Part XI

3 0 0
                                    

Minsan dahil sa nangyayari nababago ang isang tao. Hindi mo siya masisi kung yun ang gusto niyang gawin. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin at intindihin...

***

Kanina pa ako nakatayo sa labas ng bahay nina Jin. Nakauwi na ito galing sa pagkakaospital at kasalukayan itong nagpapahinga sa bahay nila. Two days na din ata pagkatapos nang nangyaring aksidente.  aksidente nga ba? o baka sinadya?

Nagdedebate pa din ang utak ko kung magdodoorbell ba ako o hindi. Pero in the end ay mas pinili ko pa ding pindutin ang button sandali lang din naman ng biglang may maid na nagbukas.

"Sino sila?" tanong nito.

"S-Shailene.." pakilala ko.

"Shailene? " sandali itong parang nagisip siguro kung sino ako. Dahil nalamang magtataka siguro ito kung bakit ako nagdito.

malamang first time kong pumunta dito. ilang buwan na ba kaming magkakilala ni JIN? one? two?. Ito pa lang ang unang pagbisita ko dito or rather pagpunta. hindi kasi ako gala..yeah right!

"Nandyan ba si Jin?" tanong ko as if in cue ay biglang nanlaki ang mata nito at dali daling linakihan ang pagkakabukas ng gate.

Kahit nagulat ako ay sumunod ba lang ako dito ng maglakad ito papasok. Problema ni Ate?Pinatuloy ako nito at pinapasok sa malaking bahay. i can't help but stare at the whole house. Sobrang laki nito.

Sandali itong nawala ng makarating kami sa sala kaya ginamit ko naman itong pagkakataon para ilibot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nila.

Cream ang theme ng color ng bahay nila at base na din sa nakikita ko ay mukhang pinaghalong modern at ranaissance period dahil sa dami ng paintings nakita ko. May malaki ding kahoy na may orasan sa taas at sa tapat nito ang malaking flat screeb tv. Nasa gilid ko naman ang isang grand stair case. While sa other side ay kung saan naglakad papunta ang maid kanina. It must be the kitchen.

Nasa kalagitnaan pa din ako ng pagtingin ng may maramdaman akong presensiya mula sa likod ko.

Dahil na din siguro sa pagiging basagulera ko kaya madali akong makasense kong may mali kaya bago pa man may tumama sa akin ay nakailag ako at tumalon sa kabilang side while facing the person na may ibinato sa akin.

"who are you?" mataray na tanong ng babaeng nasa dulo ng hagdan habang matiim na natingin sa akin.

who is me? nagpapatawa ba siya eh halos mapatay niya na ako sa ginawa niya.

"Bisita?" patanong kong sagot. Umismid naman ito bago muling naglabas ng isang matulis na bagay at tinapon sa direksyon ko.

Agad nanlaki ang mata ko pero nagawa ko pa din ilagan ito. Kaya tumama ito sa isang vase dahilan para mahulog mabasag ito. shit! is she for real? may ginawa ba ako sa babaeng ito? problema niya? para sa pagkakaalam ko ngayon lang naman kami nagkita so, bakit ang init niya ata sa akin? bago pa man ulit siya makagalaw na parang kukuha na naman ng ipambabato sa akin ay naunahan  na ito ng isang sigaw.

"Janina!" napangiwi ang babaeng nasa harap ko ng biglang may sumigaw.

Sabay kaming napatingin sa taas kung saan nakatayo ang isang babae. I was like.. Na saang lugar ako? Natulala ako ng makita ang isang babae na pababa ng hagdan nakatingin lang ako sa kanya habang walang kapoise poise itong naglakad pababa ng hagdan. wa poise! hanep!

HE is JIN WALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon