CAPÍTULO TRECE
Madilim pa noong ginising ako ni Sandro para maligo dahil aalis na daw kami. Ang bagal ko pa maligo kasi inaantok pa ako. Kakatapos ko lang itali iyong bath robe ko ng pumasok si Sandro na halatang iritado. Ang aga naman kasi tapos anong oras na akong nakatulog kagabi kasi anong oras na rin umalis sila Cronus at ayoko namang matulog habang andito pa sila.
"I'm still not done. I haven't brush my teeth." Sabi ko saka pumunta sa harap ng sink at kinuha ang toothbrush ko. Hindi ko pa nakukuha iyong toothpaste ng kunin iyon ni Sandro pati na rin iyong toothbrush ko. "Babe, alam kong gusto kita at ganon karin pero use your own toothbrush. That's disgusting." Sabi ko at pilit inaagaw sakanya iyong toothbrush.
"Who said I'm going to use this?" Kumunot naman iyong noo ko sa sinabi nya. Bakit niya naman kinuha iyon? "I'll brush your teeth. Your too slow."
"I slept late last night and you woke me up early. Kulang pa tulog ko. Sino ba naman kasi may sabing ganito ka aga?" Sabi ko.
"Open your mouth." I did and then he start brushing my teeth. "Stop complaining. This is my first time doing dates."
Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi pa sya tapos. Medyo matagal dahil kasi dahan dahan nya. He gentle brushing my teeth like he doesn't want to harm me. He should be. He's the one who get my toothbrush to brush my teeth.
Nang matapos ay agad syang lumabas kasi nagmumog pa ako. Pagkalabas ko nakita ko syang kalalabas lang ng closet. Nakasuot na sya ng puting polo at jeans.
"I already picked what clothes you should wear." Sabi nya at lumabas ng kwarto. Init ng ulo. Pumasok naman ako ng closet at nakita ko sa upuan dito sa closet nakalagay iyong puting dress. Nakita ko naman iyong heels sa tabi non. Hindi naman ganon kataasan kaya gumaan iyong pakiramdaman ko kasi hindi ako sanay sa mataas na heels.
Sinuot ko iyon at saka lumabas ng closet. Kinuha ko naman iyong pouch ko sa may cabinet tabi ng kama. Andoon iyong mga make up ko.
Naglagay ako ng onting foundation at saka onting blush. Nasanay akong magmake up kahit onti dahil sa trabaho ko at nasa Korean ako. Our manager doesn't want us to look like a zombie so I had no choice hanggang sa nasanay ako.
Maglalagay palang ako ng lipstick ng pumasok si Sandro. Nakakunot ang noo. Base sa istura nya, iritado na sya.
"Why do you take so long? What are you doing? That's really unnecessary, Baby!" Inis nya sabi na halos sumigaw na sya.
"Ang aga aga init ng ulo mo." Sabi ko saka naglagay ng lipstick. Onti lang nilagay ko kasi red iyong shade ng lipstick ko at ayoko ng makapal.
"Kaya nga eh. Ang aga na nga kitang ginising pero ang bagal mo. Wala ring saysay." Inis nya sagot sakin. I rolled my eyes.
"Eto na." Sagot ko na medyo na iinis. Niligpit ko muna iyong make up na ginamit ko saka iyon binalik sa cabinet. Nauna na akong lumabas ng kwarto at napansin kong nakatingin lang sakin si Sandro. "Tara na. Nagagalit ka diba kasi ang bagal ko tapos tutunganga ka lang dyan." I can't help it not to be sarcastic. He's getting into my nerve.
Hindi ko na sya inantay sumagot at dumiretso na ako sa garahe. Hindi ko na nakuha iyong phone ko at ayoko namang bumalik baka mas lalong mainis si Sandro at mas lalo akong maiinis sa pinapakita nya saking ugali.
Nakasunod narin sya agad at nauna pang pumasok sa loob ng sasakyan. How gentleman he are. I rolled my eyes before opening the car and hop in. When I about to close the door I slammed it really hard. Nakita ko naman iyong pag-igti ng panga nya. Nagsuot nalang ako ng seatbelt at sa labas lang ng kotse nakatingin kahit hindi pa kami nakakalabas ng garahe.

BINABASA MO ANG
Way Out (Whipped Series #1)
Ficción GeneralWHIPPED Series #1 Alessandro López, a guy who only wants to be lock on his house and play online games and doesn't want the world outside his house and also doesn't know how to communicate besides his friends, He even tell if someone wants to be par...