Chapter 18

6.6K 206 4
                                    

Chapter 18

Nakatingin lang si Cassandra kay Vladimir na nakahiga sa hospital bed, nalamang niyang tatlo pala ang tama nito sa katawan kaya kailangan talaga itong e confined dahil nauubusan na rin ito ng dugo. Kaya pala ito nanghihina na at parang lantang gulay ng makita niya ito. Nakatingin lang si Cassandra sa mukha nito at hindi niya mapigilang mapangiti. Wala na siyang dapat na ipag-alala pa, dahil wala ng mangugulo sa kanya. She already killed the leader of Thanatos at ang mga malalaking tao na nagpalikod sa naturang Mafia.

Ito talaga ang hinihintay ni Cassandra, she wants to clear all her issues at lahat ng taong pwedeng gumawa ng bagay na ikakapamahak sa kanya. Para mabuhay na siya ng maayos at hindi na niya mapapahamak ang mga importante sa buhay nila. Sana nga

"Queen? Malapit na akong malowbat" Nakangiwing sabi ni Viper sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Cassandra at muling humarap sa ka meeting niya.

"Okay, turn it off" sagot ni Cassandra dito at agad namang namang namatay ang video call nila kung saan nakikita niyang natutulog si Vladimir sa hospital bed nito. She's currently in Cebu, may sinalihan siyang convention at kailangan niyang pumunta, ayaw niya sana ngunit para sa business nila kaya kailangan niya ng sumali sa convention at sa loob iyon ng tatlong araw.

***

Nakaupo na si Vladimir sa hospital bed niya, may benda parin ito sa tiyan ngunit hindi na naman masakit ang sugat niya, kapag natatamaan lang ito. Ngayun ang labas niya sa hospital at hindi na lamang siya nagpasundo sa kanyang ama dahil alam niyang mas mahihirapan ito. Inilapag ni Viper ang gym bag niya sa higaan na katabi niya.

"Ihahatid na kita sa bahay mo" sabi nito kay Vladimir pero umiling lang ito.

"Huwag na, I can manage. Kaya kung umuwi mag-isa" sabi nito pero nagpupumulit talaga ito.

"No, Vlad I insist. Hindi pa kaya ng katawan mo" Umiling ulit si Vladimir kay Viper.

"Kaya ko nga! May lakad akong ngayun at kukunin naman ako ng driver" Pagsisinungaling niya ngunit ang totoo ay gusto lamang niyang mapag-isa at kailangan niyang pumasok sa trabaho. Marami na siyang tambak na trabaho.

Viper sighed in defeat. "Okay, basta umuwi ka ng deretso" sabi nito. Napakunot ang noo ni Vlad sa inasta nito. Why sudden Viper care for him? Dati parang wala naman itong pake sa kanya. As much as he wants to ask him ay hindi na lamang niya ito tinanong.

Pagka-alis ni Viper ay agad niyang kinuha ang gym bag niya at dahan dahan na naglakad palabas, sabi ng doctor ay hindi daw dapat pwersahin ang katawan niya sa paglakad upang hindi bubuka ang tahi nito sa tiyan.

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa elevator at may nakasalubong siyang nurse, magiliw itong ngumiti sa kanya. "Good Afternoon po, Sir. Naku, gusto niyo po ba ng tulong Sir?" sasagot nasana si Vlad at sasabihin na kaya na niya ng may biglang hamblot sa dala niyang gym bag at muntik an siyang matumba.

"You hard headed punk" Cassandra said coldly. Naningkit ang mata nito habang nakatingin kay Vladimir.

Vladimir rolled his eyes. "I missed you too" he said sarcastically.

He stared at Cassandra's face when he saw her smile in just milliseconds. Hindi niya magawang ilayo ang tingin niya para isiguradong hindi siya namalik mata.

Napangiwi siya ng hinila siya nito papasok ng elevator, hawak siya nito sa braso pero mahina niya lamang itong tinulak. Ayaw niyang inaalayan siya.

"What are you doing here?" Tanong niya dito. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang pakay nito. He doesn't want to be pitied.

Tinignan lang siya ni Cassandra at nagkibit balikat. "Ihahatid ka" tanging sagot nito at umayos lang ng tayo at nakatingin lang deretso. Hindi na lamang nagsalita si Vlad at hinayaan na niya lamang ito. Lumabas sila sa hospital at nakita niya ang kotse nito na nakapark sa harap ng hospital.

The Gangster ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon