CAPÍTULO VEINTINUEVE
After days we spent here in hospital, Xander is fully recovered. Sandro is more cautious in terms of the food Xander will eat. Hindi ko naman sya masisisi dahil mukhang natrauma sya sa nangyari. That's their first breakfast together and this happened.
After that incident, I told him everything about Xander. What he eats, he does, his hobby and also the things our child don't like. Masyadong maarte ang anak ko sa mga bagay bagay kaya mabuting alam nya.
"What do you like? Hot or cold water?" Sandro asked him. Palabas na kami ng hospital. Papunta sa sasakyan ni Sandro since wala akong sasakyan.
"I hate hot water." Buhat buhat sya ng ama gamit ang isang kamay at iyong isa naman ay hawak iyong bag kung saan nakalagay iyong mga damit na ginamit ni Xander. "It burns my tongue." Sabi nya at nilabas pa ang dila at tinuro iyon.
"Maybe because you drink it still too hot. There's a warm water."
"Nope, Papa. I prefer in cold drinks than hot or warm."
Nagkwe-kwentuhan lang silang mag-ama at ako naman ay nakasunod lang sakanila at pinapanood silang dalawa na mag-usap. Seeing them both smiling to each other warms my heart. Kahit hindi sila nagkita ng 6 na taon ay walang pagkakailang sa kanilang dalawa.
I could say Xander is Papa's boy. Hindi naman sya ganyan saakin. Hindi sya ganyan kasweet sakin. Nagseselos tuloy ako pero kapag iinisip ko iyong ilang taon nilang pagkakahiwalay nawawala agad iyong selos ko.
Xander is really craving for his father's warm.
Binuksan ni Sandro iyong backseat at inunang ipasok iyong gamit sa loob. Nagulat pa ako ng doon nya pinaupo si Xander.
"Your Mama will seat in front seat. That's okay, right?" Nakangiting tumango naman si Xander at nilagyan sya ng seat belt ni Sandro.
Nang maisarado nya iyong pinto at lumingon sya sakin na seryoso iyong mukha. Iyong mukha nya noong una kaming nagkita. We're at the start. Hindi na ako umaasa kasi may girlfriend na sya. Kaya lang naman ako bumalik dito ay para lang kay Xander.
"Okay naman ako sa backseat."
"Xander said it's fine." Sabi nya saka binuksan iyong pinto sa front seat. Napatingin naman ako kay Xander na nakatingin samin. Nginitian ko sya saka sumakay sa loob.
Ayokong isipin nya na nag-aaway kami kaya sumakay na ako. We're in good terms, I think. But a little bit awkward because we have something before. You know, the unofficial relationship and also his ex-fiance.
And we also had Xander. Hindi ako nagsisisi na nabuntis nya ako dahil si Xander iyon pinaka-precious na natanggap ko from God.
The whole ride Xander was talking about his school in Korea. How he got aces and not having a lot of friends because he's so rude to his classmates especially his boys classmates.
And the whole ride I was just air to them. I just sit here and listen to their conversation. Sandro looked so happy talking to Xander and Xander is really calm telling his father about this kind of thing.
I understand why I became air the whole ride. Binigyan ko lang sila ng oras since we're going home. Alam na rin kasi si Sandro yung address ko since nahatid na nya ako rito kagabi kasi sya naman iyong magbabantay kay Xander kasama nya rin kagabi iyong isa nyang kaibigan na si Xavier kaya may nagbantay kay Xander. Okay naman sakin na magtaxi or uber kaso ang kulit ni Sandro na hindi raw safe at babae pa raw ako.
Ginamit nya rin sakin si Xander na kapag may nangyari saking masama ay magagalit sakanya si Xander. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Hindi naman kami nag-usap buong ride no. He still have a girlfriend.
Malapit na kami nung nakatulog si Xander kaya napailing nalang ako. Naubos iyong energy nya sa kakadaldal. I couldn't believe him that he was this talkative. Hindi naman kasi sya masyadong madaldal noon.
"I take care with his things." Sabi ko saka bumaba ng sasakyan at binuksan iyong pinto ng back seat at kinuha roon iyong bag. Si Sandro naman ay dahan dahang binuhat ang anak.
"I never imagine that you have this kind of house." He said in his low voice because he is carrying Xander in his arm.
"Why not? Because I'm not that rich as you?" I asked him slightly offended. I know how rich he are but his sentence his really kinda offending.
"That's not what I mean." Nauna na ako paakyat sa hagdan dahil hindi naman nya alam kung nasaan iyong kwarto. "What I mean is you are the type of person who won't spent too much money for the something you don't need and this place is really big for a small family." Huminto na ako sa kwarto kung saan ako natutulog dahil hindi sanay matulog si Sandro na mag-isa lang. "My house is perfectly fit for us." Kumunot naman iyong noo ko pero inasikaso ko iyong kama kaya hindi na ako nagreact.
Dahan dahan nyang inihiga si Xander saka kinumutan. Hinalikan nya rin ito sa noo bago umayos ng tayo. Ako naman ako nakatingin lang sakanya. He is really a good father.
"I can visit him, right?"
"Sure, anytime. Hindi naman issue sakin." Sabi ko saka inilagay iyong bag sa tabi ng wardrobe. Mamaya ko na aasikasuhin iyon.
Napatingin naman ako kay Sandro dahil nakatingin lang sya sakin. Medyo na awkward ako kasi iyong paraan ng pagtitig nya ay tulad ng dati. Iyong masasabi mong 'kami'. Ayoko namang bigyan ng malisya iyon dahil may girlfriend sya. Ayoko maging dahil ng pagkasira nila no. Hindi maganda iyon lalo na may anak ako.
"Gusto mo muna magkape bago ka umalis?" Sabi ko para tigilan nya ako magkape.
"Pinapaalis mo na ba ako?" Agad nanlaki iyong mata ko.
"Hindi no! Nag-ooffer lang ako kasi mamaya may pupuntahan ka or baka may date kayo ng girlfriend mo. Ilang araw ka ring nasa ospital." Because he didn't like the idea leaving Xander in the hospital. Aalis lang sya kapag andoon ako tapos ilang oras lang ang lumipas andoon na ulit sya. May eye bags na nga sya eh.
"Because our son needed me also." Bumilis iyong tibok ng puso ko ng marinig ko sakanya iyong our. Huminga ako ng malalim para pakalmahin iyong sarili ko kasi hindi tama to. May girlfriend na sya at ang dahilan lang kung bakit ulit kami nagkikita at nagkakapag-usap ay dahil kay Xander. Lahat dahil kay Xander. Wala na iyong para sakin. "And what are you saying?"
"Ha?" Medyo na guluhan ako sa tanong nya. Dami ko kayang sinabi.
"Ha?" He said too.
"Alam mo, kape lang yan. Tara na." Sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto. Alam ko naman na nakasunod sya dahil naririnig ko iyong yapak nya. Dahan dahan akong bumaba dahil nakakahiya kung mahuhulog ako.
Dumiretso na ako sa kusina at hindi ko inexpect na susunod rin sya sakin roon.
"You can wait me in the recieving room." Sabi ko habang kumuha ng tasa.
"Are you really that hate me?" Napatigil ako saglit at tinignan sya. "I thought you're already fine because you came back here."
"And I still hate thinking that you hack information about me again."
"Because you don't want to talk to me. You said it before if I want to know something about you, I'll ask you about it but you're the one who doesn't want talk to me. I had no choice." I am... speechless. "Nung nagkaroon na ako ng oras para kausapin si Agatha, nadulas sya sakin at doon ko nalaman na may anak pala tayo. I waste 6 years, Charlotte. 6 years! Dapat noon ko pa ginawa iyong alam kong paraan."
"Sandro..."
"Nung nasabi sakin ni Agatha na babalik kayo ay agad kong kinuha iyong information kung kailan iyon. I'm sorry if I have to do that. You don't want to talk to me and Aga didn't tell me when. I don't want to waste time because I already waste 6 years." I can feel my heart is breaking when he was saying that. I didn't realize that I was so selfish to hide his own son to him. "I wasn't there in the past 6 years pero pinapangako ko na babawiin ko iyong mga taong wala ako. I'll promise, Cha."
_______________
BINABASA MO ANG
Way Out (Whipped Series #1)
Fiksi UmumWHIPPED Series #1 Alessandro López, a guy who only wants to be lock on his house and play online games and doesn't want the world outside his house and also doesn't know how to communicate besides his friends, He even tell if someone wants to be par...