Tahimik na naglilinis ng condo si Fauza, paminsan minsang din siyang natulala tuwing narerealize ang mga nangyayari sa kanya.
Nitong mga nakaraang araw kasi, parang mababaliw na siya. Mula sa biglaang pag-seen ni Damon sa message niya, at ngayon naman ay ang pag-add nina Janine kay Damon sa Group Chat nila.
Nakabalik na siya.
Natigil ang pag-iisip si Fauza nang biglaang marinig ang sunod sunod na text messages sa phone niya.
From: Aye
We're on our way to your condo, namimiss ka na raw nila Faye.
Hindi na nagulat pa si Fauza. Madalas na kasing dumalaw sina Aye o Janine sa condo niya. Winalis niya ang natitirang kalat bago kumuha ng mug para magkape.
Anong oras na rin siya nakatulog kakaisip kagabi. Bangag tuloy siya at halos hindi na maipinta ang mukha. Ang daming what ifs na natakbo sa utak niya o hindi kaya what to expect, consider, and do.
Nilakad niya ang pinto nang marinig ang sunod sunod na katok. Basta niya na lang 'yon binuksan kaya nagtakbuhan ang dalawang bata palapit sa kanya at nagsigawan.
"Ninang Fau!" sigaw ni Faye, ang bunso ni Aye. Nakayakap iyon sa binti niya, habang ang panganay na si Rene ay saglit na yumakap lang. He isn't particularly sweet, but he is pretty generous.
"Boring sa bahay." Bungad ni Aye. Humalik iyon sa pisngi niya, bago pumasok. Sanay na sanay na ito sa bahay niya, kaya umupo na si Fau sa sala habang ang mga bata ay nagtatakbuhan na.
"Ang laki ng condo mo, tapos ikaw lang tao. Mag-asawa ka na." Natigil sa pag-inom ng kape si Fau nang marinig 'yon. Binalingan niya ang kaibigang painosente pa. Parang walang sinabi kanina.
Hindi niya na lang pinansin 'yon, bagkus ay naglaro na sa utak niya ang ideyang nandito na ang inaantay niya.
How did that happen? What brings him here? Is he still single? Is he married? Is he planning on inviting me to his wedding?
"Si Damon?" Wala sa sariling tanong niya. Napuno nang malakas na tawa ang buong condo dahil kay Aye. Agad tuloy siyang nagsisi sa tinanong.
"Nagleft ka sa group, iniwan mo yung tao," natatawang pang-aasar ni Aye. Umirap si Fau bago humigop ng kape. Chinat niya naman pagkatapos, nasa isip niya.
Sinabihan pa niyang namiss niya kaya hindi na siya lalo nakatulog.
Sa bawat pagkakataon na mababanggit si Damon. May kirot parin siyang nararamdaman na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
Sobrang dami niyang pinagsisihan, isa na doon ang huling sinabi niya, 7 years ago.
'Yong sinabi kong nagsisisi akong nakilala ko siya, kasi kung may pinagsisihan man ako. 'Yon 'yong hindi ko siya natrato nang tama.
Umayos ng upo si Aye at tinignan na ang kaibigan.
"Nagkasundo naman kayo dati diba?" tanong niya, mapait na napangiti si Fauza. Muli niyang sinariwa ang nangyari noon.
"Yeah, nakakapangsisi nga. Umalis siyang may tampo ako," puno ng pait na sabi ng dalaga. Nanubig pa ang mata nito kaya napaiwas siya ng tingin.
"Pero wala na 'yon ngayon." bawi niya. She even wipes away the tears that are about to fall. "Mukha namang safe na siya, kontento na ako roon."
Nagtakbuhan sa pwesto nila sina Faye at Rene, pinunasan agad ni Fau ang mga bagong luha at ngumiti sa dalawa.
"Ninang," tawag sa kanya ni Rene. Napabaling siya bata. Nakatingin iyon sa litrato niya nung college, malalim din ang gitla sa noo no'n na parang may iniisip.