Chapter 19
Umiinom ng kape si Vladimir habang tinitignan si Cassandra na mahimbing na natutulog, ang dalawang kamay nito ay binalot ng bandage dahil sa matinding sugat nito. Hindi niya alam kung ano ang pinaggagawa ni Cassandra sa sarili nito at mukhang papatayin nito ang sarili niya.
Habang nakatigtig kay Cassandra na mahimbing na natutulog ay napaisip siya. Iba talaga kung nasa tabi niya ito nakikita niya. Damn his pride and ego but she can't lose her.
Nakatingin pa lamang siya dito na tumatawa at ngumingiti sa iba ay parang ilang ulit ng sinuntok ang puso niya. Hindi niya kaya, hindi niya kayang tignan na may kasama itong iba kahit na si Viper pa. Kung pwede lang patayin niya ang kung sino mang lalaki na lalapit dito ay matagal na niya itong pinatay.
Hindi niya ito hahayaan pang mawala ulit, sisiguraduhin niyang hindi ito aalis sa tabi niya. He can't afford to lose her again, masyado ng maraming nangyari at limang taon na ang sinayang niya. Limang taon niyang pilit na kinamumuhian ang taong mahal niya dahil ang akala niya ay ito ang bumaril sa kanyang ama. Masyado na itong matagal kung sasayangin ulit, masyado na siyang nasaktan upang tiisin.
He can't love anyone again the way he love Cassandra, the way he adore her, the way he cares for her and the way his heart beat for her. Hindi na ito mauulit pa and if he's going to love again, he will choose Cassandra over and over again. That's how he love her, kaya masyado itong nasaktan sa nangyari dahil mahal na mahal niya ito at hindi niya matanggap na niloko lang pala siya nito para mabaril ang kanyang ama.
Nasapo na lamang niya ang kanyang mukha, he's in trouble again. Alam niya kung gaano kahirap mahalin si Cassandra, and he knows what's the feeling of an unrequited love pero hindi parin siya nagtanda. Still he keeps on assuming for her love.
***
Nagising si Cassandra ng maramdaman niya ang kirot ng kanyang kamay. Inimulat niya ang kanyang mata at nakita niya ang isang navy blue na ceiling. Alam niyang hindi niya iyon kwarto niya dahil ang kwarto niya ay puti, puti lahat ng gamit. Napabuntong hininga siya bago itinaas ang kanyang palad upang tignan iyon, nakita niyang nakatakip ito ng bandage sa boung kamay niya, tinignan din niya ang kabilang kamay niya at ganun din iyon.
"What the hell are you doing to yourself?" Muntik ng mapatalon sa gulat si Cassandra ng may sumigaw. Mabilis siyang napaupo sa higaan niya at nakita niya si Vlad na nakaupo sa mahabang sofa na nasa tapat niya. Prente lang itong nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro.
"Over fatigue, stress and lack of sleeps. 'Yan ang sinabi ng doctor sa akin. What the hell happened to you this past few weeks?" Cassandra bit her lips habang tinitignan si Vladimir. Hindi niya kayang sagutin ang mga katunungan nito. She will just focus in the bright side, that Vladimir cares for her.
Instead of answering ay ipinikit na lamang ni Cassandra ang mata niya at muling humiga malaking kama nito. Naramdaman niyang naglakad papalapit sa kanya si Vlad at umupo ito sa kama. "You should rest" Tanging sabi nito bago niya naramdamang muli itong tumayo at lumabas ng kwarto. Napadilat ulit si Cassandra at napatitig sa kawalan, hindi siya dapat nandito. She promise to her self na hindi na siya muling lalapit kay Vladmir para hindi ito madadamay pero hindi niya alam kung bakit siya nandito kay Vladimir. Pwede naman siyang umalis pero hindi niya alam kung bakit may parte sa kanyang ayaw na mawalay dito. Kung pwede lang ay hindi na siya aalis sa tabi nito pero alam niyang hindi pwede.
Napagdesisyonan niyang bumaba dahil nagugutom na siya. Naglalakad siya pababa ng makarinig siya ng nag-uusap sa sala, nakita niya si Vladimir at ang isang babae na nakaupo din sa tapat nito na sofa na tumatawa.
"Mukhang namiss po kayo ni Keisha ha." Napatigil sa paglalakad si Cassandra sa narinig niya. Who the hell is Kiesha?
"Sobrang clingy po talaga 'nun sayo Sir, Vlad" Naramdaman na lamang ni Cassandra na kumirot ulit ang kamay niya ng mahigpit niya itong kinuyom. "Nakita ko po kung paano po niya kayo dinilaan" Napaigting ang panga ni Cassandra habang nakatingin sa baba kung saan nag-uusap si Vlad at ang babae. Hindi niya kinaya ang mga sinasabi nito, Clingy tapos dinilaan? What the hell?
BINABASA MO ANG
The Gangster Chick
Mystery / ThrillerCassandra Park is a ruthless and brutal Gangster. She kills anyone who gets in her way. She kills with violence. And she's back with vengeance.