Chapter 22
Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya at pinaharurot, she texted Cleam kung saan ito nagkita at si Yumiko na hindi niya alam kung isa ba itong business partner o naglalandi lang ito.
Kung malaman niya lang na niloko siya ni Vladimir ay siguradong gagamitin niya ang bazooka niya sa dalawang dito at ang babae niya. Mahigpit siyang napahawak sa manibela niya habang nagdadrive, hindi niya alam kung bakit nanggigil siya habang nagdadrive papunta sa sinabi na lugar ni Cleam.
Natatanaw na ni Cassandra ang condo ni Vlad at mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak ng manibela niya, she's not that stupid hindi mag-isip ng hindi maganda. Who in the hell bring his business partner on his condo, condo really? Anong gagawin nito sa condo niya, group study?
Mabilis siyang naglakad pamasok at inihagis sa lalaking nakatayo sa may entrance, she assumed that it is the valet attendant. Kuyom ang kamao na sa elevator habang nasa loob siya ng elevator, hindi niya alam kung ilang ulit niyang pinatay si Vladimir sa isipan niya.
Nasa tapat na ng pintoan si Cassandra at doon na siya napatigil at napaisip. Panno kung iba ang masaksihan niya? Paano kung nagsawa na pala ito sa kanya at sa pakikipaglaban?
Naisip tuloy niya ang sinabi ng kanyang ama, hindi sapat ang mahal ka ng tao huwag kang magpapasiguro na mahal ka lang niya dahil kahit mahal ka ay pwede ding magsawa.
Kahit na nagdadalawang isip siya ay sa huli ay napagdesisyonan niyang pindutin ang passcode nito.
She let out a heave sigh bago nagpatuloy sa paglakad papasok ng condo nito. Inilibot niya ng tingin ang boung paligid at doon napakunot ang noo niya, the house looks devasted from a super typhoon. Nagkalat ang lahat ng gamit sa boung lugar, basag ang mga vase na nakadesinyo sa sala. Tinignan niya ng mabuti ang lahat ng gamit na nababasag, doon niya napansin na pagkabasag nito na may dalang puwersa. Naglakad pa siya at nakita niya ang limang kutsilyo na nakatusok sa pader, naglakad siya papalapit dito at tinanggal ang isang kutsilyo gamit ang kamay niya at doon niya napansin na ang kutsilyo na yun ay hinagis mula sa malayo.
Mabilis na ipinalibot ulit ni Cassandra ang tingin sa paligid ng makaramdam siya ng kakaibang kaba, mukhang sadyang sinira ang mga gamit sa loob ng unit nito mula sa mga picture frame na may may picture nilang dalawa at sa family picture nila.
Hindi nagdalawang isip si Cassandra na tumakbo ng mabilis papalabas ng condo unit ni Vladimir, napamura na lamang siya habang tumatakbo papalabas. Nakalimutan niyang dinala pala ng valet attendant sa parking lot, saktong may huminto na magandang sasakyan at lumabas dito ang isang lalaking nakashades. Hinagis niya ang susi niya papapunta sa valet attendant pero nauna niya itong sinalo at tumakbo papunta sa driver seat. Tulalang nakatingin na lamang ang may-ari ng mamahaling kotse ng tumakbo ito ng mabilis papalayo.
Mas binilisan pa ni Cassandra ang pagpapatakbo niya sa kotse ng maramdaman niyang may dalawang kotse na sumusunod sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya at kinonekta ito sa kotse at sinimulan niyang e track. Ngunit hindi niya ma-access ang GPS nito. Iniliko ni Cassandra ang kotse niya sa isang liblib na lugar at doon niya ito inihinto. Wala siyang choice kundi sumama dito dahil alam niyang ito lang ang makakapagturo kung nasaan si Vladimir.
Agad nagsilabasan ang mga kalalakihan na nakaitim at may hawak itong mga baril, ibinaba ni Cassandra ang bintana niya ng huminto na ito sa gilid ng kotse niya ang lalaki.
"Sumama ka sa amin" Matigas na sabi nito kaya tumango lang si Cassandra at luamabas sa kotse niya. Malamang ay hawak nila si Vlad kaya dapat ay sumama siya, si Cassandra ang pakay nila kaya siya ang dapat na nandoon. Kung kailangan nito ay ang microchip ay ibibigay niya iyon kung ang kapalit ay ang buhay ni Vladimir.
BINABASA MO ANG
The Gangster Chick
Misterio / SuspensoCassandra Park is a ruthless and brutal Gangster. She kills anyone who gets in her way. She kills with violence. And she's back with vengeance.