CHAPTER 13

0 0 0
                                    

"Ganda ng waistline mo ha" sabi ni imelda,yung nagsusukat saakin para sa gown ko for my debut.

"Perfect ang body, hindi mahihirapan or matatagalan ang pag gawa ng gown mo" dagdag nung assistant nya.

Natapos ako sukatan at nag food tasting naman ako ng mga food na ihahanda sa party ko. Sabi ko kila mom ay ok na ko sa simpleng handaan at hindi na kailangan ng party, kaso sila ang may gusto nito.

3days na ang nakalipas simula nung umuwi kami galing sa cebu, pagbalik namin ay focus na kami sa pag aaral naming apat nila leigh.

"Jeu, tapos ka na sukatan?nakapili ka na ba ng gown mo?" tanong saakin ni wayne, nakaupo kami ngayon sa living area namin, halos kakarating lang kasi nila simula nung umalis yung mga organizers.

"Oo, red ang gown ko then black naman yung 2nd" sabi ko habang focus ako sa nilalaro kong ps4.

"Sino ba samin mag eescort sayo jeu?" si seb

"Actually hindi ko pa rin alam, namimili pa ako sainyo" ako sabay kindat saknila

"Wow ha, ano kami manliligaw mo? Hahahahaha" si wayne

"Si leigh nalang jeu" sabi ni seb, kaya lumingon kaming dalawa ni leigh sakanya at kinindatan nya pa si leigh na kina kunot ng noo ko.

"Its her choice dude, hayaan mo sya pumili." si leigh habang kumakain ng cake na nasa center table

"Ok din saakin kung si leigh nalang" si wayne na focus din sa nilalaro nya, dalawa kasi kaming naglalaro

"Ok lang sainyo?" tanong ko pa na ikinatango nila habang nakangiti

"Sayo leigh?" ako

"Why not? That's your birthday naman" si leigh

"Okay hahaha thanks leigh! Buti nalang nag paubaya na kayo wayne para di na ako mahirapan hahahhaa"

"Oo para hindi ka ma stress sa pag pili mo samin, makapag beauty rest ka naman para hindi ka mukhang beast sa mismong debut mo" bira ni seb

"Wow" reaction ko sa kakupalan nila "but thanks leigh!buti nalang ikaw makakapartner ko para naman maayos maging debut ko, ayoko kasi magbitbit ng unggoy sa debut ko" sabi ko na ikinatawa ni leigh at simangot ng dalawa

"My pleasure, basta ikaw. Walang hindi" sabi nya at kumindat pa habang kumakain parin ng cake.

"I'll match my suit nalang sa gown mo" dagdag nya kaya tumango ako at nag focus na ulit sa laro.

-

"Oh handsomes dito na kayo mag dinner ha? Nagluto ako and gumawa rin ng desserts" si mom sa mga kupal

"Sure tita, gutom na rin ako eh" si wayne

"Ok, prepare lang nila manang yung food then let's eat na." si mom at umakyat na at baka tatawagin na si kuya sa room

-

"Let's eat!" si kuya ang nagyaya saamin

"Let's gooo!!!" si seb na gutom na daw talaga, nauna na si wayne at seb sa dining habang kami ni leigh ay inayos muna ang ps4 since kami ang huling naglaro

"Tara na, kain na tayo" aya ko na sakanya, at pareho na kaming pumunta sa dining. Magkatabi kami ni leigh ngayon at nasa harap namin si Kuya,Wayne and Seb. Dito kami ngayon kumain sa pinaka dining table namin, yung dining table namin kasi na pang 5seaters ay inilabas muna sa garden.

"Oh jeu? Nakapili ka na ba sa tatlo kung sino ang escort mo?" si kuya nagtanong habang kumakain kami

"Ah yeah, its leigh" sabi ko

"Nice, perfect." Sabi ni kuya sabay tingin kay leigh at kindat. Tinignan ko naman si leigh at naka ngiti na sya.

Parang may hindi ako alam talagaaaa!bakit lahat sila pabor na si leigh ang maging escort ko for my debut?

-

"Tita uuwi na po kami, pasabi nalang po kay kuya symon and tito" si leigh nagpapaalam kay mommy

"Sure leigh, mag iingat kayo ha? Teka may sundo ba kayo?" si mom

"Wala po, i can drive naman na po and i have my lisensya na po." leigh

"Are you sure? Mag iingat sa pagmamaneho ha?text nyo si jeuwel pag nakauwi na kayo para malaman namin ok?" bilin pa ni mommy

"Yeah tita, thankyou po. Una na po kami at may ihahatid pa po akong dalawang unggoy sa manila zoo" sabi ni leigh na ikinatawa ko at ni mommy. Tinignan ko yung dalawa at na nasa gate na ng bahay at busy sa kaka dutdot sa cellphone nila.

Umalis na sila leigh at pumasok na kami ng bahay, dumiretso ako sa kwarto at chinat ko sila agad sa group chat naming apat

Jeu👸❤️
"Chat kayo dito kapag nakauwi na kayo ha?"

Ibinaba ko na ang cellphone ko tsaka ako naligo sa cr para makapag pahinga na ako at may pasok pa bukas.

Paglabas ko ng cr ay tunog bg tunog ang messenger ko dahil sa chat sa gc naming apat, binuksan ko iyon at nagbasa.

Wayne Louie
"Bahay na, thanks jeu sa snacks and dinner! Pasabi kay tita ang sarap ng luto nya at mukhang mapapabalik ako dyan araw araw"

Leigh🤴❤️
"With us"

Sebastian Kier
"Syempre leigh kasama ka hindi pwedeng wala ka at baka kami ang mawala hehehehe"

Jeu👸❤️
"Noted, makakarating yan kay mom hahaha!"

Leigh🤴❤️
"Btw, im home"

Jeu👸❤️
"Ok, goodnight mga kupal kitakits bukas"

Wayne Louie
"Goodnight guys!"

Sebastian Kier
"Goodnightsssssss"

Leigh🤴❤️
"Goodnight jeu, sleepwell"

-
Hindi na ako nag reply at nag react nalang ako ng heart. Atsaka ako nag simula ng skin care ko at na blow dry na rin ako ng buhok ko para diretso higa nalang ako mamaya.

Pagkatapos ko mag skincare at blow dry ng hair ay lumabas muna ako sa veranda, mula dito sa kwarto ko ay kitang kita ko ang moon na napaka ganda at buong buo.

Kinuha ko ang cellphone ko atsaka ko pinicturan ang moon at nilagay ito sa story ko sa facebook na may caption na "Comfort🌙" tsaka ko na binaba ang cellphone ko at inappreciate muna ang ganda ng buwan.

Nakatitig lang ako sa buwan habang nakaupo na sa upuan na andito sa veranda ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Leighzander Dela fuente replied to your story...
"Goodnight jeu, matulog kana maaga pasok natin bukas. Sunduin kita"

Kumunot ang noo ko sa chat ni leigh kaya inulit ulit ko yung message nya. Parang...iba dating saakin ng message nya.

Hindi naman siguro no?mali sana tong nasa isip ko...

HER FINAL ECLIPSEWhere stories live. Discover now