CHAPTER 7

3 1 0
                                    

"Jeu?" nagising ako sa boses ni leigh

"Ohh??" sagot ko

"Bumangon ka na jan anong oras na papasok na tayo" sabi nya

"Oo sige,5minutes"

"Tsk! Bilisan mo dyan! hintayin ka namin sa baba kakain na tayo. Iiwan ka namin tamo"

"Oo na eto na maliligo na ako" sabi ko atsaka ako kumilos na at pumunta ng C.R  para maligo,binilisan ko ang kilos ko kasi baka malate kami pag labas ko ng C.R ay nag ayos na ako atsaka ako bumaba

"Kala ko aabutin ka pa hanggang mamayang 8am eh" si seb

"Gaga!HAHAHA" sabi ko tsaka tumingin sa wall clock at--- wtf?! 6:45 na myghad 7am first period namin kaya nagmadali na ako pumunta sa kusina atsaka umupo para kumain

"Kumain na kayo?" tanong ko sakanila

"Hindi pa sabay sabay nga tayo diba?" si wayne atsaka umupo na sa harap ko tsaka si seb si leigh naman ay umupo na sa tabi ko

"Mali-late na tayo" sabi ko sakanila

"Nanjan yung sasakyan namin ihahatid tayo" si leigh

"Buti nalang" sabi ko at nagtuloy tuloy na kami sa pagkain atsaka inayos ang sarili at nagpahatid na sa school

Pagdating namin sa school ay late na kami ng 10minutes at may nagtuturo na pala, kaya wala kami masyadong ganap tatlo nakinig lang kami at nag focus sa discussion ng teachers namin halos hindi din kami magkausap usap dahil don
-
-
-

"Review everything,we will have a graded recitation on monday.Class dismiss you may take your lunch" sabi ng teacher namin kaya dun lang kami nagka usap nila leigh

"Saan tayo kakain?" tanong ko sakanila

"Sa bench na lang" sagot ni wayne

"Tara na!" sigaw ko sakanila kasi nagugutom na ako konti lang kinain ko sa bahay kanina kasi nagmamadali kami

"Ah seb nga pala,ni lock nyo ba yung pinto sa backdoor kagabi?" tanong ko

"Oo, nakay manang na yung susi. Nagising ata namin sya kagabi sa ingay namin kaya lumabas hahaha"

"Bakit? Ano oras na ba kayo natapos maligo?" tanong ko pa

"Maligo? 9pm ata tapos naglaro pa kami kaya halos 12 na rin nung umakyat kami hehehe" paliwanag naman ni wayne

"Kagaaaaleng" sabi ko nalang

Atsaka kami nakarating sa bench at umupo doon, si wayne at seb nalang ang pumasok sa canteen para umorder ng food namin. Kaya naman naiwan kami ni leigh dalawa dito, pero nag i-ML naman sya. Kaya nag cellphone nalang ako at nag facebook, namataan ko naman na may nag message saakin kaya chineck ko iyon.

Shawn Jasper Villano sent you a message...
"Jeuwel, bumalik si ma'am dito sa room. May pinapagawa syang project at tayong dalawa ang partner"

Yun lang ang message nya kaya hineart react ko nalang at sineen. Partner?anong project kaya yun?bat di pa sinabi kanina. Nag scroll lang ako patuloy sa facebook ko at nag tingin mga stories ng mga friends ko. Nainggit ako kaya nag take din ako picture na naka collage na apat.
First pic ay ang oras sa relo ko, Second pic naman ay picture ko, Third pic ay half body ko na naka uniform na kasama ang ID lace. Iniisip ko kung ano ang pang apat ng nakita ko si leigh na busy parin sa ML kaya pinicturan ko sya at sya ang pang apat.

Hindi rin nag tagal ay dumating na yung dalawa at bitbit na ang mga pagkain namin, kaya nag umpisa na rin kami agad kumain.

"Guys nagchat saakin si Liza, may project daw at partner kami" si seb

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon