Part ll

13 1 0
                                    

Habang papunta ng paaralan ay naisipan kong tumambay muna sa tindahan na medyo malapit sa school. Tutal ay late na naman ako sa unang subject ko hindi na lang ako papasok.

Sigurado din naman na matutulog lang ako. Kung hindi ba naman kasi boring magturo ang mga teacher ide sana hindi ako tatamaring pumasok.

Habang nakaupo at nakikinig ng music gamit ang headseat ay may dumaang kotse na parang pamilyar sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil ang sakay nito ang lalaking kung maakbusina ay wagas. Pagbukas kasi ang bintana sa driver seat kaya nakilala ko ito buti na lang at magaling ako sa memorya. Pero hindi ito nagiisa dahil may kasama itong babae sa loob ng kotse.

Maybe his unlucky girlfriend..hahaha

Tumayo ako at Dali daling sumunod dito. Nang nasa tapat na ako ng gate ay binati ako ni Manong gwardya.

'Oh, miss Cristle? Long time no see. Nakakain ka ata ng maayos ngayon hah? Congrats at pumasok ka na ulit.

'Gag*..' sabi ko bago pumasok. Narinig ko naman ang pagtawa nito.

Himala nga na kahit minsan sa isang buwan lang ako kung pumasok ay kilala pa din nila ako. Nakakaamaze. Maybe next time ay yayain ko silang mag billard. Pero wag na lang mukhang kj silang kasama and i bet hindi ako mageenjoy.

Tumaloy na ako and as always ay nasa akin na naman ang atension ng makasalubong at makita ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng celebrity? Oo nga naman minsan lang naman akong pumasok.

'Gusto mo ng autograph?' Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko ba panay ang tingin sa akin.

'Hah?' Inosente nitong tanong.

Tinarayan ko na lang ito at diretso na akong naglakad sa may hallway ng school. Hindi ko na kasi naabutan sa parking lot si Lalaki kay sinubukan kung sundan ito pweding pumunta pero hindi ko naabutan. Hanggang sa matapos ang araw na yun ay hindi nagtagpo ang landas namin.

Hanggang sumunod na araw ay tinayming ko ang paghintay dito at nakita ko ulit na kasabay nito ang babaeng nakita ko kahapon.

Tiningnan ko lang ito sa malayo at napansin ko na pagkalabas nito ng kotse ay nagsigawan ang mga students. What an entrance!

Feel ang red carpet dree?

Naglakad na ako papalapit dito at walang sabi sabing huminto sa harap nito. Sandali itong natigilan at tiningnan akong mabuti bago bumalik sa normal ang tingin nito. Narinig ko naman ang bulungan ng mga studyante kaya tiningnan ko ito ng tuwid napansin ko din na nakatingin sa amin ang babaeng kasama nito.

'You seems popular.'pahayag ko.

'Maybe..?' Nakasmirk nitong sabi.

'Ok..' pagkatapos ay hinila ako ang sleeve nito at walang sabi sabing hinalikan ito sa labi. Narinig ko din ang pag gasp ng mga taong nakapalibot sa amin. Pero mas napangiti ako ng sandali iyng matigilan sa ginawa ko.

Napasmirk ako. One point!

'Nice meeting you..again..' sabi ko bago umalis ng may ngiti sa labi. Parang narinig ko ang mahinang pagmura nito kaya mas lumawak ang ngiti ko.

From some point his lips is soft. How can a guy have soft lips? Tch! Nevermind.

..

Pasalampak akong umupos sa upuan pagkadating ko sa canteen. Nauna na dito sa Carleen na nakakunot noong nakatingin sa tablet na hawak nito.

'Hoy Bruha! Ano itong rumors na kumakalat about sayo at kay Jin? ' tanong ni nito

'Jin?' Tanong ko. May kilala ba akong Jin? I Think wala ata.

HE is JIN WALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon