CHAPTER 10

2 0 0
                                    

"Goodmorning cebu!!!!" malakas na sigaw ni wayne, kaya nagising ako. Maling mali talaga na kasama ko sa kwarto tong taong to, dapat pala dun nalang ako kila kuya symon natulog.

"Ang ingay mo wayne kahit kelan ka talaga" sabi ko sakanya atsaka bumangon at chineck ang oras sa cellphone ko. 7:19 AM palang, grabe ang energy nito ni wayne.

"Maaga tayo gumising para makalangoy muna tayo!! Bilisan nyo na dyan hahahaha" sabi nya pa atskaa lumabas ng kwarto

Nilibot ko ang paningin ko at ako nalang pala ang tulog kanina kasi yung dalawa pa naming kasama dito sa kwarto eh wala na. Napatingin ako sa bumukas na pinto ng cr at nilabas nun si leigh na halatang kakaligo lang dahil nag pupunas pa ng buhok nyang basa.

"Goodmorning jeu, let me guess?si wayne din ang gumising sayo?" tanong nya

"Tss, sino pa nga ba eh daig pa alarm clock nyang taong yan." reklamo ko atsaka ako tumayo at dumiretso sa cr. Ibinabad ko muna ang sarili ko sa agos ng shower para magising lalo ang dugo ko, tsaka ako nagsimula magshampoo at sabon ng katawan ko.

Pagtapos ko maligo ay lumabas na rin ako at napansin ko na halos lahat sila ay nasa living area na ng kwartong to at tila ako nalang ang hinihintay nila.

"Breakfast muna tayo" sabi ni kuya symon "Lets go na guys" at nagsi sunod na kami sakanya pababa ng hotel, dito kami pumasok sa isang resto.

Sinerve samin ng waiter ang iba't ibang klase ng breakfast mula sa bread, coffee, milk and rice meals like tapsilog. Kinuha naman agad ni wayne at seb ang tapsilog at hotsilog habang si leigh ay kumuha lang ng coffee at bread. Kumuha nalang rin ako ng Tapsilog at bread atsaka orange juice.

"Dami naman nyan?" taas kilay na tanong ni kuya symon

"Pake?" sabi ko

"Ano kamo?" biglang sabi nya

"Kako kape, gusto ko pa ng kape" sagot ko at inabutan ako ni leigh ng kape at tinignan ko naman sya

"Leigh, wag mo na bigyan ng kape yan, gatas nalang" sabi ni kuya symon kaya pinalitan ni leigh yung inabot nya saakin. At nag simula na kaming lahat kumain, tinignan ko yung dalawa at halos mag paunahan sila sa pag ubos ng pagkain nila na akala mo may premyo ang unang makakaubos.

"Hoy mabulunan naman kayo!" sita sakanila ni leigh

"Hayaan mo sila para pag namatay ipaagos nalang natin sa dagat" gatong ko pa

"Nahiya naman kami sa plato mo jeu ha?baka gusto mo pa dagdagan yan" mataray na sabi ni seb sakin na ikinatawa naman ni kuya symon kaya sakanya kami napatingin

"Nagbabawi lang yan si jeuwel, pag uwi kasi maynila di na sya ulit makakakain ng ganyan back to gulay and fruits ulit sya hahahahaha" tawa pa nitong mokong na to tss

Inirapan ko lang sya at nag pa tuloy sa pagkain, hanggang sa natapos kaming lahat saktong 9am dahil puro kami kwentuhan sa hapag, kaya nagpahinga muna kami at tumungo sa labas ng resto at pinapanood ang mga taong naglalaro sa dagat, ang sasaya nila kitang kita sa mga mukha nila na masaya sila sa ambiance ng paligid.

"Jeu? Langoy ka?" Tanong sakin ni wayne

"Isda ba ako?" tanong ko sakanya pabalik kaya tinalikuran nya nalang ako

"Kahit kelan hindi matino kausap amputa" narinig ko pang bulong nya habang palayo na ikinatawa ko.

Naka kita ako ng upuan malapit sa pwesto ko kaya umupo muna ako don tsaka ulit nag ikot ikot ang mata ko finifeel ko ang simoy ng hangin, kahit kasi tirik ang araw eh hindi gaanong kainit hindi rin masakit sa balat ang tutok ng araw.

Habang nag mamasid ako sa paligid at inaappreciate ang nature ay may bigla nalang bumuhat sakin na tatlong lalaki "tangina ibaba nyo nga ako!!!" sigaw ko sa tatlong itlog na kasama ko

"HAHAHAHAHHAHAAHHAHA" tawanan lang nila habang bitbit parin ako "tinanong kita ng maayos kanina pa gago ka sumagot sakin ha hahahahaha" si wayne

"Tangina naman kasi para tanungin ako ng patangang tanong" iritang sabi ko atsaka nila ako hinagis sa tubig tangina ang alat ng tubig pwe!!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHA" tawanan nilang lahat kasama si kuya symon at kuya lj na sinamaan ko lang ng tingin, at talagang hinayaan lang ni kuya na ganituhin ako nitong tatlong kupal na to ha?

"Tanginanyo malunod sana kayo" sabi ko habang umaahon

"Maligo kana kasi, konting oras lang ilalagi nyo dito hindi mo pa sulitin" sabi ni kuya symon na tatawa tawa parin

"Wala akong dala pang ligo sa dagat kaya ayoko maligo" sabi ko at inirapan sya, titignan ko pa sana ng masama yung tatlong kupal kaso pag tingin ko eh mga nag eenjoy na sa dagat ang piste.

Hindi sa wala akong dalang swinsuit, ayoko lang talaga kasi patapos palang ang regla ko pang 3rd day ko palang ngayon kaya ayoko.

"Bakit ano ba dapat ipang ligo sa dagat?" tanong nya "kailangan ba laging naka swimsuit?yang suot mo pwede na yan kaya maligo kana" pag pilit nya saakin pero ayoko talaga kaya di ko sya pinakinggan.

Naupo lang ako sa buhanginan habang pinapanood yung tatlong kupal, nang makita nila akong nananahimik ay binasa nanaman ako ng mga leche kaya dumampot ako ng buhangin at binato sakanila yon.

"A-araaaaay!!!" narinig kong palahaw ng isa sakanila nang tignan ko ay si...

"L-leigh?" sabi ko at lumapit ako agad saknya para tignan sya. Pero ang mga kupal paglapit ko ay hinatak na ako papunta sa gitnang bahagi na sakto hanggang dibdib namin.

Tinignan ko si leigh na tumatawa sakin ang kupal "Kupal ka!" sabi ko sakanya at natawa naman sya "Masakit naman talaga" sabi nya

"Ulol, OA ka" sabi ko saknya atsaka sya tinarayan

"Natamaan talaga mata ko no, nabanlawan ko lang agad." paliwanag nya

"Kwento mo sa shark" sabi ko sakanya

"Asan ang shark?" tanong nya pa

"Baby shark doo doo doo" kanta pa nung dalawa

"Alis na nga aahon na ako" sabi ko skanila at hinayaan na nila ako, pagka ahon ko ay nagpatulo lang ako saglit tsaka ako umakyat sa room namin at naligo na ako at nagpalit ng damit.

Kinuha ko ang cellphone ko bago ako bumaba ulit, pagka baba ko ay nakita ko padin silang tatlo na nakalublob parin sa dagat. Ang titibay naman nitong mga bisugo na to.

Inilabas ko ang cellphone tsaka ko sila kinuhanan ng picture para ilagay sa fb story ko at tinag sila tskaa ko nilagyan ng caption na " Ang tatlong bisugo" malamang pag nakita nila to aawayin nila ako hahahaha

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon