CAPÍTULO DOS
"Why do you have to do that?" Naiinis kong tanong sakanya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya. "You can asked me and I can answer you honestly, Alessandro." Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at agad na hinugasan iyong ginamit ko at nilagay sa lagayan.
"Are you... mad?" Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya.
"No... but I'm disappointed. Pwede kang magtanong sakin anytime." Kalmado kong sabi.
"Nasanay lang ako na kapag may gusto akong malaman sa isang tao ganon ang ginagawa ko."
"Palalampasin ko to pero sa susunod na may gusto kang malaman tungkol sakin, magtanong ka lang." Tumango naman sya at niligpit iyong lamesa. Halos lahat alam na nya tungkol sakin tapos ang alam ko lang sakanya ay onti. "Ilang taon kana?"
"Really?" Hindi makapaniwalang lumingon sya sakin. Nang makitang seryoso ako ay sinagot nya. "30 years old."
"Did you have girlfriend before?"
"I had 1." Tumango ako at nagpatuloy.
"Marunong ka magspanish?"
"Little. I grew up here in Philippines. Pumupunta lang ako ng Spain kapag kailangan." Tumango ako at nagsimulang maglakad palabas ng kusina pero bago ako makalabas ay lumingon muna ako at nakita ko syang ibinalik iyong ulam sa ref.
"I like Spaniard." I said before walking back to his room. Nakita ko iyong maleta ko kaya agad kong binuksan iyon para kuhanin iyong mga gamit ko pangligo at damit na pangtulog pero wala na iyong laman. Sakto namang pumasok si Alessandro sa loob ng kwarto at napatingin sakin.
"I got bored earlier so I put your things in the bathroom and clothes in the closet. Ayun lang ginalaw ko dyan." Tumango at pumasok sya loob ng closet at ako naman sya banyo.
Nakita kong nakalagay na sa shelf yung mga gamit ko pangligo kaya naligo na ako. Nagsuot lang ako ng robe nang matapos ako at lumabas. Nakita ko naman si Alessandro na naglalaro ata sa cellphone nya. Nakakunot iyong noo nya at mukhang naiirita.
Hindi ko sya pinansin at kinuha lang sa maleta ko iyong mga lotion ko at naglagay sa katawan. Nang matapos ako at pumasok ako sa closet at nagsuot ng pangtulog ko. Silk night gown.
"May blower ka?" Tanong ko sakanya pag labas ko ng closet. Napatingin naman sya sakin na nakakunot ang noo. "Hindi ako pwedeng matulog ng basa ang buhok." Bumuga muna sya ng hangin bago lumabas ng kwarto at pagbalik nya may dala na syang isang karton.
Binuksan nya iyon at iniabot sakin iyong blower. Nakangiti ako sakanya at nagsimulang magpatuyo ng buhok. Nang matapos ako ay nakita ko syang nakatingin sakin.
"Bakit?" Tanong ko at umupo sa kabilang side ng kama.
"Nothing." Sabi nya at humiga patalikod sakin. Humiga narin ako. "I'll turn off the lights okay?"
"Okay." Pumikit na ako at hindi sya pinansin. Ang lambot ng kama nya ang sarap matulog.
Nagising ako ng alasyete at wala na si Alessandro kaya bumaba ako para magluto ng breakfast pero meron ng pagkain nakatakip doon. Kinuha ko iyong note na nakadikit sa takip.
Eat your breakfast sleepyhead. I'm in the computer room if you have anything.—Sandro
Napangiti nalang ako at nagsimulang kumain. Bacon and eggs lang naman ang niluto nya at fried rice. May talent naman pala syang magluto. Naghugas lang ako ng matapos akong kumain saka bumalik sa kwarto para maligo.
Nagsuot lang ako ng puting tshirt at gray na pants. Humiga ako sa kama at nanood lang ng mga tiktok videos. Nang mabagot ako ay bumaba ako sa kusina at gumawa ng ice cream.

BINABASA MO ANG
Way Out (Whipped Series #1)
Fiksi UmumWHIPPED Series #1 Alessandro López, a guy who only wants to be lock on his house and play online games and doesn't want the world outside his house and also doesn't know how to communicate besides his friends, He even tell if someone wants to be par...