CHAPTER 6

7 2 0
                                    

Mabilis kami nakauwi sa bahay dahil nagpahatid nga kami kay mang berto na driver nila leigh pero mga mag 5pm na nung makauwi kami

"Ano kaya ang ulam niyo jeu?" tanong ni seb habang nakatingin sa ref namin

" Hindi ko alam ano niluto nila manang eh, check ko" ako atsaka ako dumiretso sa kusina at si wayne naman ay hawak ang remote at nag lilipat ng chanel sa TV katabi si leigh. Si seb na daw ang magluto request ni wayne dahil masarap magluto.

"Manang ano pong ulam?"  tanong ko kila manang na nasa kusina

"Ay jeuwel anak, hindi kami nakapag luto para sa mga kaibigan mo iha, pang sayo lang ang naluto namin. Pero magluluto pa kami kung gusyo nyo" nahihiyang sabi ni manang

"Ok lang po manang, meryenda nalang po muna serve nyo sakanila habang naghihintay ng dinner" ani ko

"Sige iha, ipagluluto ko na sila, papahainan ko na rin sila kay Melda ng meryenda" naka ngiting sabi ni manang saakin.

"Maraming salamat po manang! You're the best po!" puri ko sakanya na ikinatawa naman nya "akyat po muna ako manang" paalam ko pa

"Sige na, sige na. Ika'y mag linis na ng sarili mo at mukha ka ng gusgusin" sabi nito kaya natawa akong lumabas ng kusina.

"Wait lang gaiz maliligo lang ako ha feeling ko ang lagkit ko na eh,ayusin nyo na yang mga gamit nyo mamaya dalhin ko kayo sa kwarto nyo" paalam ko tsaka umakyat ng kwarto ko

Pagpasok ko sa kwarto ay naghanap ako ng isusuot ko na kumportable ako atsaka ako naligo,Itinutok ko lang ang sarili ko sa shower dahil nakaka relax mg matapos ay nag bihis na ako ng pajama at big shirt nag lotion nadin ako atsaka bumaba.

Pagka baba ko luto na ang ulam at nag aayos na ng dining sila manang sila leigh naman ay naglalaro pa sa ps4.

"Im done!" sabi ko pagka baba ko

"Sakto iha at naka hain na dito, mag dinner na kayo" sabi ni manang

"Yes!adobo!HAHAHA" sabi ko at inamoy pa ang hawak ni manang na mangkok ng ulam.

"Para ka naman ngayon kang nakatikim ng adobo jeuwel" sita sakin ni seb

"Hindi ka ba nilulutuan ni kuya ng ganyan jeu?" tanong ni wayne

"Hindi e,puro gulay niluluto nya saakin" malungkot na sabi ko

"Mukhang mapapalaban ka ngayon ah?buti nalang madami dami niluto ni mama ester hehehe " sabi ni seb

"Mama Ester???" sabay sabay tanong namin ni leigh at wayne kay seb.

"Mama na tawag ko sakanya eh bakit ba? Tsaka tinulungan ko si mama ester na mag luto nyan no!" ani ni seb, tumingin naman ako may manang na humahagikgik dahil sa iniasta ni seb.

"Ate Melda? Palabas na po ng egg hehehe Salamat po!" dagdag pa nito, at nakita ko si ate melda na naglabas ng mankok na may lamang nilagang itlog na naka balat na.

"Ayan mapapakain nanaman si wayne ng marami, tapos mamayang madaling araw gagapang yan para kumain ulit." tawa ni seb

"Ako lang?ikaw nga din ganon sus" depensa ni wayne

"Woi hinde,ikaw lang yon wayne wag ka nang dadamay aba masama yan" seb

"Hoy--" hindi na natuloy ni wayne ang sasabihin dahil dumaan si leigh sa gitna nila ni seb atsaka inilapag ang juice sa table, tumulong na pala ang taong to?

"Let's eat na,wag kayong magtalo jan" sabi ni leigh at nagsikilusan kami para maupo na sa hapag.

Dito kami ngayon kumain sa mini dining table namin na 5seaters dalawang seat sa magkabilang side at isa sa pinaka dulo dahil ang mahaba naming dining table ay masyadong malaki para saamin, tsaka madalas din kaming dalawa lang ni kuya kaya dito namin pinipiling kumain kesa doon sa malaking dining. Si Seb at Wayne ang magkatabi at kami ni leigh ang magkatabi sa kabilang side ng mini dining namin.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon