Capítulo Treinta y uno

26 1 0
                                    

CAPÍTULO TREINTA Y UNO

"Were living together now?" Masayang tanong ni Xander saming dalawa. Gabi na at ginising ko lang sya para maghapunan. Nagluto si Sandro ng ulam at talagang naamaze ako kasi may alam na sya sa kusina. May mabuting nangyari din pala sa loob ng 6 years.

Napatingin ako kay Sandro at nakatingin lang sya sa anak na may ngiti sa labi. Hindi ko pa rin makalimutan iyong sinabi nya kanina. Magsasabi sya non tapos kini-claim nyang fiance nya ako. Ang gulo lang nya.

"Yes, kiddo." Sagot nya at napapalakpak pa iyong bata. Ang saya ni Xander.

Kumain lang kami tapos ako na iyong naghugas ng pinggang dahil pinaliguan nya si Xander. Nang matapos ako ay umakyat na ako kung nasaan iyong kwarto ni Xander at nakita kong tulog na iyong bata at hinalikan nalang ni Sandro sa noo si Xander.

Nang makita nya ako ay lumapit sya sakin at kinulong ako sa mga braso nya. Nagulat ako doon pero napagreak naman ako agad. Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap nya sakin pero mas hinigpitan nya lang iyon.

"Sandro!" I hissed.

"Napagod ako ngayong araw. Let me take a rest."

"Matulog ka na kung pagod ka."

"You're my rest." Natigilan ako sa sinabi nya. "Noon pa man, ikaw na. The first time I look straight in your eyes, I couldn't take my eyes off and asked myself why you have those beautiful and shining eyes."

Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ibabaw ng ulo ko at pinatong iyong baba nya sa balikat ko.

"I love your presence. Kahit na nagtatrabaho ako gusto ko nasa tabi kita. You're presence calms me. Nakakatawa no? When the first time I taste your lips, I got addicted. Hindi ko alam anong meron sa mga labi mo at naadik ako."

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko kasi sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Ayoko ng dugtungan nya pa dahil para ng sasabog sa sobrang bilis.

"Don't leave me again or I'll go insane. In this world your my only way out. Only you."

****

"Mama!" Nagising ako sa sigaw ng anak ko at umuuga iyong kama. Pagdilat ko gising na rin si Sandro at kalalabas lang ng banyo. "Mama, I'm hungry."

"Kiddo, I'll cook it for you." Sabi ni Sandro. Tumigil naman sa pagtalon si Xander sa kama at nagpapuppy eyes sa Papa nya.

"Really?" Tumango naman si Sandro kaya lumabas na si Xander. Manonood na yun panigurado. Adik pa naman sa tv yang batang yan.

Tumayo na ako at aalis na sana sa kama ng lumapit si Sandro para halikan ako. Nagulat naman ako dahil wala pa akong toothbrush.

"Good morning." Sabi nya saka umalis ng kwarto.

Naiwan naman ako nakatingin sa pintong nilabasan nya at wala sa sariling napatakip sa bibig. Wala pa nga akong toothbrush. Nang makabawi ako ay tumayo na ako sa pumasok sa banyo para mag toothbrush.

Pagtapos ko ay bumaba na ako at nagtaka ako kung bakit wala sa sala si Xander. May narinig naman akong sumisigaw mula sa kusina kaya dumiretso na ako doon at isang labanan ang naabutan ko.

Nakatayo si Xander sa upuan medyo malayo sa pinaglulutuan ni Sandro, may hawak pang takip ng kaldero. Si Sandro naman ay may ganon din pero takip ng rice cooker naman iyong kanya.

"Oh my god! Papa, the egg is spitting!" Natatawa nalang ako sakanilang mag-ama. I expect Xander will watch TV but instead he watch his father to cook his breakfast. He never watch me cooking his food. I'm jealous to this bond.

Way Out (Whipped Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon