman ng katahimikan ang byahe namin na hindi naman na bago sakin hahaha kasi tahimik talaga si leigh as in.

Huminto yung sasakyan nya sa tapat ng bahay namin.

"Thanks leigh, see you later. Drive safely."  sabi ko at bababa na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko kaya napahinto ako ang napatingin sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

"Susunduin kita mamaya ha, hintayin mo ako" sabi nya kaya tumango ako at lumabas na ng sasakyan nya. Walang lingunan at pumasok ako sa gate namin, narinig ko pa sya na bumusina ng tatlong beses pero nagpatuloy na ako sa pagpasok ng bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay binagsak ko ang sarili ko sa kama ko...

Ano ba tong nararamdaman ko...
Iba nanaman talaga
Bakit ganito?

Leighsander Dela fuente...

Anong meron?

Tumunog ang cellphone ko, kaya kinuha ko sa bulsa ng palda ko at tinignan 'yon. Nagchat na pala sila na nag p-prepare na sila kaya tumayo na ako atsaka pumasok sa cr para maligo at magbihis.

Paglabas ko ay kumatok na saakin si mom. "Baby? Andyan na si leigh sa baba, sabi nya may lakad daw kayong apat?" si mom

"Opo mom, mag mall lang po para makapag refresh hehe" sabi ko

"Okay sige, bumaba kana at naghihintay na sa baba si leigh"

"Opo sunod na ako"

Inayos ko lang yung buhok ko at kinuha ang dadalhin kong shoulder bag at nilagay dun ang wallet at cellphone ko. Atsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba.

Naabutan ko si leigh sa sala na nakaupo at nakatutok sa cellphone halatang may ka chat.

"Ehem" sabi ko kaya nabaling saakin ang atensyon nya

"Sorry, ang kulit kasi nila wayne eh. Nagmamadali masyado" sabi nya atsaka ibinaba ang cellphone at ibinulsa nya na.

"Oh? Edi tara na? Hahaha hindi mapapakali ang pwet ng mga yan excited na excited sila eh" sabi ko at nagpaalam muna kay mom sa kusina

"Dito ba kayo mag dinner?" tanong ni mom samin ni leigh kasi hinatid nya kami sa gate.

"Ah tita hindi po, baka po doon na kami abutan ng dinner " si leigh

"Ok sige, mag iingat kayo ha? Sa pag dadrive anak leigh?ingat ha" sabi ni mom at humalik na ako sa pisngi nya.

Pumasok na ako sa kotse ni leigh. Nagulat ako sa biglaang paglapit nya saakin at may inabot sa gilid ko na seat belt pala.

"Kailangan mo mag seat belt, kahit magaling na ako mag drive eh kailangan parin nyan hahaha safety first " inirapan ko lang sya

"Hanep bilib sa sarili boss" sabi ko

"Syempre haha" atsaka nya pina andar nya na ang sasakyan.

Nakatingin lang ako sa labas habang pinapanood ang mga dinadaanan namin, parang ang bagal ng byahe namin.

"You want to play music?" tanong ni leigh at tumango ako jaya binuksan nya ang player nya

Nagulat ako sa pagbukas ng player ay yung kanta na "Bestfriend by Jason Chen" kaya napatingin ako sa player at maski si leigh at napatingin sya sabay tinginan namin.

"Wtf! HAHAHAHA " sabi ni leigh

"Inlove with a bestfriend huh" biro ko sakanya kahit medyo akward

"Bawal ba?hahahaha" sabi nya na tumawa na maganda sa pandinig para saakin.

Napatingin ako sakanya at nag isip ng malalim, Pinapanood ko bawat pikit ng mata nya at galaw ng dibdib nya dahil sa paghinga at sa adams apple nya na gumagalaw dahil sa paglunok lunok nya haha halatang kinakabahan sya sa itinanong nya saakin.

"Hindi naman" sagot ko habang nakatingin parin ako sakanya, halatang naging balisa sya sa sagot ko at tumingin sya saakin.

"Ang gwapo mo" dagdag ko pa kaya napahinto sya bigla at tumingin saakin ng matagal.

"...kasi maganda ka" sabi nya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Ako naman ang nabalisa....

HER FINAL ECLIPSEWhere stories live. Discover now