"Kanino muna tayo?sainyo muna kaya wayne?" sabi ni seb
"Sige sige" tugon ni wayne
"Sumakay na kayo dito para mabilis tayo makauwi lahat kila jeu" sabi ni leigh na tinutukoy ang sasakyan nya na may driver.
Nagsi sakay na kami papunta kila wayne malapit lang naman sila dito sa school kaya walking distance lang talaga,mabilis kami nakadating sakanila parang walang tao sa bahay nila sobrang tahimik nandito kaya sila tita? dumiretso papasok si wayne sa kwarto nya at naiwan kami sa sala na nakaupo, si seb naman ay kumuha ng tubig sa kusina. Feel at home ampotah
"Hija!jeuwel!aba ikaw nga" tawag saakin ng mama ni wayne ahh nandito pala haha
"Hello po tita,kamusta po?" tanong ko
"Eto ayos lang,galing ako sa bakuran nagtanim ako hahaha ang ganda mong babae hija pati ito si leigh at seb ang gwapo matagal na simula ng huling punta nyo dito ah " papuri nya saamin
"Oo nga po tita eh hahahaha halos kalahating taon din po. "
"oh?napapunta nga pala kayo?ano meron?may lakad kayo?" tanong nya at tiningnan ang kwartong pinasukan ni wayne
"Ah tita kasi po wala akong kasama sa bahay si kuya po kasi pumuntang cebu inaasikaso yung event nila this weekends tapos po nakiusap po si kuya na kung pwede sila wayne po muna kasama ko sa bahay" paliwanag ko
"Aba sige,para naman may kasama ka babae ka pa naman hindi ka dapat nag iisa sa bahay nyo ng kuya mo, nasan nga pala ang mga kasambahay ninyo?" sabi nya
"Andun lang rin po sa bahay pero dalawa lang po ngayon kasi nag request ng dayoff yung iba and isang driver po. tsaka po pupunta po kami cebu sa friday night po balik po namin sunday ng umaga" paalam ko pa
"Oh?sabay sabay naman ata ang bakasyon nila?tsaka ang layo naman ng pupuntahan nyo hija? wala naman budget yan si wayne next week ko pa bibigyan yan." sabi ni tita
"Eh kasi po tita halos magkaka mag anak po ang mga kasama namin sa bahay tita eh may patay daw po sila kaya pinayagan ni kuya na umuwi muna sa probinsya."
"Tsaka sagot naman po ni kuya symon ang gastusin namin dun tita hehehe" sabat ni seb
"ah ganon ba?eh si seb at leigh kasama din?" tanong nya
"Opo tita kaming apat po as usual hahaha"
"Lagi naman haha sige mag iingat kayo ha?pag may problema kayo don sa bahay nyo tawag kayo sakin ha?"
"Opo tita" sagot ko at saktong paglabas naman ni wayne ng kwarto nya hindi na sya nag hubad ng uniform talagang kumuha lang ng damit
"Ahh ma,kila jeu-" naputol ang sasabihin nya ng sumagot na agad si tita "Oo sinabi na ni jeuwel,mag iingat kayo ha tawagan ako pag kailangan" yun lang at niyaya na kami ni wayne palabas pagkatapos humalik sa pisngi ng mama nya
"Oh?kanino naman?kila seb?" tanong ni wayne
"What?!saamin muna" biglang sabat ni leigh
"Last ka na,mabagal ka kumilos e dami mo pang dadalhin pustahan tsaka naka sasakyan tayo huling madadaanan bahay nyo" si seb,walang nagawa si leigh kundi sumunod nalang.
Sumakay kami ng sasakyan ni leigh papunta kila seb at bumaba na kami agad pagka park sa harap ng bahay nila seb nila mabilis din kami nakadating sa bahay nila
"Hi tito!" bati ni wayne sa papa ni seb
"Oy wayne!" bati din sakanya ni tito at inakbayan pa sya "Leigh boi" bati din kay leigh at nag fist bump sila "And the princess hahaha jeuwel!!" bati saakin ni tito kaya nag mano ako sakanya
"Ah pa,kila jeuwel muna kami ha hanggang sunday" paalam ni seb sa papa nya
"O?ano meron?" baling din sakin ni tito
"Ano kase tito ganito yan,wala kasing kasama si jeuwel sa bahay kasi ang kuya nya nasa cebu may inaasikaso na event tapos pinakiusapan kami ni kuya na baka pwede samahan namin si jeuwel at ililibre nya kami ng papunta sa event nya sa sabado" paliwanag ni wayne
"Owwwsige sige ayos yan ah" sabi ni tito "nag aayos na si seb ng gamit paghahanda ko muna kayo ng maiinom sandali"
"Thanks" si leigh
"Excited na ako sa cebu hahahahaha" sabi ni wayne,actually naman sya talaga ang pinaka excited saamin pagdating sa mga ganitong events. Mahilig din kasi sya gumuhit at mag pinta.
"Astig pa naman ni kuya hahaha" dagdag ni wayne,Habang nag uusap usap kami ay bumalik si tito galing kusina na may dala ng juice at mga tinapay
"Nasan na si seb?ang tagal naman non" sabi ni tito
"Sabi sainyo samin muna diba,mas matagal pa sakin si sebastian" reklamo ni leigh habang ngumunguya ng tinapay
"Sige orasan kita mamaya ha?" sabi ko sakanya at inirapan lang ako neto psh baklang toooo!
"Sebastian!aba anak bilisan mo naman!" sigaw ni tito
"Opo pa,pababa na" sigaw pabalik ni seb at nakita na namin syang pababa dala ang bag nyang napaka laki potek hahaha pumapangalawa 'to ng arte kay leigh eh
"Laki naman ng bag na dala mo nak" sabi ni tito sa anak
"Doon ka na ata titira kila jeuwel tsk" tugon pa ni leigh
"Inggit ka leigh?dun ka na din tumira" sagot ni seb,haynako mag aasaran pa
"Tss" singhal ni leigh pero narinig ko kasi ako ang katabi nya
"Oh tara na tara na baka maubusan tayo ng oras mas mabagal kumilos 'to" turo ni wayne kay leigh at inismiran lang sya
"Oh sige boys ingat ha?yung prinsesa wag papabayaan" paalala ni tito "Pag may problema tawagan ako ha,seb"
"Opo pa,sige una na kami" sabi ni seb sa ama
"Bye tito!thankyou sa meryenda hahajaha" paalam ni wayne habang palayo kami kumakaway pa si gago hahahaha
"Lezzgo to the mansion!!" si wayne nanaman at nag aktong eroplano na umiikot kay leigh
"What the?!dude umayos ka" sita sakanya ni leigh,kaya nanahimik na din si wayne at sumakay na ulit kami sa sasakyan ni leigh. Bumaba kami agad pagka park ng sasakyan sa harap ng napakaling bahay nila leigh.
Masasabi kong mayaman sila leigh kasi parehong nasa busineds industry ang parents namin, marami din sila ari arian around manila and laguna. Yung school din namin ngayon ay isa sila sa may ari.
Pumasok na kami sa gate nila na may naka lagay pa sa taas niyon na
"Dela Fuente's" edi sila na dela fuente hahaha"Hintayin nyo nalang ako sa living area,mabilis lang ako" sabi ni leigh
"Weh?" mapangasar na tugon ni wayne,pero tinaasan lang sya ng kilay ni leigh at umakyat na ito sa kwarto nya,Hinanap naman agad ng paningin ko si tita, mommy ni leigh pero hindi ko makita maski daddy nya,siguro nasa business trip nanaman maski ate nya wala baka nasa school pa
Nagkwentuhan lang kami nila wayne at seb at ilang minuto ang lumipas halos mag isang oras na bago bumaba si leigh na may kausap pa sa cellphone
"Of course,sasamahan lang namin si jeuwel sa bahay then sunduin kami ng kuya nya friday night papuntang cebu manonood kami ng event nya" rinig kong sabi ni leiman habang bitbit ang mal-MALETA?? what the?!ganyan sya kaarte maleta?hmm HAHHAHAA
"I will,bye takecare" sabi nya sa linya atsaka ito binaba
"Ang tagal mo naman magimpake leigh,kala mo ibang bansa pupuntahan mo at naka maleta ka pa kala mo ilang buwan ka mag i-stay sa ibang bansa" litanya ni wayne
"Mabilis na nga yon eh" sabi ni leigh
"Ha?mabilis na yon?" eksena namin ni seb
"Nakaligo na nga ako oh!tsk nagmadali pa ako" sabi nya at bumaling sakin "akala ko oorasan mo ako?"
" I was joking dzuh" irap ko sakanya
"Magpahatid nalang tayo kay mang berto nakakapagod masyado mag buhat ng mga bag natin" suggestion ni leigh
"Gusto ko yaan!" sabi ni wayne
"Tsk!wait i'll call mang berto muna" sabi ni leigh at pumunta sa garahe nila.