CHAPTER 3

13 6 0
                                    

"Jeuwel 5 man tayo! Online si kuya symon!"sigaw sakin ni wayne

"Yoko tinatamad ako" sagot ko sakanila

"Attention guys! Wala si Miss. Mondia kaya wala tayong klase. Wala rin syang iniwan na gagawin" si Liza ang nag annouce dahil sya ang class president namin. Pagtapos nya mag announce ay tumayo na ako at lumabas ng room, gusto ko mag pahangin ang sakit ng puson ko huhuhu.

Umupo ako sa isa sa mga bench at niyuko ang ulo ko para sana maka idlip ako dahil ang sakit ng ulo ko at puson, ayoko sa room matulog dahil malamang sa malamang hindi rin ako makakatulog dun dahil magulo sila.

"Jeu?" si seb "bat bigla ka nawala?di mo manlang kami niyaya" dagdag nya

"Sakit puson ko eh" sabi ko habang nakayuko parin
Naramdaman kong may tumabi saakin pero hindi ko na tinuunan ng pansin yun dahil isa lang sakanila iyon malamang.

"What do you want?" bulong saakin ni leigh kaya napa angat ang ulo ko

"Bakit?" tanong ko sakanya

"Hindi ka naka kain kaninang lunch, kaya tinatanong kita anong gusto mo" ani niya

"Kahit ano" walang ganang sagot ko at yumuko ulit

"Bilhan natin ng ampalaya yan,tutal kahit ano daw eh hahaha" biro ni wayne

"Gusto mo sayo ko pakain yon?" mataray na sagot ko kaya nagtawanan sila "Gusto ko mainit na sabaw nalang sinigang na baboy or nilagang baka nalang" sabi ko kay leigh

"Okay" ani nya at iniabot kayo wayne ang pera, si wayne ang bibili

"Ice cream sakin tol ha?hehehe" sabi ni wayne at umalis na

"Gusto ko din mangga" bulong ko sa sarili ko dahil nakita kong may dumaan na nagtitinda ng mangga sa labas ng gate.

"What?" si leigh at sinundan ang tinitignan ko

"Mangga gusto ko kako" ulit ko
"I want to eat mangga" ulit ko ulit.

"Bawal ka nyan red days mo diba?" yes bawal ako kumain ng mangga pag red days ko kasi nangangati ako grrrr

"Isang beses lang naman"

"Ok wait mo kami ni seb dito." sagot niya

"Ok" sagot ko "sama nalang ako kaya" sabay tayo din

"Umupo ka jan" turo nya sa upuan "hintayin mo si wayne dito, baka pagdating nun at nakitang walang tao dito eh sya ang kumain ng pagkain mo"

"Kingina nung dalawang kampi buhat na buhat amp" sabi ni seb na nag ML pala

"Samahan mo'ko seb" ani ni leigh

"Saan tayo?" sabi naman ni seb at tumayo, hindi na sya sinagot ni leigh at dumiretso nalang ito palabas ng campus. Pero kinausap muna nila si kuyang guard.

"Oh asan sila?" si wayne na kakarating lang at dala ang isang tray habang may kasamang waiter na may dala rin na dalawang tray.

Napatingin naman ako sakanya at nginitian nya lang rin ako "Hindi pa rin kami kumakain jeu hahahaha"
At inilapag nila sa harap ko ang isang mangkok ng sinigang na baboy at nilagang baka, Chicken Adobo, Buttered Shrimp at Chopseuy. May kasama rin na Ice cream at Leche Flan.

"Here" nagulat ako ng iabot ni leigh yung plastic ng 5pcs na mangga tapos naka plastic na bagoong at asin grrr,tiningnan ko itsura ni leigh at salubong ang kilay nya, samin lahat talaga ay sya ang mainitin ang ulo

"Mag punas ka ng pawis mo,nakakapanibago ka naman" sabi ko sakanya at at iniabot ang panyo ko sakanya.

"Gago dre, nakakabigla yung ginawa mong pag sigaw kay kuyang tindero kanina"  sabi ni seb "hingi ka nalang pasensya mukhang natakot din kanina si manong sayo." sabi ulit ni seb ,nanahimik naman si leigh habang nagpupunas ng pawis

"Excuse me" sabi ni leigh sa dumaan na guard

"Yes sir?" sagot nung guard na nag iikot sa loob ng campus

"Yung matandang nag titinda ng mangga doon sa labas, pakisabi na pumunta sa DF Company sa Saturday" sabi nito at iniabot ang calling card nya.

"Noted sir, abot ko na rin po ito" sabi nung guard at umalis na ito para lumabas.

"Ano ba nangyari?" sabay na tanong namin ni wayne

"Nasigawan kasi ni leigh kanina si manong na nagtitinda kasi mabagal daw kumilos eh syempre matanda na at narami ang bumibili" paliwanag ni seb

"Luh, bakit ginanon mo?" sabi ko naman kay leigh "Abno ka ba?" tanong ko ulit na nagpigil ng tawa yung dalawa habang itong si leigh ay nakataas ang kilay sakin.

Hindi na sya sumagot at nag umpisa na kami kumain ng mga inorder ni wayne. Ang huli ko g kinain ay mangga na may bagoong habang paakyat kami sa room namin. May hand sanitizer naman ako yun nalang muna ipang lilinis ko ng kamay ko, tinatamad na ako pumunta sa hugasan ng kamay eh.

"Paano ka babawi kay manong dre?"  tanong ni seb habang nag lalakad kami na halatang bothered sa nangyari kanina.

"None of your business sebastian!"

"Chill, fine! Relax hahaha daig mo pa si jeu na may period sa init ng ulo mo"

"Ako pag may period lang, yan si leigh in born na kasungitan at init ng ulo nyan hahahaha" sabat ko

"Shut up and eat your fucking mangga jeuwel" sagot sakin ni leigh na ikinatawa naman namin lahat, natahimik kami habang naglalakad patungo sa room dahil akala namin ay may prof na sa loob.

Pero wala yung prof namin kaya umupo muna kami at ako ay nagpatuloy sa pag kain at yung tatlo naman ay naglabas na nang cellphone.

"Sa ML mo ilaban yang kasungitan mo labanan mo'ko leigh"  panunukso naman ni wayne

"Pass, madaya ka. pag sinabi walang mag pupush eh nag pupush ka pa rin" sabi naman ni leigh na ikinatawa naman ni seb hahahahha

"Uh,gaiz may ML tournament o?" sabi ko,nabasa ko sa newsfeed ko habang kumakain ng mangga

"Oh saan?" tanong ni seb

"Makati HAHAHAHAHAAH"

"Awit ang layo hahaha" sabi ni seb at tinuon na ulit ang sarili sa paglalaro at ako naman ay binilisan ko ang pagkain ko atsaka ako tumayo papunta sa likod na bahagi ng room namin atsaka ako nag buhos ng hand sanitizer sa kamay ko.

Pagbalik ko sa table ay may tubig na kung kanino man sakanilang tatlo yon wala akong pake basta ininuman ko atsaka ulit ako tumutok sa cellphone.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon