"Dream come true! Ito na malapit na ako sa pangarap ko, konting konti pa. Maraming salamat sa inyong lahat na sumuporta at dumalo sa mahalagang araw ko na 'to. Especially sa mga kaibigan, Katrabaho at Pamilya ko" tingin nya samin ng naka ngiti
"Mom and Dad kayo po ang naging tulay ko sa pag gawa ng maganda obra salamat po sa suporta" maluhang sabi nya at bumaling ako kila mommy ay umiiyak na rin tong mga to "at syempre sa babaeng nasa likod ng storya ng mga obra ko...my one and only sister...Jeuwel Khazandra Vargas" binanggit ni kuya ang buong pangalan ko kaya napatingin ako sakanya maluha luha ako, bukod sa ako ang babae sa likod ng obra nya ay proud na proud ako sakanya ng sobra. "Kaya ginagawa ni kuya to dahil sayo, sana masaya at proud ka sa ginawa ko baby girl!" sabi nya atsaka nag flying kiss sakin.Matapos ang event ay hindi parin magkanda ugaga si kuya kaka kausap sa mga possible clients and clients nya na talaga, ang dami kasi gusto bumili ng gawa nya at yung iba eh gusto din magpa customize.
"Hey handsomes!" bati ni mommy kila wayne,seb and leigh na kakalapit lang saamin
"Hi tita!" bati nilang tatlo kay mommy sabay beso while kay daddy ay nakipag tapikan lang sila sa likod.
"Kamusta kayo? Ang lalaki nyo na ha, malamang may mga girlfriend na kayo hahaha" si mom
"Hay nako po tita parang wala na sa isip namin mag girlfriend eh si jeu palang po sakit na sa ulo ayaw na po namin dagdagan hahahahaha" biro ni seb
"Ay totoo ba yun jeu?" baling sakin ni mommy
"No, sila ang sakit sa ulo ko mom, daig ko pa nag anak sakanila" sabi ko saby irap sa tatlo
"Aish haha pag pasensyahan nyo na yan si jeu, di pa kayo nasanay eh magkakasama na kayo dati pa hahaha"
"Kamusta na pala parents mo leigh?" si daddy kay leigh
"They're ok naman po tito, nasa out of country po sila para sa isang business" leigh
"Yeah right, nabanggit nga nila sakin na hindi sila makakauwi. Nakasama namin sila last week sa isang meeting din kaya nagkaroon ng konting kwentuhan" si dad na ikinatango lang ni leigh na mukang disappointed nanaman sa parents nya. Lagi nalang kasing wala parents nya mapa mahalaga na araw ay laging busy, pero hindi naman nagkulang sa pagbibigay ng needs and wants nila magkapatid.
"Hello tito" si kuya LJ
"Uy LJ, you look so very handsome ijo kamusta?" si mom
"Im fine tita, pinapasundo po kayo ni symon para daw mo makapag early dinner na daw po kayo" sabi ni kuya LJ kaya nagsipag sunod kami sakanya. Pumasok kami sa kaninang nilabasan namin na backstage atsaka may pinasukan kami ulit na pinto at andun na si kuya nag hihintay habang may kausap sa cellphone. May lamesa na mahaba at may mga naka handa na rin na pagkain kaya nagsi upo na kami.
Si daddy ang nakaupo sa pinaka dulo at sa kanan nya ay si kuya katabi si kuya LJ at sa kaliwa ay si mom katabi ako at si leigh tsaka yung dalawang kupal.
Nag start na kami kumain ng may biglang pumasok sa pinto.
"OMG! Hello Mr/Mrs Vargas!" bati ni chelseah na ikinabigla ni mom and dad,kaya napairap nalang ako kay kuya na nabigla din
"U-uhm hello" bati ni mom
"Hello hija, join us" aya ni dad na mas ikinatirik ng mata ko tss
"Sure daddy!hihihi" chelseah nagulat si mom and dad kaya napa angat ang tingin nila kay chelseah at ako naman ay napataas ang kilay ko. "Excuse me LJ, can i sit beside him?" turo nya kay kuya symon
"Manners please" parinig ko at tinuloy ang pagkain, ramdam ko na tumingin sila saakin pero hindi ko sila pinansin
"Hi sis in law! You're so sungit talaga!but i know magkakasundo din tayo sooooon!" sabi nya pagka upo nya sa tabi ni kuya na hindi naman sya kinikibo.
"Hey symon, why don't you introduce your girl to mom and dad?" taas kilay kong sabi kay kuya na ikinakunot ng noo nya
"What did you say?" tanong nya
"I said why don't yo--"
"No, what did you call me?" putol nya sa sinasabi ko
"Kuya?" patanong na sabi ko
"Tss, you only said Symon" irap nya at hindi ko na sya pinansin, inikot ko nalang ang mata ko at nakita ko si leigh na nakatingin sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay kaya nginitian nya ako at napapailing pa. Yung dalawang kupal naman ay parang walang nangyayari sa paligid nila at todo kain parin, Si kuya LJ ay nakikinig lang saamin.
"She's right Sy, why don't you introduce her to us?" si mom sa mataray nyang tono ng boses na kinalabit si chelseah at napa tingin sakanya at nawala ang ngiti napalitan ng kaba.
"Uhmm... Mom?Dad? This is Chelseah Baltazar...my friend" pakilala ni kuya kay chelseah na nakangiti na pero nawala bigla ang ngiti at napatingin kay kuya na hindi naman sya tinapunan ng tingin kahit isang beses.
"A friend..." ulit ni dad na tumatango pa
"Yes dad, a friend. Why?" Baling ni kuya sa nakatingin sakanya na si mom "Is there any problem with that?" tanong nya ulit
"Nothing son hahaha" si dad
"Why don't you court her?" tanong ni mommy na ikinabigla naming tatlo ni kuya, chelseah at ako. Si chelseah na nakangiti, Si kuya na naka kunot ang noo at ako na nakataas ang kilay.
"What?!" sabay namin tanong ni kuya, pero saakin na tuon ang paningin nila
"Why jeu? May problema ba kung liligawan sya ng kuya mo?" tanong sakin ni mom.
" I don't like her " diretsang sabi ko na ikinagulat nanamn ni chelseah, naramdaman ko din kinalabit ako ni leigh sa braso ko para patigilin sa sasabihin ko.
"Why?" si dad "She looks nice naman"
"No she's not" sabi ko at lalo hinawakan sa braso ni leigh "Para syang linta" sabi ko
"Jeu, stop" bulong ni leigh
"Jeuwel" si kuya
"Tss, shooo! Its your life kuya. Court her or not, i still don't like her. Atleast sinabi ko opinion ko" sabi ko at bumalik sa pagkain
"You're so maldita jeu" bulong ni leigh saakin kaya napatingin ako sakanya na nakataas ang kilay "i like it" dagdag nya habang naka ngiti.