CHAPTER 16

4 4 0
                                    

"Saan tayo una?" si wayne na kumakain ng waffle, hindi pa man kami nakakatagal dito sa loob ng mall at wala pa kami naiisip na unang gawin eh kumakain na sya agad.

"Cine tayo!!" si seb

Kumusa ang mga paa namin na pumunta sa way ng cinema. "Ano naman magandang panoorin?" si wayne

"Ito maganda to" turo naman ni seb sa naka poster na "Now showing" mukhang love story yun dahil nakalagay dito ang litrato ng babae at lalaki na magkayakap. "Oks ba kayo dito?mukhang ito nalang magandang movie eh" dagdag ni seb

"Oks" sabay naming sagot ni leigh kaya napatingin sila saamin na nakayuko lang

"May problema ba kayong dalawa?" tanong samin ni seb

"Baka LQ" sabat ni wayne kaya tinignan namin sya ni leigh ng masama "Sabi ko nga bibili na ako ng popcorn hehe, kkb ba tayo sa ticket?" tanong nya pero inabutan na sya ng leigh ng pera. Kaya dumiretso na sya bumili ng ticket at popcorns

"Ano problema nyo dalawa? Kanina pa kayo tahimik simula nasa byahe tayo" si seb na nagtatanong nanaman habang naglalakad kami papasunod kay wayne

"Wala ah" sagot ko

"Nothing" si leigh

"Okay sabi nyo eh" sabi nya at tinalikuran kami para salubungin si wayne na dala na ang mga tickets.

"Tara na mag start na daw yung movie,sakto tayo." yaya ni wayne saamin na excited naman na excited

"Leigh oh sukli mo, nagbigay ka sakin 5k eh wala pang 3k yung ticket at popcorn" si wayne na iniabot ang sukli ni leigh. Nakita namin si seb na bumili pa ng extra popcorns para pag nag ingay daw si wayne ay may isasalpak sya sa bibig.

Pagkabili ni seb ay pumasok na kami sa loob ng cinehan atsaka kami pumwesto sa mga seat numbers namin. As usual magkatabi parin kami ni leigh na nasa kaliwa ko at si wayne na nasa kanan ko.

Mabilis na nag start ang movie at tungkol 'yon sa mag bestfriend simula bata sila at umalis yung batang babae kasi lumipat silang bahay. Nagkita sila mga binata at dalaga na sila kaya nagkaron sila ng chance kasi simula bata palang pala ay may gusto na si boy sa girl.

Napalunok ako sa kwento ng pinapanood namin kaya inom ako ng inom ng tubig at nakakaramdam na ako ng lamig kaya hinihimas ko na ang braso ko.
Tinignan ko si seb na katabi ni wayne sa kanan ko ay naka jacket sya pero mukang mas nilalamig pa kesa saakin, si wayne naman ay walang jacket at nilalamig na rin. Sa kaliwa ko si leigh na nakajacket at tutok sa pinapanood, kaya hinayaan ko nalang at nanood nalang rin ako.

"Here, wear this" si leigh na ipinatanong na ang jacket nya sa balikat ko

"Thanks, baka nilalamig ka rin ha" sabi ko sakanya at sinuot ang jacket.

Natapos namin ang movie kaya palabas na kami ng cinema para kumain na muna bago kami pumunta sa timezone.

"Grabe yung love ni David kay Rain no?" tukoy ni seb dun sa pinanood namin

"Simula bata palang gusto nya na si rain hanggang pagbalik ni rain hinintay nya parin grabeng pagmamahal yan!" si wayne

"Inlove sa bestfriend" si seb at tumingin kay leigh at sabay nagtawanan si wayne at seb. Hindi sila pinansin si leigh at nagdiretso lang ito sa way ng kakainan namin.

"Ako na ang oorder umupo ka na" sabi ni leigh saakin

"Ikaw na rin ba ang oorder samin tol?" tanong ni seb

"Asa tss" atsaka tumalikod si leigh, kaya tinignan ako nung dalawang kupal ang nag kibit balikat lang ako sakanila.

"Awit lods" si wayne atsaka sumunod sa pila kay wayne.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon