CHAPTER 14

0 0 0
                                    

"Bakit mukha ka naman pagod na pagod jeu, tumakbo kaba papasok?" si seb habang nanditi kami sa bench kasi maaga pa naman para sa first class namin. Usually ay late ako pumapasok pero ngayon ay inagahan ko talaga pumasok para hindi ako masundo ni leigh.

"Mukha pang puyat na puyat, tignan mo nga yang eyebags mo ang lusog" si wayne. Wala pa si leigh dito sa school kasi nga maaga ako pumasok at malamang dumaan pa yun dun sa bahay

"Wala lang" sagot ko sakanila habang malalim parin ang iniisip ko, iba kasi talaga ang dating saakin ng mga kilos at sinabi ni leigh.

Nandito lang kami sa bench buong oras na hindi pa nag sstart ang first class namin dahil nag i-ML nanaman tong dalawang to habang ako nag lalakbay talaga ang isip ko sa kung saan.

"Goodmorning" biglang may bumulong sa tenga ko kaya napa igtad ako at muntik ng mahulog sa kinauupuan pero nahawakan agad ni leigh ang bewang ko para hindi ako tuluyang malaglag.

"Nagulat ba kita? Sorry" si leigh

"No, its ok" sabi ko sakanya at iniwas agad ang tingin sakanya, umupo sya sa tabi ko kaya napaurong ako ng kaonti na ikinapagtaka ng mukha nyang napatingin saakin. Pero nag iwas lang ako ng tingin at tumingin sa dalawang nasa harap kong busy parin sa kaka ML. Shutames!!

"Aga mo ngayon ah, bakit hindi mo ako hinintay sainyo?" bulong nanaman nya habang hawak ang cellphone nya na ang wallpaper ay picture naming apat magkakaibigan.

"Ah wala hehehe trip ko lang pumasok ng maaga, maiba naman diba haha lagi kasi ako late eh haha" sabi ko

"Oh andyan ka na pala leigh, dalawa mo sasakyan mo?" si seb

"Yeah, may susunduin kasi sana ako... Ang kaso mukhang tinakasan ako" sabi nya at pahapyaw na tumingin saakin kaya nag iwas ako ng tingin.

Iba na talaga!!hindi na ito si leigh na kaibigan ko promise!!!Huhuhuhu anong gagawin ko? bakit ganito? Ano meron sakanya ngayon?? Gusto nya ba ako? Huhuhu magkaibigan kamiiii!. Paano kapag gusto nya talaga ako? Ano gagawin ko? Kaibigan ko sya shet! Ayoko masira ang pagkakaibigan namin para lang sa ganon. Tama hindi pwede ayoko masira to.

"HOY JEUWELL KHAZANDRA!!!!!!!" malakas na sigaw ni wayne

"A-ano b-ba!! Bakit?!" sabi ko

"Ano dyan ka nalang? Hindi ka mag aaral? Tumunog na yung bell pero ikaw dyan daig mo pa balon sa sobrang lalim ng iniisip mo" si seb

"N-narinig ko no!" laban ko pa sabay tingin kay leigh na nakatingin din sakin

"Let's go jeu, mali-late na tayo" si leigh sabay lapit saakin at nauna kunin ang bag ko, na dati naman na nyang ginagawa.

"A-ako na! Hehehe" sabi ko kay leigh tsaka kinuha ang bag ko sakanya at naunang maglakad sakanilang tatlo. Alam kong pinag usapan pa nila ako pero hindi ko na pinansin yun nag diretso lang ako hanggang sa room namin atsaka naupo sa pwesto kong kahilera lang rin nila.

"May sakit kaba jeu?" sabi ni seb, umiling ako.

"Natatae?" si wayne, kaya nilingon ko sya at binigyan ng nagtatanong na tingin

"Hindi no!" sabi ko

"May tinatakasang utang?" seb, kaya umiling ako

"Nakita yung dating manliligaw na binasted kaya nag madali?" si wayne " oh kaya baka na natatae nga talaga HAHAHAHAHAHAHHAHAHA"

"she's confused" sagot ni leigh at umupo na agad sa tabi ko dahil nasa labas na yung teacher namin

"Im what?!" tanong ko sakanya, pero tinuro nya lang yung harapan kasi nasa loob na pala ang teacher namin.

—discuss—

—discuss—

—discuss—

"Ok class, may quiz tayo tomorrow. Mag review kayo, class dismissed." at lumabas na si ma'am sa room.

"Tara canteen!" si seb

"Let's gooo!" wayne

Nagsutayuan na kami at naunang maglakad yung dalawang kupal at kami naman ni leigh sa likod.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong sakin ni leigh. Letcheng to nagtanong pa talaga ampota

"Hindi naman ah" sabi ko

"Oo kaya mula pa kanina"

"Syempre may klase tayo kanina" sagot ko at hindi na sya umimik pa, naghanap agad kami ng oorderin.

"Spaghetti and Chicken saakin ate tapos four season na juice." sabi ko kay ate sa canteen atsaka mag lalabas na sana ako ng pera ng biglang may nag abot ng cash kay ate mula sa likod ko. Alam kong si Leigh yon dahil sa amoy nya kaya hindi ko na nilingon pa.

"Pakisama nalang din tong order ko ate" dagdag nya at sinabi ang order nya

Pabalik na kami sa table ng may nakaupong babae sa mismong upuan ko, nakikipag kwentuhan kila wayne at seb. Hindi ko sya kilala pero alam kong dito rin sya nag aaral at maganda sya.

"Excuse me" sabi ko at inilapag ang pagkain ko sa harap mismo ng babae.

"Thanks, kaka kain ko lang" sabi nya kaya napairap ako

"Hindi kita inaalok tss"

"Then why you put that food in front of me?" mataray na tanong nya

"Then why are you sitting in my chair?" taas kilay na tanong ko din, halata din ang pagka pahiya sa mukha nya.

"Ah jeu, dito ka nalang sa chair ko. Kukuha nalang ako ng bagong chair" si leigh pero hindi ko sya pinansin at nakatingin lang ako dun sa babae

"No leigh, this is my chair at dito ako uupo"

"Paano pag ayoko umalis dito?" matary na sabi nanaman ng babae

"Ayaw mo?Gusto mo sapilitan?" sabi ko sabay halukipkip

"Oww, takot ako" sabi nya "Tsaka si leigh ang pinunta ko dito hindi ikaw"

"Edi dun ka sa upuan ni leigh" sabi ko sakanya

"A-ah miss? If pwede umalis ka na dyan sa upuan ni jeu? Kakain pa kasi kami" si wayne na sumabat na

"Yeah, may table ka naman ata? Bakit nandito ka?" si leigh

"For you" sabi nya kay leigh at kumindat kaya nagdabog ako, pabagsak kong nilapag ang wallet at phone ko

"Pwede ba? Nawawalan ako ng gana sayo, kaya habang hindi pa totally nawawala gana ko lumayas kana?" iritang sabi ko na

"Sige na miss" si seb

"Tss" sabi nito ni gurl sabay padabog na tumayo at inirapan ako bago umalis

"Tapang ni jeu" si wayne atsaka ako umupo don sa inalisan nung talatitat na yon, susubo na sana ako ng pagkain nang bumulong nanaman sakin si leigh.

"That's my girl" nagtaasan ang balahibo ko at hindi na makagalaw...

girl...im...his...girl...? kelan pa?????

HER FINAL ECLIPSEWhere stories live. Discover now