CAPÍTULO UNO
Napanguso nalang ako dahil kanina pa ako nag-aantay kay Alessandro. Kung hindi dahil kay Mama hindi ako magpapakasal sakanya no. Magkumare ang nanay ko at nanay nya kaya napagdesisyunan nilang ipakasal kaming dalawa. I can't say no to Mama. May sakit sya sa puso at gusto nyang magkaroon ng apo.
May apo na nga sya kay Kuya Marco. Dalawa pa yun tas gusto nya pa magkaroon sakin. Sana naman daks si Alessandro para at least hindi ako dehado.
Nagsuot nalang ako ng shades ko at umupo sa tabi maleta ko dahil nangangawit na ako kakahintay kay Alessandro. Wala na kaming bahay dito sa Pilipinas dahil lagi kaming nasa South Korea para may Mama. SoKor reminds Papa to Mama kaya napagdesisyunan namin ni Kuya na doon tumira para hindi ganong malungkot si Mama.
Tinali ko ang mahaba kong buhok na umaabot sa ilalim ng puwet ko. Ang kapal pa ng buhok ko at ang init sa Pinas. Hindi na ako sanay sa init. 3 taon palang ang nakakalipas ng umalis kami dito at masasabi kong iba ang init dito kesa sa SoKor.
"What's your name?" Napatingin ako sa lalaki. Napanganga nalang ako at parang tumigil iyong pag-ikot ng mundo. Ang tangkad naman neto at ang gwapo pa. Iyong mata nya itim na itim, matangos na ilong, mapulang labi at perfect jawline. Kitang kita ko dahil nakaupo ako. Sayang to. Engaged na ako eh. "I'm asking you, Miss."
"I'm engage." Sabi ko nalang sakanya. Ang tagal naman kasi ni Alessandro. Tumayo at aalis na sana ng magsalita iyong gwapong lalaki.
"Yeah, engaged to me." Napakurap nalang ako sa sinabi nya at napanganga ako sa sinabi nya. Itong gwapong lalaking to? Fiancee ko? How lucky am I?!
"Alessandro López?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Seems like you only know my name. I'm your fiancee. Answer my question, Miss. What is your fucking name?" Iritado nyang tanong kung anong pangalan ko. Grabe naman siya. Wala naman akong ginagawang masama.
"Charlotte Nicole Sanchez." Napasimangot kong sagot. Kumalma naman sya at inagaw sakin iyong maleta ko saka nagsimulang maglakad. Napatingin naman ako sakanya dahil sa ginawa nya. That's rude.
"Are you just stand there, Charlotte?" Naiinis nyang tanong.
"You're rude." Sabi ko. Bumuga naman sya ng hangin bago lumapit sakin at tinitigan ako sa mata. "Bakit?"
"This is me. Your fiancee is rude." Inis nyang sabi at hinawakan ako sa pulsuhan at marahang hinila papuntang parking lot.
Huminto kami sa isang Aston Martin na sasakyan. Ang yaman naman neto. Nakakatakot tuloy. Ang sabi lang kasi sakin ni Tita Sandra, graduated si Alessandro sa kursong Computer Engineer kaya wag na akong magulat kung maraming computer sa bahay nya at sya ang may-ari ng Lope Soft sa Spain. Hindi sinabi sakin na bilyonaryo pala itong anak nya.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at nakita ko iyong mukha nya na iritado kaya agad na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Inilagay nya muna sa likod iyonc bagahe ko at nakita kong walang hirap na binuhat nya iyon. Ang bigat kaya non.
Nang makapasok sya sa sasakyan ay agad nyang pinaandar iyong sasakyan. Nagsuot ako ng seatbelt dahil ang bilis nyang magpatakbo. Nakahinga lang ako ng maluwag ng huminto sya dahil traffic. Mga bagay na hindi magbabago sa Pinas.
"Pwedeng medyo bagalan mo iyong pagmamaneho mo?" Tumingin sya sakin kaya napakagat nalang ako ng ibabang labi ko at umiwas ng tingin.
Tumingin nalang ako sa labas at hinayaan nalang sya. Wala naman sya sigurong balak na patayin kaming dalawa diba? I mean, suicide yun.
Napansin ko namang bumabagal iyong pagpapatakbo nya kaya napangiti nalang ako. His not that so rude. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang huminto sa isang puting bahay. Ipinasok nya sa garahe iyong kotse at agad na lumabas. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya agad akong lumabas baka mairita na naman sya sakin kapag slow ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/225974006-288-k337907.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Out (Whipped Series #1)
General FictionWHIPPED Series #1 Alessandro López, a guy who only wants to be lock on his house and play online games and doesn't want the world outside his house and also doesn't know how to communicate besides his friends, He even tell if someone wants to be par...